Page 68

90 13 0
                                    




First points of view;


"First." nag-aalalang tawag ni Dew sa akin maging sina Blue at Ivory ay ganoon din ang naging tingin nila sa akin.


Napalingon naman si Mommy sa kanila. Kita ko ang unti-unti niyang pagngisi na parang may napagtanto siya ng makilala na niya ang mga kaibigan ko.



"The carrier." ngisi niya pang sambit na ramdam kong alam na ng mga kasama ko ngayon kung ano ang ibig niyang sabihin.


Ang dievil drug ang tinutukoy ni Mommy. Ngayong nabanggit niya ito mismo sa harap ni Ivory, alam kong sigurado na siyang may koneksyon si Mommy kay Dr. Hiroshi. Ibig sabihin lang niyon, maaaring matagal na nga niya akong patagong binabantayan simula pa noong napunta ako sa mental institution kung saan din siya nanggaling noon.


"Paano mo nalaman ang tungkol sa dievil drug?" tanong ni Blue kay mama. Ngumisi naman ito sa kanya bago pa balingan ng tingin si Ivory na nakatingin lang din sa kanya sa mga sandaling ito.


"You're Rio, right? Long time no see.." ngising sambit ni mama sa kanya na nagpaseryoso lalo ng mukha niya. Matagal na bang kilala ni mama si Ivory? Sa paraan kasi ng pagsasalita niya ay parang nakasama na niya noon si Ivory.


Bumaling ulit ng tingin si mama kay Blue, maging kay Dew ay tumingin din ito bago ulit binalik ang paningin sa akin.


"You have a lot of friends now, huh.." ngiti pa nito sa akin ngunit sa isang iglap lang ay mabilis ding naglaho ang nakangiti niyang emosyon.


May kinuha siya sa likuran niya at huli ko ng napagtantong baril iyon na mabilis niyang kinatutok kay Dew.


"MAMA!!" gulat kong sambit habang gulat na nakatingin na sa baril niyang nakatutok na kay Dew.


"Dew." nag-aalalang tawag ni Blue kay Dew na nanatili lang ang walang emosyon niyang tingin kay Mama na nakangisi na sa harap niya ngayon.


"Since wala dito ang unang taong naging kaibigan mo First.. ikaw muna ang sisingilin ko." nakangising sambit ni mama habang mariin pa ring nakatutok ang baril niya kay Dew. "Ikaw ang kasama niya sa hospital 'di ba?" tanong niya pa na seryoso lang na ikinatitig ni Dew sa kanya. "Don't worry, isusunod ko din ang iba." dagdag niya pa bago niya kinalabit ang gatilyo.


Mabilis akong pumunta kay Dew upang harangan ang balang tatama sana sa kanya ngunit sa halip na putok ng baril ang maririnig ko, malakas lang na tawa ni mama ang umalingawngaw sa loob ng kwarto ko.


"HAHAHAHAHAHAHHAHA!!! hindi ko alam na hero ka na pala ngayon First.. di ba mamamatay tao ka noon?!" mapang-uyam niya pang sambit habang patuloy pa rin ang halakhak niya.


"First.. First.. First.." paulit-ulit niyang sambit sa pangalan ko. Ramdam ko ang inis ng mga kasama ko dahil sa ginawa niya sa mga sandaling ito ngunit nakikiusap lang akong tumingin sa kanila.


"Do you know, Sage wants to put you in jail dahil mamamatay tao ka?" nag-alala niyang sambit sa akin na ikinakuyom ko lang ng kamao ko. "But don't worry, I already begged her to give you a chance because your my daughter First.. at nagsisisi ka na sa ginawa mo sa ina niya, right?" salaysay niya na ikinahugot ko muna ng malalim na hininga bago magsalita sa kanya.


"Mom, I don't hurt yaya Sabel.. you're the one who killed her." mahina kong sambit na ramdam ko na namang ikinatalim ng paningin niya sa akin.


"Ikaw ang dahilan kung bakit ko siya pinatay First kaya walang ibang dapat sisihin dito kung hindi ikaw!" galit niyang sigaw sa akin. Nanatiling tahimik lang ang mga kasama ko habang nakikinig lang sa usapan namin ni mama. Alam kong naiintindihan nila ang tahimik kong pakiusap sa kanila na huwag mangialam sa mga sandaling ito.


"Alam mo bang ikaw din ang dahilan kung bakit namatay sina Francisco at Mariano?" nakangisi niyang banggit sa dalawang taong pinahanap ko noon kay Tork. Gulat akong tumitig sa kanya dahil sa realisasyong tumatakbo sa utak ko ngayon. Alam niya ba ang plano ko noon?


"Hahahahaha.. First.. First.. First.." natatawa niya na namang sambit sa pangalan ko na halata sa boses niyang pinaglalaruan niya ako. "I also killed them for you!" proud niyang pag-amin. Natatawa niya pang tinignan ang baril na hawak-hawak pa rin niya bago ito kinilabit na naman sa direksyon ko. "Pwede din kitang patayin sa mga oras na iyon First pero—


"Why don't you kill me now mom? Di ba iyon naman ang gusto mo, noon pa man?" putol ko sa sasabihin pa niya. Napapagod ko siyang tinignan. Ang dami ng nadamay dahil sa akin. Kung sigurong natuluyan lang akong namatay noon, siguro natapos na ang paghihiganti niyang ito.


"It's not your time First.. gaya ng sinabi ko sayo kanina.. ako ang magdidikta sa buhay mo!" mariin niyang sambit sa akin.


"No Mrs. Villera, hindi bagay si First na pwede niyo lang manipulahin at diktahan! She owns her life.. wala kayong karapatan para sirain iyon!" sambit ni Blue sa kanya na nakakainsulto namang tinawanan ni mama.


"Hahahahahaha!" halakhak ni mama kay Blue. Tumayo pa ito at marahang lumapit kay Blue habang patuloy pa rin ang halakhak niya.


"Soon Miss Park, maiintindihan mo din ang pagmamanipula na sinasabi mo ngayon.. I can manipulate all of you, not only my daughter.. Hahahahaha.. thanks to my husband's dievil drug.. Hahahahaha.. magagawa ko na ng lahat ng gusto ko sayo First.. pati na din sa inyo! hahaha." halakhak nito na ikinagulat naming apat.


"M-May relasyon kayo ng baliw na doctor na iyon?" di makapaniwala namang tanong ni Dew na maging ako ay di din makapaniwalang tumingin kay Mom.


"Paano nangyari iyon? Paano kayo nagkakilala ni Hiroshi?" tanong ko sa kanya.


"Oh.. mahabang kwento, but to make the story short.. he's my psychiatrist.. He feels inlove with me and I manipulate his feelings for me.. He became my husband. He can do all for me kahit pa ang dalhin ka sa isla niya para mainject ka din ng drogang gawa niya.. it's all in the plan First.. lahat ng nangyari sayo ay kasali sa plano ko.. Nandoon ako habang tinuturok niya sayo ang drogang may dobleng epekto sa katawan ng tao. You did'nt experienced hallucinations just like what your friends felt but instead.." napangisi pa siya habang mariin akong tinitigan.. "you suffered from your nightmare! hindi mo nakokontrol ang galit sa puso mo., that you want blood.. you want to kill kagaya ng kung ano ang itinanim ko sa utak mo! You will lose yourself just like what you do everytime you're on your secret room! I created you before First.. and I'm happy dahil unti-unti nang lumalabas ang halimaw na itinanim ko sa puso at utak mo noon!" natutuwa niyang sambit na unti-unting nagpahina sa akin. She's right., I'm a monster now.


"You're crazy!" rinig kong sambit ni Dew.


"HAAHAHHAHHAHAHA!! Same to all of you!!" halakhak ni Mama.

Unti-unti siyang humakbang palayo sa amin, papunta sa pintuan. Ngunit bago pa man siya umalis ay nakangisi pa muna niya kaming tinignan.

"See you in La Carlota, First.. I'll be happy if your friends will join you too.. Your step-father Hiroshi will be there too.. Hahahahaha!" tawa niya bago pabagsak na sinarado ang pinto.


***


night-firefly


Please vote and leave your comments. Thank you.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon