Page 83

84 8 0
                                    



First points of view:

"No!" tutol niya. Napasabunot pa siya sa buhok niya bago ako lapitan.

"Are you out of your mind First?!" hindi malaman niyang tanong.

Payak lang akong ngumiti sa kanya. Kahit na sino ay iisipin talagang wala na ako sa katinuan dahil sa naisip kong plano.

"Dati na akong baliw Clover." sambit ko pa sa kanya.

"No! Hindi ako makakapayag sa plano mo First! Kahit mapahamak man ako, hinding-hindi ako papayag na mawala ka!" mariin pa rin niyang tutol. Walang lakas akong napailing sa kanya bago pa mahinang magsalita.

"You can't do anything about what's destined to be happen Clover.. noon pa ako dapat na nawala.. ako lang talaga itong ginusto pang mabuhay kahit wala naman talagang saysay kung gugustuhin ko pa iyon.. noon pa ako dapat na namatay Clover.. noon pa dapat natapos ang paghihiganti ni mommy sa pamilya ko.. it's all my fault.. kung sanang hindi ko na ginusto pang mabuhay noon, siguro hindi na din kayo nadamay ngayon."

"That's not true First.. hindi mo kasalanan ang maghangad na mabuhay pa.. lahat ng tao ay karapatan iyon."

"Except for me Clover." mahina kong saad sa kanya.

"No.. please.." lumapit siya sa harap ko upang hawakan ang mga kamay ko. "..hindi kita nakilala kung noon ka pa nawala.. hindi kita mamahalin ng sobra pa sa sarili ko kung hindi ka nabuhay.. kaya please.. love yourself First.. love what you are now.. I don't care kung baliw ka.. o mataray o ano pa man 'yan., basta ang mahalaga mahal kita.. mahal na mahal kita and I'm thankful na ginusto mo pang mabuhay noon. Nagpapasalamat akong nakilala pa kita.. nakasama ka ngayon at nayayakap."

"Clover."

"I love you First.. I'm so inlove with you na kaya kong tanggapin ang lahat ng bagay tungkol sayo.. your my life now First.. at alam kong mamamatay din ako kapag nawala ka.."
ilang beses akong napakurap sa harap niya. Ayokong umiyak kahit pa naghahalo ang nararamdaman ng puso ko ngayon. Tuwa at lungkot iyon na nagiging dahilan upang mapaluha ako.

"Let me help you, hmm? I can help you.. please let me.." pakiusap pa niya. He hug me tight at mahigpit ko din naman siyang niyakap kapagkuwan.

Gusto ko na naman makakuha ng lakas mula sa kanya. Sa totoo lang ay hindi ko na alam kung ano ang tama sa maling desisyon. Alam kong mali ang sumuko at hayaan na lang si mommy sa gusto niyang gawin sa akin pero minsan gusto ko na lang magpahinga. Gusto ko na lang sumuko at pabayaan na lang ang lahat upang matapos na. Pagod na akong mag-isip, pagod na akong mag-isa. Pagod na akong umasang mamahalin niya din ako.

"First!" isang malakas na katok ang gumulat sa katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Clover.

"Who is it?" nagtatakang tanong pa niya sa akin. Kaagad naman akong tumayo ng pareho na kaming bumitaw sa yakap.

"Butter?" pabulong kong sambit sa pangalan ng taong kung makakatok ay parang wala ng bukas. Kunot-noo kong binuksan ang pintuan. Mabuti na lang at alam niya kung saan ako pumunta.

"F-first si Tork!" kaagad na bungad niya. Kinabahan pa ako ng makita kong umiiyak siya maging ang dalawang babae na nasa likod niya.

"B-bakit? Anong nangyari sa kanya?" nag-aalala kong tanong.

"Kinuha siya ng mga hindi namin kilalang lalake.. First help him please.. hindi ko na alam ang gagawin ko baka mapahamak ang kapatid ko.. please!" nagmamakaawa niyang sambit na kaagad kong ikinahakbang pabalik na sana sa unit ko.

"Where are you going?" nagtatakang pigil ni Clover sa pag-alis ko.

"I.. I need to save him.." naiiyak kong sambit sa kanya. Napalingon pa ako kay Butter kasama sina Ash at Jelly na umiiyak din sa likod niya bago balingan si Clover. "..please take them with you Clover." pakiusap ko.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now