Page 89

112 9 1
                                    



First points of view:

"M-mom please.. let my friends go.. please.. nagmamakaawa po ako.. huwag po si Tork mom.. I can do what you want mom.. lahat.. basta huwag niyo lang po siyang itulad sa akin." pakiusap ko kay mommy habang nangingilid na ang luha ko.



Naging maingay ang lahat ng mga bisita sa birthday party niya dahil sa nasaksihan nila kanina. Pare-pareho din siguro silang nagulat dahil sa nakita nila sa monitor at maging ang pagpalibot ng mga armadong lalake ngayon habang nakatutok ang mga baril sa kanila.



"Okay. That's what I want you to do First.. . . ang sundin lahat ng sinasabi ko.." natutuwang sambit niya sa akin. Lumapit muna siya sa kinatatayuan ko bago pa sabihin ang gusto niya.



"This is what I want.. you have to select one person each of these family.." turo niya pa sa mga pamilyang dumalo sa party niya. "..each one of them will be part of our experiment.. hmm." di ako makapaniwalang tumingin sa kanya. "..sa madaling salita., you have to choose your friends." dagdag niya pa.



Napatingin ako sa mga kaibigan kong nakatayo sa ibaba ng stage na kinatatayuan namin ni mommy ngayon bago ko binalik ang paningin sa kanya. Ngunit bago ko pa man magawa iyon kita ko pa ang pag-iling ni Acid sa akin habang hawak-hawak niya ang kamay ni tita Pam na ina niya.


"W-why?" naguguluhan ko pang tanong kalaunan.. Hindi ko maisip kung bakit pati ang iba ay nadamay sa paghihiganti niya ngayon. Nadamay na si Miracle pati ang tunay kong ina na si Anastasya., bakit pati ang iba?



"This is the part of my revenge First.. they're parents left me when I need them.. lahat sila!.. lahat sila ay tumalikod sa akin nung mga panahong kailangan ko sila.. as I told you before.. friends are useless kapag hindi ka na nila kailangan." mariin niyang sagot sa maikli kong tanong sa kanya. Ramdam ko ang pagkamuhi niya na nakikita ko ngayon sa mga mata niya habang tinitignan na ang mga taong tinuring niyang kaibigan noon.. ang mga ina ng mga kaibigan ko ngayon.



"That's not true Prim." tutol ni tita Lovie sa sinabi ni mom mula sa ibaba ng stage kaya napatingin naman ako sa kanya.



"Liar!" galit na sigaw naman ni mommy sa kanya. "Ikaw ang inaasahan ko noon na makikinig sa akin Lovie.. pero katulad ng iba! Wala ka ding kwenta! Nagawa mo pang agawin si Oliver sa akin.. magkatulad talaga kayo ng ugali ni Anastasya! Mga mang-aagaw!"



"Prim." di makapaniwalang tawag din ni tito Oliver dito.



"Yes Oliver.." nakangiting sambit lang niya kay tito na napailing na lang sa kanya.



Napatingin naman ako kay Clover na ngayon ay nasa tabi na ng mga magulang niya. Lihim na lang akong napahingi ng tawad sa kanya dahil sa nangyari ngayon.



"Nagsinungaling ka din sa amin noon Prim." sambit naman ng ina ni Krys. "..you never told us na nagtatrabaho ka sa isang illegal na organisasyon.. What you expected us to do? Hahayaan na lang na manganib ang buhay namin habang kasama ka? We also have our own family na dapat ingatan Prim."



"Nagawa ka naming talikuran noon Prim.. but we first ask you to stay out from that organization.. . .but you choose that over us." si tita Marriette naman ngayon ang nagsalita.



Nabaling ang paningin ko ngayon kay Craige. Sa mga oras na ito ay hindi din siguro siya makapaniwalang magkakakilala noon ang mga magulang namin at ang malupit pa ay naging magkaibigan din ang mga ito. Iyon ba ang dahilan kung bakit nakikita ko noon si tito Rigor na ama niya na dumadalaw kay mama sa mansyon?


"Hindi lang iyon ang pinag-ugatan ng galit ko sa inyo! ..you! All of you ay may masaya at buong pamilya! Samantalang ako?. .namatayan ako ng anak. .may nakiramay ba sa inyo?! Wala! Dahil tsaka lang kayo nakakaalala sa akin kapag may kailangan kayo!" napatingin akong muli kay mommy dahil sa sinabi niya. Alam ko namang namatayan siya noon ng anak pero andito naman ako.. kasama niya ako noon pero bakit hindi niya ako makita? bakit hindi niya ako kayang mahalin? dahil ba anak ako ng mga kinamumuhian ng tao? ..pero bakit ako? ..bakit nagawa ko siyang mahalin kahit pa hindi niya kayang iparamdam ang pagmamahal niya sa akin.



Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Donde viven las historias. Descúbrelo ahora