Page-8

331 113 224
                                    


"Craig!" tawag ko kay Craig nang umaksyon ng matutumba ang lasing na impakto sa harap ko..

Lumabas naman si Craig sa sasakyan niya at napamura na lang ng makita ang lasing niyang kaibigan na akay-akay ko..

Tangina ang bigat ng kumag!

"What the— .. hoy Clover. Bakit ka naglasing?" tanong nito sa lasing. Shunga din ito minsan si Craig magtanong..

"Kelangan na niyang umuwi." suhestiyon ko..
"Dito din ba siya nakatira?" tanong ko. Hindi ko kasi akalaing dito din nakatira ang impaktong ito.. —pero sabagay paano ko naman malalaman kung hindi din naman ako lageng andito..

"Same village lang kami nakatira pero may unit din siya dito." Sagot ni Craig na nag-umpisa ng maglakad papasok ng building..

Naglakad na din ako papasok kasunod nila.

Sumakay kami ng elevator at pinindot ko na yung number ng floor kung saan ang unit ko.

Ang dalawa naman ay nagpapahirapan pa. Hindi kasi makausap ng matino si Clover kung saan ang unit niya..

Ang ending— sa unit ko din sila pumasok.

Lintik kang impakto ka! Ang lakas mong maglasing.. buti na lang nakita namin siya kung hindi baka pinag-aagawan na siya ng mga kalahi niyang bading sa labas ng building..

"Uhmm.. Use this.." nahihiya kong abot kay Craig sa pantulog kong damit.. iyon lang ang magkakasya sa kanya.. "at bihisan mo na din si Clover nito.." inabot ko din ang isang pares ng pantulog para kay Clover.. Parehong kulay pink ang pantulog na binigay ko.

Nakangiwi niya itong kinuha at tinignan ng mabuti..

"Sige.. kuha lang ako ng pampunas sa kanya." sabi ko at mabilis na naglakad papunta sa kusina para kuhanan ng pampunas ang impaktong laseng. Halata na kasi sa ungol niyang hindi na siya komportable sa lagkit ng katawan niya..

Pagbalik ko sa sofa ay wala pa si Craig.. Naglinis pa siguro siya ng katawan..

Sinimulan ko ng punasan ang impaktong umuungol..

Pinunasan ko ang mukha niya at napahawak siya sa kamay ko ng madampi ang towel sa mukha niya.. Bahagya niyang minulat ang mata niya at nakangiti pang nakatingin sa akin..

"First.." Tawag niya.. ang lambing ng pagkakasabi niya sa pangalan ko.

"Bakit?"sagot ko naman..

"Am I not dreaming? Ikaw ba talaga yan?" natatawa pa niyang tanong..

"Eh kung batukan kaya kita ng magising ka sa panaginip mo! Lakas mong maglasing hindi ka naman marunong umuwi sa tirahan mo!" sermon ko sa kanya na tinawanan lang ng gago.

"Ikaw nga." tawa pa niya..

"Tawang-tawa ka ah! Nababaliw ka na ata dahil sa alak eh.."pagtataray ko sa kanya pero pinupunasan pa rin siya..

Bigla siyang tumigil at seryosong napatingin sa akin..

"Pwedi bang ako na lang First?" sambit niya na nagpagulo sa sistema ko..

"Huh??" takang tanong ko..

"Wala.. Sabi ko ang ganda mo.. Yeppeuda.." panggagaya niya sa sinabi ni Peni kanina..

"Niloloko mo ba akong impakto ka?" simangot kong tanong sa kanya..

Di kasi linawin ang sinasabi.. Alam ko namang maganda ako pero hindi ko lang maintindihan ang unang sinabi niya..

Umiling lang siya at pumikit ulit..

"Your already awake.. Fix yourself Clover." utos ko sa kanya.. Masyado na siyang nag-eenjoy sa punas na ginagawa mo..

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now