Page 47

142 23 41
                                    


First pov:

"First suotin mo to." abot ni Butter doon sa overall na damit. Nagtataka ko naman siyang tinignan..

"Para pare-parehas tayo!" singhal niya kaagad sa akin. Maldita! Tinignan ko lang naman siya.

"Alam ko kasing aangal ka pa kaya bilis na suotin mo na yan." sabi niya habang tinutulak na ako sa banyo para suotin ang binigay niyang damit kaya napilitan akong suotin na lang iyon at baka masinghalan na naman ako ng gaga.

Pagkasuot ko sa over all na binigay niya tinignan ko ang sarili ko sa salamin at gusto ko na lang atang magpasinghal ulit sa kanya.

Hapit na hapit lang naman ang tiger printed na overall sa katawan ko. Para tuloy akong magpopole dance sa suot kong ito.

"Butter ano ba naman 'tong pinasuot mo? Ang sikip! Putspa para akong suman na hindi makahinga.. 'yung joga ko naghihingalo na sa sikip." angal ko habang lumiliyad-liyad pa pagkalabas ko ng banyo.

Ngunit nanlaki na lang ang mata ko ng iba ang mabungaran ko.. Anak ng putspa!

"ROAR.." sambit niya matapos ang ilang segundong nagulat din siya sa nakita niya..

Napakagat pa siya sa labi niya na parang nagsisisi siya sa nasabi niya..

"Anak ng tigre! Bakit andito ka Clover?! Nambubuso ka ba huh?!" At anong roar?! Get out!!"

Mabilis akong napatalikod sa kanya at pumasok ulit ng banyo. Narinig ko din siyang mabilis na lumabas ng kwarto at pabagsak pang nasarado ang pinto. Nataranta din siguro sa nakita niya.

Jusmeyo.. Mahabagin.. Pakaliyad-liyad ko pa kanina. Paka-emphasize ko pa sa.. —napatingin ako sa dibdib ko..

"Kingena.. nakakahiya ka self.. Ang
u-roar mo!"

Napapasabunot na ako sa sarili kong buhok dahil sa kahihiyang nararamdaman ko ngayon.. Takte.. Nasaan ba ang mantikilyang iyon at basta nalang akong iniwan dito sa kwarto?

Ilang minuto pa akong pabalik-balik na naglalakad sa loob ng banyo. Nagulat na lang ako ng may malakas na kumatok sa labas ng pintuan.

"First!! Buhay ka pa ba? Takte ang tagal mo namang matapos!" singhal ng gaga sa labas.

Mabilis ko namang binuksan ang pinto. Gusto ko na siyang sabunutan sa mga oras na ito. Pahamak ang tigreng pinasuot niya sa akin.

"Ara—aray naman First! Bakit ka ba nananabunot?!"

"Saan ka ba nagpunta at iniwan mo ako dito?!" singhal ko sa kanya matapos kong hilahin patalikod ang buhok niya.

"Pinuntahan ko lang kapatid kong nagayuma mo! Ano bang problema mo?! Ang arte mo naman hindi mo pa rin pala sinuot yung overall na binigay ko sayo!"

Huminga lang ako ng malalim at baka makalbo ko na talaga siya bago ako muling nagsalita.

"Ayaw kong suotin yun, di makahinga yung joga ko. Takte ang sikip.." takte! Pahamak yun.

Inikutan niya lang ako ng mata bago maghalungkat na naman sa maleta niya.

"Ito na lang para parehas pa rin tayo. Sobra mong arte First.. Hindi mo na lang kaya paliitin ng konte yang dibdib mo.. Gusto mo damit pa ang mag-adjust sayo. Tch! Sige na magbihis ka na!"

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon