Page 72

98 11 1
                                    


Warning ⚠️ :
This part is not suitable for the very young ages. 😂 .. Don't expect too much dahil Teenfiction and genre na ito. Haha

Maraming salamat po sa paghihintay ng updates. Wish me luck na sana matapos ko na to bago ang birthday ng story na 'to. Haha

***

First points of view:

Hindi ko nagawang sagutin ang tanong ni Blue. Hanggang sa nakaalis sila ni Dew ay nanatili pa rin sa isip ko ang tanong niyang iyon.

Muli ay mag-isa na naman akong nakahiga sa kama ko. Umuwi na sa kani-kanilang bahay ang mga impakto habang sina Dew at Blue ay pumunta sa head quarters ng Underground Organization dahil pinatawag sila ng boss nito. Nagpumilit nga akong sumama sa kanila pero hindi sumang-ayon si Blue at dapat daw ay pag-isipan ko pa ang tamang desisyon ko.

Anong oras na ay hindi pa rin ako dalawin ng antok.

Bumangon ako at kinuha ang notebook na nakasanayan ko ng sulatan sa tuwing hindi ako makatulog. Ito ang notebook na binulsa ko na binayaran pa ni Clover doon sa recamp nila Krys. Tsk! Sinusulatan kaya ng impaktong 'yun ang kanya?

Sa panibagong katanungang iyon tungkol kay Clover ay nagawa kong makaidlip. Ngunit nagising na lang ako ng may humahaplos na sa ulunan ko.

"I'm always here too First." mahina niya pang sambit habang marahang hinahaplos ang buhok ko.

"Clover?" mahina kong tawag sa kanya na ikinatitig niya sa kakagising kong mga mata.

"Oh, your already awake. . I'm sorry.." natatawa pa niyang sambit na kinunutan ko ng noo.

"Lasing ka ba?" tanong ko pa na bahagya niya pang tinawanan bago nahihirapang tumabi ng higa sa akin.

"I miss you." sambit niya sabay yakap sa akin na ikinagulat ko.

"Impakto ka! Anong ginagawa mo?" tanong ko.

Muli lang siyang tumawa habang mas lalo pa akong nilapit sa katawan niya. Nakatalikod ako sa kanya habang mahigpit niya akong niyayakap. Nagbalak akong lumayo ngunit nakikiusap naman niya iyong pinigilan.

"Stay.. please.. I - I just want to hug you." pakiusap niya. Ramdam ko pa ang paglunok niya bago ko marinig ang mahina niyang hikbi.

"I love you." bulong niya. . "Please love me too First. .I can wait. .just please. . - - let your heart learn to love me. ." umiiyak niyang pakiusap na nagpatulo na din ng luha ko.

"C-clover."

"I miss you. .I miss the time with you First. .I miss your annoyed face, your irritated voice, your arched brows, your laugh and I even miss your appetite.. Damn it! What have you done to me First? I get addicted to you. I'm hurt but I'm still willing to get hurt if it's you."

"C-clover."

"Stay still. .I want you to listen to me." pigil pa niya sa balak kong pagbaling sa kanya.

"You're drunk." pabulong kong sambit.

"Hmmm.." bahagyang tango niya. "but I still know what I'm doing, love." malambing niyang sambit habang ramdam ko ang paghalik niya sa ulunan ko.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now