Page 57

99 10 2
                                    



First points of view:

Lumabas na ako ng kwarto matapos kong mag-ayos ng sarili.

Automatiko pang tumaas ang kilay ko ng mabungaran ko na naman ang dalawa na naghihintay sa labas ng pintuan.

"Let's go. You need to eat. Masyado ka ng nalipasan ng gutom. It's already 4pm." tuloy-tuloy na sambit ni Clover na himalang hindi inangalan ni Tork.

Nagpatiuna na itong naglakad na hindi ko na din inangalan at sumunod na din ako sa kanya.
Gutom na din naman kasi ako kaya isinantabi ko muna ang hiya ko o anumang emosyong nararamdaman ko.

Ilang minuto pa lang kaming nakaupo sa may dining area nitong recamp ay parang binaha na ng pagkain ang kaharap kong lamesa. Napanganga pa akong nakatingin kay Clover dahil siya ang nagpalagay ng lahat ng pagkaing ito.

Para akong bibitayin sa dami. Katapusan ko na ba? Last late lunch featuring late snacks na ba ito with advance dinner?

"You skipped two meals kaya dapat madami kang makain." sambit niya na ikinatikom ng bibig ko.

"Eat, First." sambit ni Tork na mabilis ng nalagyan ng pagkain ang plato ko.

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Bahala na nga sila sa buhay nila basta kakain ako. Kung last lunch featuring last meryenda with advance dinner ko man talaga ito, atleast busog ako.

Malakas akong napadighay ng ramdam kong puputok na ang tiyan ko sa dami ng nakain ko. Hindi ko naman naubos ang lahat pero proud pa rin akong nakaya kong kumain ng marami kahit andami kong audience dahil hindi lang si Clover at Tork ang nakatingin sa akin habang kumakain ako pati na din ang ibang taong kumakain din dito sa dining area isama pa ang tatlong babae na hindi ko alam kung bakit nandito. Tsk. Iba na talaga ang may talent sa pagpuno ng pagkain sa lahat ng laman-loob
sa katawan.

Ako lang ang nakakagawa nun. Proud matakaw here!

"It's Ivory." tukoy ni Tork kay Ivory na nakaupo sa kabilang lamesa kasama sina Blue at Dew.

Binalingan din ito ng tingin ni Clover bago tumingin sa akin.

"I need to talk to them. Mauna na kayong pumunta sa mga kasama natin." baling ko naman sa kanilang dalawa.

Tumitig muna si Tork sa akin bago siya mahinang tumango.

Si Clover naman ay tumingin lang bago na din ako iniwan.

Lumapit ako sa tatlo. Kumakain si Blue at Dew habang si Ivory ay tamad na tamad lang na pinaglalaruan ang kutsara niya.

"Wazzup?!" sambit ko ng makaupo na ako sa katabing upuan ni Dew.

Nanatili pa rin silang tahimik habang tumigil na sa pagkain ang dalawa.

Seryoso naman akong tinignan ni Ivory habang kita ko ang pag-iling ni Dew.

"We need to talk privately." si Blue ang unang nagsalita sa kanilang tatlo. Parehas na silang seryosong nakatingin sa akin na parang may malaki akong kasalanang nagawa sa kanila.

"B-bakit?" nautal kong tanong kay Blue na inikutan niya lang ng mata.

"Tsk! Follow us." sambit naman ni Ivory matapos nilang sabay na tumayong tatlo at iniwan akong naguguluhan sa inakto nila.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now