Epilogue 2

117 11 4
                                    



Clover points of view:

"C-clover." pabulong na lang niyang tawag sa pangalan ko bago ko pa maramdaman ang pagtigil ng paghinga niya.

"F-first.. no.. no.. please.. m-maawa ka.. don't leave me love, please." nanginginig ko pang saad habang yakap-yakap siya.

"First!" muli ko pang tawag ng hindi ko na talaga maramdaman ang pulso niya. Nawalan ako ng lakas, buti na lang at nagawa ko pang mapaupo sa kinatatayuan ko kanina.

"H-help.. please help us." nanghihina ko pang hingi ng tulong na kaagad namang nilapitan ng mga kaibigan ko pati na din ang ina ni Acid.

Tita Pam check her pulse. Pansin ko pa ang bahagyang pag-iling niya na nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. Halos tumigil din sa pagtibok ang puso ko sa pag-iling niyang iyon.

"T-tita bring her back.. p-please." umiiyak kong pakiusap dito. Malungkot niya lang akong tinignan na parang wala na talaga siyang magagawa sa mga sandaling ito.

"She's dead.." halos mayanig ang buong mundo ko sa sinabi niyang iyon. Hindi pa ako makapaniwalang tumingin kay First na ngayon ay nakapikit na habang nakahiga sa mga bisig ko.

She's just sleeping, right?

"No! First.. wake up hmm.. love, please wake up.. don't do this to me p-please.. First..." hagulhol ko habang pinipilit siyang gisingin.

Muli ko pang niyugyog ang balikat niya upang pagbigyan niya lang ang pakiusap ko. Mahigpit ko na lang nayakap ang walang buhay niyang katawan ng hindi ko na talaga kaya ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Malakas akong humagulhol habang mahigpit siyang niyayakap. Hindi ito totoo. Ayokong tanggapin na tuluyan na niya talaga akong iniwan.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. I want her back. I don't want her to leave me like this. I can't accept that she's dead. No.

"F-first.. I love you." saad ko habang yakap-yakap pa rin siya.

"F-first. Hey.. baby." umiiyak ding tawag ni Tork sa kanya ng makarating ito kasama sina Ivory.

"What the— h-hoy First?!" basag ang boses ding tawag ng kaibigan niyang si Dew ng makalapit na ito sa amin.

"No!" di makapaniwalang sambit pa ng mga ito habang umiiyak na ding nakatingin sa kaibigan nila.

Halos mawala ako sa sarili dahil sa pagkawala niya ngayon. Gusto kong mamanhid. Gusto kong mawala sa katinuan ko dahil alam kong hindi ko ito matatanggap.

"FIRST!!" malakas kong sigaw sa pangalan niya habang humagulhol ako. Hindi ko kaya. Ayokong tanggapin.


***


It's been a month or a year.. I don't know., hindi ko na alam kung gaano na ba katagal mula ng nawala siya. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap iyon. Palage pa rin akong dinadalaw ng mga ala-ala niya.

"First." usal ko sa kawalan. Napatingin ako sa kadiliman ng gabi. Gusto kong makita ang buwan sa kalangitan ngayong gabi ngunit maging iyon ay pinagkait na ipakita sa akin.

"Madaya ka First." tumulo ang luha ko habang nakatingin pa rin sa kawalan. "Di ba mahal mo ako? Bakit sinasaktan mo ako ng ganito? Bumalik ka na please.."

Mariin kong hinawakan ang bote ng alak bago iyon ininom. Ito na lang yata ang tanging bagay na nagbibigay ng ginhawa sa sakit na nararamdaman ko. Dahil sa tuwing nalalaseng ako, naiimagine kong kasama ko siya. Kahit pa sa sandaling nababalik na ako sa sarili ay bumabalik din ang sakit sa katotohanang tuluyan na niya talaga akong iniwan.

"Clover." pabulong na niyang tawag sa akin. Mapait akong napangiti ng balingan ko siya ng tingin.

"You're here, again.." pabulong ko ding sambit habang inaabot na siya. Ilang beses na bang nangyayari ito sa tuwing nalalaseng ako sa gabi? Kaya hindi na baling masabi niya o ng kaluluwa niyang lasenggero ako, atleast nakikita ko pa rin siya kahit man lang isa na lang siyang imahinasyon ngayon.

"You're drunk again, love. hmm." malambing niyang saad tsaka siya lumapit sa kinauupuan ko.

Mahina lang akong natawa sa sinabi niya. Hindi niya ba alam na kapag laseng lang ako tsaka ko lang siya nakikita?

"I want to see the moon.. pero madamot ngayon ang kalangitan.." saad ko na lamang. Napansin ko ang pag-ikot ng mata niya. Katulad pa rin siya sa dati niyang ugali. May pagka-mataray.

Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang balikat ko. Kinapa niya ang leeg ko at hinanap doon ang kwentas na kapareha ng binigay kong kwentas sa kanya noon.

"Just press this one, okay? There.. did you see the moon now?" tanong niya pa matapos niyang pailawin ang buwan na pendant niyon.

"Yeah.. I already see it now." sambit ko habang sa mukha niya lang ako nakatingin.

"I miss you love.. I .. I miss you soo much." saad ko pa habang hawak-hawak na ang pisngi niya. Naramdaman ko ang paghaplos niya din sa pisngi ko kasabay ng pagpahid niya sa mga luha kong hindi ko namalayang tumulo na pala.

"I love you, Clover." saad niya din bago pa ako halikan sa mga labi ko.

Napapikit ako sa mga halik niyang iyon. Mahigpit akong napayakap sa kanya. Kung pwede lang ay huwag ko na siyang bitawan sa mga sandaling ito upang hindi na niya ako iwanang muli.

"I love you too, love." umiiyak kong sambit sa kanya sa pagitan ng halik namin.

Muli kong dinilat ang mga mata ko. Pero labis ko din iyong pinagsisihan dahil nagising na naman akong mag-isang nakahiga sa higaan ko.

It was just a dream Clover..

Napabuntong hininga kong hinilot ang sentido ko. Bakit pa ba ako nagising?

Bumangon ako at nagtungo sa maliit na drawers ng lamesa ko. Kinuha ko doon ang isang notebook na nakasulat ang pangalan niya.

First..

page 1.

I love you love..

Binuklat ko pang muli iyon.

page 2.

I miss you love..

page 3.

Please don't leave me love.

Hanggang umabot ako sa panghuling page niyon.

.....page 735.

Please come back, love.. I miss you so much.

Muling tumulo ang luha ko habang sinusulat iyon. It's been 2 years. Dalawang taon ka na pa lang wala First, pero hanggang ngayon sariwa pa rin sa puso ko ang hapdi. Sobrang sakit pa rin ng pag-iwan mo sa akin.

"Please come back.." hagulhol kong sambit habang mahigpit ng yakap ang maliit na notebook na hawak ko.

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Donde viven las historias. Descúbrelo ahora