Page 50

140 16 0
                                    



Tork pov:

"Bakit ka ba umalis kanina?" tanong ni First habang naglalakad na kami pabalik ng camp.

"Ivory called me." sagot ko.

Pansin kong natigilan siyang maglakad dahil sa sinabi ko at kunot-noo niya pa akong tinignan.

"Why?" nagtatakang tanong niya.

"I don't know. Sinabi niya lang na pumunta ako sa tattoo shop kanina pero wala naman siya doon at si Top lang ang naabutan ko. Hinintay ko pa siya pero tinawagan niya ulit ako at pinapunta sa pool area dahil nandoon ka daw."

"May tumawag ba sayong unknown caller kanina?" kunot-kilay ulit niyang tanong.

"Yeah." sagot ko sa kanya ngunit pansin ko din ang pag-iba niya ng emosyon.   ...but it interrupted by Ivory's call kaya hindi ko iyon nasagot." dagdag ko pa.

Malalim lang siyang napahugot ng hininga bago ako hawakan sa dalawa kong balikat.

"Buti naman.. pilit siyang ngumiti sa akin pero nararamdaman ko ang pag-aalala niya. Bakit?   ...next time kapag may natanggap kang tawag galing sa unregistered number, don't answer it Tork." seryosong sabi niya kapagkuwan.

Nagtataka ko lang siyang tinignan. Bakit? At bakit nakikita ko din ang pag-aalala niya ngayon?

"Why? May problema ba First?" tanong ko na sa kanya pero nginitian lang niya. She's weird again kaya hindi ko mapigilang mag-alala na naman sa kanya.

"No.. nothing Tork." sagot lang niya bago ulit maglakad papunta sa Camp.

Tahimik ko lang siyang binabalingan ng tingin pero seryoso lang din siyang nakatingin sa harap ng nilalakaran namin.

Gusto ko siyang tanungin ngunit nagdadalawang-isip akong magtanong sa kanya dahil sa pinapakita niyang pananahimik ngayon. Parang ibang First na naman kasi ang nakikita ko at pakiramdam kong hindi niya din sasagutin ang itatanong ko kaya pinili ko na lang manahimik.

Napahawak ako sa bulsa ko at napapailing na lang na kinuha ang chocolate na kanina ko pa dala-dala. Maybe she need this.

Napatingin na naman ako sa kanya. Sobrang tahimik niya at alam kong may gumugulo sa utak niya ngayon. I know her.. Alam kong may malalim siyang iniisip at sigurado akong tungkol iyon sa tumawag kanina.

I checked the number earlier. Binalak ko pang tawagan ang numerong iyon matapos kong makausap si Ivory ngunit hindi ko na ito macontact ulit.

Rinig ko siyang bumuntong hininga ng malapit na kami sa Camp. Napatingin ako sa kanya dahil pansin kong nagbago na naman ang emosyon niya.

Why she look sad?

Napahigpit na lang ang paghawak ko sa chocolate bago ko siya hawakan sa braso at paharapin sa akin.

"Chocolates?" sambit ko at bahagyang ngumiti sa kanya.

Gusto kong mapawi man lang ng kahit kaunti ang gumugulo sa isipan niya.

I already told that she wants foods, but it's just a diversion from what she really wants.

Napatingin siya sa hawak kong chocolates habang mahinang natatawa.

"You really know me Tork." napapailing pa siyang tinatanggap ang chocolate na binibigay ko. "...kaya ikaw ang gusto ko eh.." napalunok ako sa sinabi niya at bigla na lang nagtambol ang puso ko ..kaysa kay Butter. Hahaha. Thank you baby Tork."

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now