Page 53

119 14 3
                                    



Clover points of view:

What the fuck?!

A dare kiss? ..no! Baka kung sino pa ang halikan ni First. Andito pa naman ang batang pabibo.

Ako na ang nag-isip ng dare kahit hindi sa akin nakatutok ang pwetang bahagi ng bote. Kay Race iyon nakatutok pero alam kong gago mag-isip ang isang 'to.

"I dare you to sing a song for me.. —I mean for us.." sambit ko na ikinanganga niya maging ang mga kasama namin. Medyo nadulas ang dila ko sa part na 'to. Gusto ko kasing kantahan niya din ako katulad ng ginawa ko kanina sa kanya.

"Kanta?" paglilinaw pa niya at tsaka tumingin sa madilim na kalangitan.

Tumango lang ako sa kanya na nginiwian lang niya.

"Sigurado ka diyan Clover?!" tanong na naman niyang muli na parang hindi talaga siya naniniwala sa di-nare ko sa kanya kaya tinaasan ko na siya ng kilay.

"Oo." sagot ko. Rinig ko pa ang pagtikhim ng mga kaibigan niyang babae at tsaka lumapit pa ito sa kanya.

"We can help you First.. we got you." sabi ni Ash na tinanguan naman nina Jelly at Butter.

Napabaling ang tingin ni First sa mga ito. Nakanganga pa siyang tinignan sila isa-isa na parang diskompyado siya sa sinabi ng mga ito.

"We will sing our favorite song ladies and gentleman." si Jelly naman na ngumiti pa sa harap namin. Hinawakan pa siya ni First sa balikat ngunit bumaling lang ito ng kunti sa kanya tsaka ngumiti ulit.

Nagpalakpakan naman ang mga lalake at nakipalakpak na din ako sa kanila. Excited ang tatlong babae sa gagawin nilang pagkanta ngunit kabaliktaran naman ito ng reaction ni First.

"With a twist girls.." sambit ni Acid habang pumapalakpak pa din. "..you should dance too." dagdag pa niya na ikinahiyaw ng iba.

Nilakihan pa siya ng mata ni First pero wala na din itong nagawa ng umoo na ang mga kasama niya.

***

First points of view:

"With a twist girls.. you should dance too." sigaw ni Acid na lalo kong ikinanganga.

"Sure!" kaagad namang sang-ayon ng mga kasama ko. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanila isa-isa. Ang lalakas ng loob nilang kumanta. Saan kaya sila nakakuha ng tibay ng mukha.

Napatingala ako ulit sa langit. Madilim na ang ulap kanina at hindi iyon dahil lang sa gabi na ngayon kundi may namumuo na talagang sama ng panahon at nangangamba akong baka tuluyan ng bumagsak ang ulan kung dadagdag pa sa sama ng panahon ang sama ng mga boses namin.

"Hindi na ba kayo magpapapigil?" nakangiwing sambit ko sa mga kasama ko. Ngunit imbes na sagutin nila ang tanong ko, nagkanya-kanya na sila ng pwesto upang gawin ang kanta na may kasamang sayaw na di-nare ni Clover at dinagdagan pa ng twist ni Acid.

Napakamot na lang ako sa kilay ko. Naappreciate ko naman ang pagmamalasakit nilang tulungan ako sa naging dare ko, pero ang kumanta.. masama talaga ang kutob ko.

"Like a small boat.. On the ocean.. Sending big waves.. Into motion
Like how a single word..Can make a heart open.. I might only have one match.. But I can make an explosion."🎶

Jusmeyo nag-umpisa na nga ang pagkanta ni Ash.. Gusto kong magtakip ng teynga pati na din ng mukha. Nag-ala ballerina kasi ang mga may sayad kong kaibigan habang tumutula.. -este kumakanta si Ash.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now