Page 3

430 143 251
                                    



First points of view:

Nandito kami ngayon sa canteen ng mga kaibigan ko at naririndi na ako sa pinag-uusapan nilang transferee dahil alam ko naman kung sino ang babaeng iyon..

Nakakayamot!

Bakit ba dito pa siya talaga nag-transfer? Iniwanan ko nga ang dati kong school dahil sa kanya.. —sa kanila. Pero ang impakta sinundan pa talaga ako dito. Nakakabwesit siya! Nananadya ata!

"Uyy may transferee daw. Maganda!" sabi ni Butter na inirapan ko lang.. Hindi dahil sa sinabi niyang maganda kaya ako napairap. Ayaw ko lang talagang mapag-usapan ang babaeng iyon.

Totoo namang maganda si Miracle.. May maamo siyang mukha, maputi at makinis ang balat.. Kahalintulad siya ng isang anghel sa panlabas niyang kagandahan dahil ang bait niya tignan.. pero— katulad lang din siya ng ina niya. Sabagay may kasabihan ngang — kung ano ang puno siya rin ang bunga!

Nakapangalumbaba ako habang tamad na kinakain ang pasta na inorder ko. Chocolate cake naman ang kay Butter habang egg tart at vanilla cheesecake ang kay Jelly at Ash.

Patuloy pa rin sila sa pag-uusap tungkol sa bagong transferee at gusto ko na silang pagbuhol-buhulin nitong pasta na kinakain ko.

"At may kasama pa siyang gwapong transferee! Sobrang hot niya pa! Nakita ko siya kanina kasama ang mga Varsity player. Gosh may bago na naman akong crush.." si Ash naman na na-excite pa sa pinagsasabi niya..

Nagtaka ako sa sinabi niya. May kasama si  Miracle?

"Anong hitsura nung lalake?" mabilis kong tanong sa kanya.. Kinutuban kasi ako..

Tinaasan niya ako ng kilay bago pa siya sumagot. Parang may iniisip siyang ibang kahulugan sa tinanong ko.

"Gwapo.. matangkad.. maputi at hot! Omg! Bagay na bagay kami!" patiling sagot ni Ash kaya napataas din ang kilay ko sa kanya.

Kurutin ko kaya siya sa singit at ng tumili pa siya lalo.

Lintik! Mas lalo akong kinutuban.. Anak ng tokwa naman nang babaeng iyon kung sinama pa niya ang lalakeng iyon dito.

Nagpatuloy na kaming kumain habang maingay pa rin ang usapan ng mga studyanteng mahilig sa tsismis sa tabi-tabi..

Maya-maya ay lalo pang umingay at halos sumabog ang eardrums ko sa tili nila..

Pakshet na mga Varsity na yan! Pahirap talaga sila sa tenga ko.

Tamad akong bumaling sa direksyon ng mga Varsity player at nanlaki na lang ang mata ko ng makita ko siya ulit..

"Craig.." bulong ko habang gulat na nakatingin sa kanya..

Napansin niya sigurong nakatutok ako sa kanya kaya lumingon siya sa gawi ko pero mabilis akong bumaling sa likod para hindi niya ako makita. Putakte naman ng buhay oo! Iniwan ko na nga sila doon, sumunod naman sila dito.

"Oh my fudge! Ang gwapo nga niya Ash!" kinikilig na sambit ni Butter..

"Oo nga! Gosh gusto ko siyang maka-date!" masayang sabi naman ni Jelly. Putspa! Mukha siyang date!

"Bilisan niyo na diyan. Kelangan na nating umalis dito!!" madiing utos ko sa kanila..

Hindi kami pweding magkita dito.

"Ohhh shit! Palapit sila dito!! Maganda ba ako... maganda na ba ako huh?!!?" natatarantang tanong ni Ash na kung hindi lang ako umiiwas na makita ni Craig ay nahampas ko na siya! Ang lande..

Kita ko pa siyang naglalagay ng liptint sa labi niya. Bahagya ko namang sinilip ang dalawa ko pang kasama.. —Talande nag-eye shadow pa si Butter habang nagblush on naman si Jelly.. Ano ito? May audition? O sasali sila ng pa-contest?

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now