Page 24

243 68 139
                                    



lorie-ish  97bambi26 

honeylyncolima

Guys visit also their stories. They are worth a try! Love lots.




"Happy birthday Peni."bati ko kay Peni kasabay ng pag-abot ko sa regalo niya. Siniko ko si Tork na tahimik lang na nakatayo sa tabi ko upang batiin niya din ito. Sinama ko kasi siya dahil children's party naman ito at pasok pa siguro ang edad niya dito.

We look like siblings dahil parehas pa ang kulay ng damit namin. Kulay light blue dress na above the knee ang sa akin habang ang sa kanya ay light blue polo na bumagay talaga sa kanya. Nakatayo pa ng bahagya ang buhok niya na aniya ay ganoon daw ang cool style ng hair at tama naman din siya, lalo kasi siyang gumwapo sa ayos niya.

"Thank you Ate pretty!" nakangiting sabi ni Peni pero kay Tork nakatingin. Talande! Na love at first sight pa ata siya kay Tork.

"Peni si Tork pala." pagpapakilala ko sa kanya na nginitian niya ng matamis pero hindi man lang siya ginantihan ng ngiti ng snob kung kasama.

"Is she your brother ate pretty?" tanong nito sa akin.

"No!" agarang sagot ni Tork, bakas pa ang inis nito sa tono ng boses kaya bahagya kong pinisil ang pisnge niya at pinandilatan siya ng mata. Highblood masyado ang batang ito, tinatanong lang naman.

"Ahmm., he is my —-

"His baby!" dagdag ni Tork sa sasabihin ko. Gusto kong mag- face palm!

"Uhh?! Your old enough to be ate pretty's baby Tork!" sabat ni Peni na hantaran na talagang sinimangutan ni Tork.

"Mind your own business!" galit niyang sambit kay Peni kaya hinatak ko na siya papunta sa bakanteng upuan matapos humingi ng agarang pasensya kay Peni na natahimik na lang dahil sa sinabi nitong kumag na si Tork. Hayst! Nakiki-birthday na nga lang kami, inatake naman ng pagka-bugnutin at snob.

"Ano ka ba namang bata ka! Bakit ka nagagalit?" mahinahon kong tanong sa batang snob.

"Hindi na ako bata First!" mariin niyang sagot. "You didn't tell me, this is a children's party! Fuck!!!—...why am I here?" patuloy niyang angal kaya napasabunot na ako sa buhok ko. Ang sakit niya sa bangs.

"Andito tayo para maki-birthday, Kaya makisama ka na lang, okay?" paliwanag ko sa kanya na kahit nakokonsome na ako, pinapahaba ko na lang ang pasensya ko sa kanya.

"Do you only want the foods here kaya makiki-birthday ka? Pwedi naman tayong kumain sa bahay o kaya sa labas, we can have our date!" Ayy jusmeyong bata eto. Pinagmukha pa akong makikikain lang at ano daw? Date?

Ginulo ko ang buhok niya kaya ang kaninang nakatayo ay bahagyang dumapa. Nilihis naman niya ang ulo at hindi nagustuhan ang ginawa ko.

Napabuntong hininga kong nilapit ang mukha ko sa kanya para kausapin siya ng masinsinan.

"It's not only the food Tork.. —I just want to be here." pilit akong ngumiti sa kanya. "This is my first time. ..I mean ito ang unang birthday party na napuntahan ko." nilibot ko ang paningin ko sa paligid at napapangiti akong tignan ang mga designs. "Buong buhay ko, di pa ako nagkakaroon ng birthday party. Ang ganda pala." Napalunok ako matapos kong magsalita, parang may bumara kasi sa lalamunan ko.

Tumahimik siya matapos kong magsalita at kahit hindi ko siya balingan ng tingin, alam kong nakatitig siya sa akin.

"I'm sorry." mahina niyang sabi kaya napalingon na ako sa kanya.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon