Page 5

397 131 234
                                    



First pov;

Magkasabay kami ni Butter na pumasok ngayon at nagmamatigas talaga akong mamalagi sa section-c. Kung ibang section lang sana ang pinaglipatan sa akin ay pwedi pa..

Nagbell na at naupo na kami sa mga upuan namin..

Pumasok na ang advicer ng section-c para mag-check ng attendance at ng makita niya ako ay mabilis niya akong pinalabas sa room at pinalipat sa section-A..

Nakakabwesit..

Napilitan akong maglakad papunta sa section-A.. Para na akong artistang pinagtitinginan ng mga studyanteng nakakakita sa aking naglalakad..

Mga hinayupak kayo! Ngayon lang ba kayo nakakita ng naglalakad sa hallway? Bwesit!

Pagdating ko ng Section-A ay nagdalawang-isip pa akong kumatok bago buksan ang pintuan at kung mamalasin ka naman talaga si Sir Jacinto pa ang first subject nila.. Ang aga-aga history ang subject! —Anak ng tokwa naman oo! Aga kong makakatulog nito!

Napangiwi lang akong napatingin sa kanya habang pinaningkitan niya ako ng mata..

Hi Sir! Dito na naman ang kwarto ko.. ayy este ang Section ko.

Sinenyasan niya akong pumasok at umupo na sa bakanteng upuan.. Senyas lang talaga dahil nag-uumpisa na ang lecture niyang balot ng katahimikan. Mas lalong nakakaantok..

Nilibot ko ang paningin ko at naghanap ng bakanteng upuan.. Nakangising pagmumukha ng myembro ng impaktong player kaagad ang bumungad sa akin.. Isa din ito sa mga nang-iinis sa akin kapag nakikita ako..

Lumapit na ako sa bakanteng upuan na katabi niya at pinaningkitan ko lang siya ng mata. Hindi pa rin kasi mapigtas ang nakangising pagmumukha niya..

"Hi Dos — ayy First pala." nakangiting bati nito sa akin.. Siya siguro ang tumatawag ng Dos sa akin.. Sarap niyang hampasin ng dos por dos..

Inirapan ko lang siya at umupo na din sa upuan ko.. Nakatingin na ako sa harap at balak ko na talagang makinig kay Sir Jacinto..

"I'm Acid." bulong na pagpapakilala nito..

Inirapan ko lang ulit siya..

"Can we be friends?" bulong ulit niya at inirapan ko na ulit..

Nakikinig lang ako kay Sir Jacinto at nag-uumpisa na namang pumikit ang mga mata ko. Bakit ba kasi ang bagal niyang magsalita. Putspa.. maaga talaga akong makakatulog nito..

Tinignan ko ang buong klase. At bilib din ako sa kanila dahil seryoso lang silang nakatingin sa harap at nakikinig sa discussion.— ilang kape kaya ang natutungga ng mga ito araw-araw at nakakatagal pa silang gising..

"Are you sleepy First?" untag ng lalakeng Acido sa akin..

Napabaling ako sa kanya at wala sa sariling napatango. Antok na antok na talaga ako..

"Ilang kape ang nainom mo Acid at hindi ka man lang inaantok sa lecture ni Sir Jacinto?" pabulong kong tanong sa kanya..

Mahina lang siyang natawa sa tanong ko at sakto namang nakita siya ni Sir Jacinto kaya nabawal siya nito..

"Ikaw kasi eh. Nagpapatawa ka." sisi pa niya sa akin..

Nakasimangot lang akong napatingin sa kanya.. "tinanong lang naman kita. Hindi naman ako nagjoke no." bulong ko ulit at kung hindi ko lang tinakpan ang bibig niya ay matatawa na naman siya..

Napatingin ako sa gawi ni Sir Jacinto at buti nalang nakayuko siyang nagbabasa ng libro niya..

"Huwag ka ngang tawa ng tawa. Para kang kiniliti jan." saway ko.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now