Page 55

127 15 0
                                    


First pov:

"...I l-love you." sambit niya.

Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Gusto na naman tumulo ang luha ko pero pinili kong tawanan na lang ang sinabi niya.

Humagalpak ako ng tawa habang walang tigil pa rin na pinunasan ang takas kong mga luha.

"You... you l-love me?! HAHAHHAHAHA!" patuloy pa rin ako sa pagtawa. Ramdam kong natigilan siya sa naging reaction ko. Tinangka niya pa akong hawakan pero umilag ako.

"F-first?" nagtataka niyang tawag sa akin.

Bumaling ako ng tingin sa kanya ngunit sa mga sandaling ito ay humagulhol akong muli.
"Please don't love me Clover.. p-please d-don't love me." paulit-ulit kong sambit sa kanya habang nanghihina ko siyang tinitignan.

Pagtataka at gulat ang nakikita ko sa mukha niya pero nagawa niya pa ring hilahin ang kamay ko upang yakapin ako ng mahigpit.

Nagpumiglas ako. Hinahampas ko ang dibdib niya upang bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin pero lalo lang niyang hinigpitan ang yakap niya.

"P-please Clover bawiin mo ang sinabi mo.. you d-don't love me, right?" pagpipilit ko na naman ngunit wala akong marinig sa sagot mula sa kanya.

Nagmamakaawa ko siyang tiningala upang bawiin lang niya ang sinabi niya ngunit natigil na lang ang paghinga ko ng maramdaman ko ang labi niya sa mga labi ko.

Pakiramdam ko tumigil ang lahat sa paligid ko. Oras, paghinga, ang isip ko maging ang pagpintig ng puso ko.

Para akong lumulutang. Tumigil ang paghinga ko pero parang gumaan ang dibdib ko. Walang pumapasok sa isip ko pero parang nakalaya ako.

May mainit na tubig na tumulo sa pisngi ko habang patuloy niya pa rin akong hinahalikan.

Rinig ko pa ang hikbi na alam kong galing sa kanya bago niya pa putulin ang halik niya sa akin. Doon ko lang napagtantong ang mainit na tubig pala na tumulo sa pisngi ko ay mga luha na galing sa mga mata niya.

Tulala pa rin akong nakatingin sa kanya habang nanatiling magkalapit pa rin ang mga mukha namin.

"I.. I c-can't take back what I said love.." masuyo niyang sambit habang hawak ng dalawang kamay niya ang pisngi ko. "I love you.. I really do.. p-please let me love you First.. please hayaan mo ako kahit.. kahit hindi mo 'ko m-mahal." nabasag ang boses niya sa huling sinabi niya na muling nagpadurog ng puso ko.

Mahal kita Clover..

Tahimik na tumulo ang mga luha ko.

Kabaligtaran ng sinabi ko sa kanya ang gusto ng puso ko.

Gusto kong mahalin niya ko.

Gusto ko ding sabihin sa kanyang mahal ko siya.

Gusto kong sabihin sa kanya ang sikreto ko, ang tungkol sa buong pagkatao ko.

..pero sa inamin niyang mahal niya ako, bigla akong natakot.

Bigla akong nagsisi.

Bigla akong napahiling na sana iba na lang ang naging nakaraan ko.

Bigla kong ginusto na kung hindi ko man magagawang baguhin ang nakaraan ko, sana..

..sana tuluyan ko na lang nakalimutan ang lahat ng ala-ala ko upang magkaroon pa ako ng dahilan na kalimutan na ang nagawa kong kasalanan noon.

I killed someone.. I killed my mom..

I'm not normal. Iba ang First na pinapakita ko sa kanya sa totoong ako.

I can hurt others. Even him. Even my friends. Even my own family.

Nagsinungaling ako sa kanila. Nagsinungaling ako lalong-lalo na kay Tork. Nagsinungaling ako kina Ivory, kay Blue kay Dew..

Nagsinungaling ako kay Jelly. I hid my real reasons kung bakit nakipagkaibigan ako sa kanya. I hid something horrible about her mom.

Yan ang mga sikretong gusto kong sabihin sa kanya. Gusto kong gumaan ang dala-dala ng dibdib ko pero natatakot ako.

Pero hindi ko maintindihan kung saan ako mas natatakot ngayon.

Kung sa pagsabi ba sa kanya ng mga sikreto ko?

Sa pag-amin ba niyang mahal niya ako?

O kaya ang posibilidad na magbago ang pagtingin niya sa akin kapag nakilala na niya ang tunay na ako.

Natatakot akong maiwan na naman.

Natatakot akong mag-isa.

Natatakot akong kaawaan.

Natatakot akong masaktan.

At higit sa lahat, natatakot ako sa mga alaala ko.

"D-don't love me Clover." saad ko bago unti-unting lumayo sa kanya.

***

Clover points of view;

Unti-unti siyang lumayo sa akin.

Sinasabi niyang huwag ko siyang mahalin pero iba naman ang nakikita ko sa mga mata niya.

Naguguluhan siya.

Natatakot..

Nasasaktan.

Bago pa man siya tuluyang makalayo sa akin ay muli ko siyang hinila. Nagulat pa siya ng mabilis ko siyang mahigpit na niyakap mula sa likuran niya.

"Hindi ko alam kung bakit ayaw mong mahalin kita pero alam ng puso ko kung ano ang dapat kong gawin First. You need me.. You also love me, right? I can wait First.. kaya kong maghintay hanggang sa dumating ang panahong pwedi mo na akong mahalin." sambit ko habang natigilan pa rin siya dahil sa pagyakap ko.

"C-clover." tanging sambit lang niya sa pangalan ko. Inasahan ko na ang pagtanggal niya sa mga kamay kong nakayakap sa kanya. Ngunit taliwas ang ginawa niya sa inasahan ko. Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak niya sa kamay ko kasunod niyon ang may kalakasan niyang hikbi na nagpadurog ulit sa puso ko.

"I - I need you Clover.." humihikbing sambit niya habang nakatalikod pa rin sa akin. "..please don't leave me.. ayokong mag-isa ulit.. pagod na akong tumakbo.. pagod na akong magtago.. pagod na akong matakot.. gusto ko ng makalaya." nanghihina niyang sambit habang nakasandal na ang ulo niya sa balikat ko.

"Then, rest First." sambit ko habang masuyong hinahaplos ang kanang pisngi niya.

Naririnig ko pa rin ang hikbi niya ngunit unti-unti na itong nawawala.

Ilang minuto siyang nanatiling nakasandal sa akin bago siya marahang humarap.

"Malapit na akong magpahinga Clover.. malapit na." makahulugan niya pang sambit bago ako mapait na nginitian.

"Let's go." yaya niya pa sa akin at naglakad na siya pabalik sa pavillion na tinutuluyan namin.

Ako naman ay nanatili pa ring nakatigil sa pwesto namin kanina. Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang paraan ng pagkakasabi niya.

Hindi ko mawari kung bakit kinakabahan ako sa sinabi niyang pahinga pero iba ang kutob ko sa ibig niyang sabihin doon.


***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Thank you.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon