Page 66

87 12 0
                                    



First points of view:

"How was it?" kaagad na tanong ni Blue ng makasakay ako sa kotse niya. Hindi ko alam na sinundan pala nila ako sa pagpunta ko sa mansyon.

"It's done." walang lakas kong sagot sa kanya habang tulalang nakatingin lang sa paligid na nadadaanan namin.

"Next destination.. Sage house." sambit ni Dew na katabi ko lang na nakaupo sa likurang bahagi nitong sasakyan.

Bumuntong hininga ako bago mariing ipikit ang mga mata ko. Gusto kong tanggalin ang emosyong naramdaman ko habang kausap ko kanina si dad. Gusto ko munang kalimutan ang sakit at lungkot na nararamdaman ng puso ko.


Gabi na ng marating namin ang bahay nina Jelly. Pababa na ako ng sasakyan upang puntahan at kausapan sana si Ate Sage ng may namataan akong ibang tao na nasa loob ng bahay nila.

"Mama?" patanong ko pang sambit ng makita ko doon si Mama. Anong ginagawa niya sa bahay nina Jelly.

"First.. be careful." rinig ko pang bilin ni Blue ng tahimik akong lumapit pa sa kinaroroonan ni Mama kasama sina ate Sage. Kausap din niya ang ama nito at maging si Jelly ay nakikinig din sa pinag-uusapan nila.

"I want to invite you to my upcoming birthday.. alam kong masakit ang nangyari noon pero I also love Sabel.. at gusto kong magpasalamat sa kabaitan niya noon.. gusto kong bumawi sa inyo dahil sa kasamaang-palad na nangyari sa kanya. I want to start something new.. at sana mapagbigyan niyo ang imbitasyon ko." nakangiting paanyaya ni Mom sa kanila.

"At tungkol naman kay First.. Alam kong walang kapatawaran ang ginawa niya pero sana mabigyan niyo siya ng pagkakataon.. She have mental illness and maybe she really need to stay in the psychiatric hospital dahil sa ginawa niya.. I know she lied.. pinaniwala niya kayo sa mga kasinungalingan niya but I know, nagsisisi na siya ngayon." dagdag niya pang sinabi na hindi ko mapaniwalaang ikinabuntong hininga.

"I can't po Tita." rinig kong saad ni Ate Sage. "Hindi ko po siya kayang patawarin.. pinasakay niya kami sa kasinungalingan niya. Nabilog niya pa pati utak ng kapatid ko kaya hinding-hindi ko po siya mapapatawad." may galit na dagdag pa nito.

Napailing na lang ako. Bakit mo ba ito ginagawa Ma?

"Sage.. anak.." napahugot ako ng malalim na hininga dahil sa tinawag niya kay Sage. ..alam mo namang andito lang ako para sa inyo, hindi ba? I can help you.. malambing niyang sambit na ikinangiti ni ate Sage sa kanya.

Napalunok ako sa uri ng pakikitungo ni Mama sa iba. Bakit hindi niya magawa iyon sa akin? Bakit hindi niya matawag sa akin ang pangalang tinawag niya kay ate Sage ngayon? Anak.. hanggang kailan ko papangaraping ituring niya din akong anak niya?

Bumalik na ako sa sasakyan ni Blue at hindi na piniling pakinggan pa ang iba nilang pag-uusapan. Inaamin kong galit ako kay Mama dahil sa ginagawa niya ngayon pero mas nananaig ang sakit dito sa puso ko.

"What happened?" usisa ni Blue ng makapasok na ako sa kotse niya.

"She's planning something." buntong hiningang sagot ko na lang. Tama nga si Ivory, si Mama nga ang dahilan kung bakit nalaman ni ate Sage ang tungkol sa pagkamatay ni Yaya Sabel na ina niya.

Ibig sabihin lang 'nun, maaaring matagal na nga silang magkakilala.

Nagdesisyon kaming umalis na lang at mag-iisip ng ibang plano upang makausap ko ng maayos ang pamilya ni Jelly.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum