Part 82

95 9 3
                                    



First points of view:

"I need to talk to him Tork." sambit ko kay Tork ng makita kong medyo nawala na ang bakas ng pag-iyak niya.

"Tork." tawag ko pang muli sa kanya ng mag-iwas lang siya ng tingin imbes na sagutin ako.

"I'm jealous.. kahit wala akong karapatan." pabulong niyang sambit. Tinitigan ko naman ang hitsura niya. Hindi ko maiwasang tahimik na mapatawa dahil sa pagnguso niya.

"Ang cute mo baby.." natatawa kong sambit na lalo lang nagpanguso sa kanya. Kukurutin ko pa sana ang pisngi niya pero mabilis na din siyang umiwas.

"First." nahihiya pa niyang angal.

"Baby.. learn to call me ate, okay?" pigil-tawa ko pang sambit. Tuluyan na siyang sumimangot sa harap ko na ikinatawa ko na talaga ng tuluyan.

"That will never happen First.. walang tumatawag na ate sa first love nila." saad niya.

"Tsk.. edi ako na lang pala ang tatawag ng kuya sayo. ..ganon ba yun?" ngiwi ko sa kanya.

"No!" kaagad din niyang tutol. Nangunot pa ang noo niya habang nakasimangot akong balingan. Tsk! Ayaw niya talaga akong maging kapatid. Akala ko ba tanggap niyang si Clover ang mahal ko?

"Calling me baby is much better First.." nakanguso niyang saad.

"Hahaha.. okay.." natawa pa ako bago siya hawakan sa balikat niya. "..baby, kakausapin ko muna si Clover, okay?" malambing kong sambit na nginusuan pa rin niya.

"Okay.. just make it quick.. I'll wait you here." bumuntong hininga pa siya bago ako kunot-noong tinignan. Para talaga siyang binatang nagtatampo sa hitsura niya or maybe binatang nagseselos.. hayst.

"Okay.. wait me here.." ngiti ko na lang sa kanya.

Tumayo na din ako upang puntahan na si Clover ngunit natigil pa ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"First." tawag pa niya.

"Hmm?"

"Don't kiss him." halos mapaubo ako sa sinabi niya. Ramdam ko pa ang pag-akyat ng init sa mukha ko ng mag-iwas siya ng tingin sa akin. Takte! Hindi lang kiss ang— shitness..

"What?!" patay-malisya ko na lang na tanong. Napayuko siya. Siguro ay ngayon pa niya na-realise kung ano ang sinabi niya.

"W-wala.. go.. p-puntahan mo na siya." nahihiya pa niyang sambit. Aligaga naman akong naglakad na palabas ng kwarto ko. Napaypay ko pa ang dalawang kamay ko sa mukha ko dahil ramdam kong pulang-pula na iyon sa mga sandaling ito.

"Oh, anong nangyari sayo?" usisa naman ni Butter. "Hindi ka na maputla, pulang-pula naman ang mukha mo ngayon. Umamin ka nga First.. nagda-drugs ka ba?"

"A-aray.. aray ko naman bruha ka!" angal pa niya ng tuluyan ko na talaga siyang nasabunutan.

"Pinagsasabi mo kasi Butter. Anong drugs?" singhal ko. Nagkamot pa siya ng ulo at ilang sandali pa ay biglang nanlaki ang mga mata niya habang may parang iniisip na pang out of this world na bagay.

"A-anong ginawa mo sa kapatid ko First? May nangyari ba ha?"

"Gaga ka Butter! Kingena! Anong nangyari ang pinagsasabi mo?" bulalas ko.. sasabunutan ko pa sana siya ulit ng mabilis na siyang umiwas.

"Kingena mo din First! Ang sakit ng sabunot mo. Adik ka talaga!" singhal niya pa sa akin. "Tinanong ko lang naman kung anong nangyari at pulang-pula yang mukha mo.. hinalikan ka ba ng kapatid ko?" patuloy na naman niyang sambit na dahilan para marinig na talaga ng ibang loka-lokang babae dito sa condo ko.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Donde viven las historias. Descúbrelo ahora