Page 42

162 37 24
                                    



dedicated to my number family Psycholexx Carlsulapas cupidsngel

First pov;

"Hoy First andito lang pala kayo!" singhal kaagad ni Butter. Nakataas pa ang kilay niya sa akin na parang may masama akong ginawa sa kanya kahit ang totoo sila ang may ginawang kasalanan sa akin. Mga traydor!

"Eh bakit andito din kayo?" balik ko din sa kanya at tinapatan ang pagtaas ng kilay niya. Nagtawanan lang ang dalawang loka-loka sa likod niya habang tahimik lang na nakatingin si Miracle sa amin.

"Tapos na ang party kaya matulog na tayo." masungit niya pa ring sabi. Ano kayang problema ng isang to at nagagalit ngayon? "Ang bata pa ni Tork, hindi kayo bagay." dagdag niya pa bago kami talikuran.

Mukhang bumabalik ang pandidilim ng paningin ko sa sinabi niya. Baliw talaga. Inaakala niya talagang pedo ako!

Gusto ko siyang sabunutan. Dinagdagan pa niya ngayon ang inis ko sa kanya kanina.

"Tsk! Don't mind her First." rinig kong sabi ni Tork bago hawakan ang kamay ko. "Let's go. It's getting late, kailangan mo ng matulog."

"Kailangan mo na ding magising Tork!" sumingit na naman ang kontrabida. "Hindi kayo bagay." dagdag pa niya.

"Shut up slow." tamad na sambit ni Tork.

"Aba't talagang— aaksyon na sana siyang mambabatok ng biglang tumili ang dalawang loka-loka sa tabi niya

"Ehhhhhh.. yung poging vocalist oh.. My gosh ang gwapo niya!" patiling sabi ni Jelly  at tinuro pa yung lalakeng may tattoo sa balikat.

Mabilis namang nagbago ang mood ni Butter at nakitili din. Nakalimutan na ata niya kaagad ang pagsusungit niya sa amin ni Tork ng makakita ng gwapo.

"Ehhhhhh.. Oo nga. Tara lapitan natin. Hihi."

Mabilis silang nakalapit sa lalakeng nakaupo sa may tattoo shop at nagpapacute pang nagpapakilala dito.

Napapailing na lang akong napasunod sa kanila habang pansin kong di na mapakali si Miracle sa tabi. Sigurado akong nahihiya ang isang to.

"Hello I'm Jelly." agad-agad na pakilala ni Jelly dito.

"H—hi!" nagulat pa ang lalake at kapagkuwan ay natawa din sa sariling reaksyon niya. Tumikhim pa ito bago ulit nagsalita. "I'm Top." nakangiti nitong pagpapakilala.

"Ash."

"Butter. Hihi."

Isa-isa silang nakikipagkamay sa lalake habang nakatingin lang kami sa kanila. Grabe! Ano kayang foundation ang ginamit nila sa mukha? Hindi man lang nahiya.

Tinignan pa nila si Miracle nang hindi ito nakigaya sa kanilang magpakilala kay Top kaya nahihiya na lang din itong gayahin ang kakapalan nila.

"M—miracle." bahagyang napayuko si Miracle. Nginitian naman siya ng lalake bago nakipagkamay sa kanya.

"Your so beautiful Miracle." nakangiting puri nong Top kay Miracle bago bumaling sa akin. "And you are?"

"Fi— makikipagkamay na din sana ako kay Top ng agawin ni Tork ang kamay niya.

"First. —she's First." pagsingit ni Tork. Nakipagtitigan pa siya doon sa lalake bago nagpakilala. "And I'm Tork."

"Haha. Easy.. —-Nice to meet you Tork." tatawa-tawang sambit ni Top bago ako nito balingan ng tingin at bahagyang tanguan. "And to you Miss First." Napatango na din ako sa kanya dahil bigla akong nahiya sa inasta ni Tork.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now