Page 34

192 41 123
                                    



A/n: please comment here kung bagay ba kay Acid yung portrayer niya. 😂

💙 blue heart for Acid guys.. ——->

Acid pov;

Acid Gregory Costales

Acid Gregory Costales

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Lee Taeyong— NCT)



Natapos ang pagpaplanong ginawa namin at ang suhestiyon ni Kyrs ang napagdesisyonang gagawin namin.

Nagpakahirap pa akong mag-isip kung saan kami pweding magbakasyon, sa bandang huli siya din pala ang masusunod.

Tuwang-tuwa pa ang gago. Ano naman kaya ang gagawin namin sa Camp nila? Magti-training?

Napatingin pa ako kay First na nawalan ng excitement ang mukha dahil sa sinabi ni Krys. Ayaw niya ba sa camp?

"Magti-training ba tayo doon Kyrs?" hindi na siguro nakatiis si First at nagtanong na ito..

"Haha. Basta masaya doon sa camp namin sigurado akong mag-eenjoy talaga tayo doon."

"Tsk! Siguraduhin mo lang gago." sikmat ni Clover na naiinis pa ring nakatingin sa amin. Hindi pa siguro naka-recover ang isang to sa pang-aasar namin kanina. Halata naman kasing nagseselos silang dalawa ni Craig kapag malapit ako kay First. Noon ko pa napapansin iyon at sinasadya ko talagang nagkakalapit din kami ni First dahil ang sarap nilang pagtripang dalawa. Kulang na lang kasi kuyugin na ako ng mga 'to.

Maganda si First. Nakakatuwa siyang kasama kahit minsan hindi niya pansin yung saya kapag kasama namin siya. At kahit hindi halatang mabait siya alam ko namang may mabuti siyang puso pwera na lang talaga kapag may umaway sa kanya.

Gustong-gusto siya ni Peni at masaya akong nagustuhan siya ng kapatid ko.

Mom also like her pero hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niyang mapalapit ako masyado kay First.

"Don't get too close to her son."

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit iyon nasabi ni Mom. She told me she like First pero bakit ayaw niya akong mas mapalapit pa dito?

Pinagsawalang bahala ko na lang iyon. Maybe Mom felt jealous dahil baka akala niya nagugustuhan ko na si First in a romantic way.

I like First, I love her pero bilang kaibigan lang, —pwedi ring bilang kapatid pero hindi na iyon hihigit pa doon dahil una pa lang nilimitahan ko na ang sarili kong makaramdam pa ng higit para sa kanya. Alam ko namang siya ang first love ni Craig at napapansin ko na ding gusto siya ni Clover kaya lalo lang gugulo kung makikisali pa ako.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now