Page 20

269 83 210
                                    



"Where have you been First?" kaagad na bungad ni Acid sa akin.

"Ui First! Saan ka galing huh!? Gaga ka talaga hindi ka man lang nagpaalam sa amin! Nag-alala sayo si Mom at Dad lalong lalo na ang baliw kong kapatid. Saan ka pa nagpunta huh?" si Butter.— naunahan lang siya ng kaunting segundo ni Acid.

Bubuka na sana ang bibig ko ng may magsalita ulit.

"Oy First! Balita? Enjoy ba ang bakasyon mo? Takte! Hindi ka man lang nagyaya." si Ash naman na sinundan din ni Jelly.

"Oo nga.. Hiyang ang bakasyon sayo, nagkaroon ka ng spot sa katawan eh.. Hihi." sambit nito patungkol sa mga natirang galos sa katawan ko. "Nag-camping ka ba sa bundok at pinapak ka ng lamok? Girl hindi ka na flawless, ang dami mong galis! —pero infearness maganda ka pa rin naman." sambit ni Jelly patungkol sa mga sugat ko. Putspa! Galis agad di ba pweding galos?

Magsasalita na sana ako ng sumingit na naman si Jelly. "Isang linggo kang umabsent First, ano bang pinagkakaabalahan mo huh? Sobra ka atang busy kaya nakalimutan mo na kaming tawagan!" nagtatampo nitong sabi, pagkataon ko na siguro upang magsalita pero nauna na naman siya. "God First! Sumagot ka naman!"

Pinaningkitan ko siya ng mata at hinintay pang magsalita siya ulit pero sa pagkakataong ito, hinihintay na din niya pala akong magsalita.

"Umuwi ako ng probinsiya namin." sagot ko sa mga mukha nilang naghihintay ng sagot ko. "And yeah, mabundok doon kaya pinapak ako ng lamok.. Hihi."

"Wala kang dalang repellant? God! Paborito ng lamok ang bagong dayong dugo kaya ka siguro ginalis!" Nakangiwing komento ni Jelly.

"Next time sama mo ako sa bakasyon mo First ipagdadala kita ng off-lotion." sabi naman ni Ash.

Tinanguan ko lang siya at binalingan si Acid.

"Acid eliminate na ba ako sa section-A? —isang linggo akong wala, siguro naman ililipat na nila ako sa ibang section diba?" umaasa talaga akong makaalis sa seryosong section nila. Hindi ko kayang makipag-plastikan sa mga babae doon.

"Uhhmm.. Hindi naman.." biglang lumaylay ang balikat ko. "Hinihintay ka nga ni Mrs. Buenavintura na makabalik sa klase." balita niya. Nawalan tuloy ako ng pag-asa.

Pumunta na kami sa kanya-kanyang section ng magbell na. Sabay kaming pumasok ni Acid at isang malamig na aura ang bumungad sa akin nasa pintuan pa lang ako. Nagpalinga-linga ako sa paligid at mga malamig na mata ni Craig ang nakita ko. Laki na naman ata ng problema niya.

"Where have you been?!" naka-kunot ang kilay na tanong niya hindi pa nga ako nakakaupo sa upuan ko.

"Umuwi daw siyang probinsya." si Acid na ang sumagot.

Mas lalo nagalit ang tingin niya sa akin. "Umuwi ka?" may tunong sarkastiko ang pagkakasambit niya. Padarag pa itong napatayo kaya natumba ang upuan niya. "Kung kelan wala na ako doon tsaka ka nagdesisyong bumalik? —that was bullshit First!!!" dumagundong ang mura niya. "I'm worried as hell tapos malalaman ko umuwi ka pala ng La Carlota!! Fuck - - ..I've waited you there.. Araw-araw kitang hinintay. —-Hinintay kitang bumalik pero hindi ka bumalik! At ngayong wala na ako doon, tsaka ka pa umuwi!??? Why First? Bakit hindi mo ko binalikan noon???! —-Bullshit!!! Why?" tiim-bagang niyang sumbat. Hindi ko magawang sumagot sa tanong niya. Lalo akong natigilan ng mapansin ang pamamasa ng mata niya. Am I really hurt him that much? Gusto ko lang naman ang kaligtasan niya. Mas kakayanin ko pang makita siyang masaya sa iba kaysa ang tuluyan siyang mawala. Ayoko ring makita niya ang halimaw sa loob ko at katakutan niya ako dahil mas gugustuhin ko pang magalit siya sa akin kaysa katakutan niya.

"Stop it Craig! Nasa room tayo!" suway ni Clover sa kanya. Napatingala siya at maya-maya ay nagmartsang lumabas ng room. Hindi ko siya nagawang sundan dahil hindi ko kaya. Nahihiya ako, natatakot.. Sumunod si Miracle sa kanya pero bago siya nakalabas ng pintuan ay malungkot muna siyang napatingin sa akin.
Bakit naman siya nalungkot? Gaya-gaya lang ba siya o affected siya dahil sa pag-walk out ni Craig?

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now