Page 33

185 44 124
                                    



First pov:

I'm tired.

I'm scared.

I feel numb.

I wanted to open my eyes pero galit na mukha ni Mommy ang nakikita ko.

Natatakot ako sa kanya. Ayoko siyang tignan sa mata dahil nanlilisik ang mga itong nakatingin sa akin ngayon.

Am I having a nightmare again?. "Please.. please someone help me. Please—- wake me up.."

"I'm scared.. Mom.. — please l—leave me alone."

Malakas akong napasinghap at kasabay nito ang pagmulat ng mata ko. Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko at napahagulhol ako dahil sa wakas ay may taong gumising sa akin mula sa bangungot ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko at nahihirapan akong huminga dala ng hagulhol at takot ko.

"Ssshh.. Your already awake First.. Please stop crying please." sambit nito habang hinahagod ang likod ko.

"I— I'm scared Clover. *sob*.. I don't want to close m-my eyes again baka makita ko na naman siya." i said between my sobs. Ang lakas ng tibok ng puso ko na parang pati ulo ko ay sasabog na din dahil apektado din ito.

He just hug me again at napasubsob na lang ako sa dibdib niya habang patuloy na umiiyak.
Patuloy lang niyang hinahagod ang likod ko upang patahanin ako ngunit ang hirap pigilan ng luha kong tumulo. Akala ko sa pag-gising ko makakalimutan ko na ang masasakit na nangyari sa akin.

I heard him humming a song. At kahit wala ako sa huwesyo ngayon naalala kong kinantahan niya din ako dati noong andoon kami sa isang beach.

when you feel so tired but you can't sleep; stuck and reverse.🎶

Alam kong ginagawa niya lang ito ngayon upang pagaanin ang kalooban ko at lihim akong nagpapasalamat sa pagkanta niyang ito.

"And I will try to fix you. 🎵

huling awit niya bago niya ako pinaharap sa kanya.

"I'm always here for you First, I will help you fix yourself . Gagawa tayo ng masasayang memories para mapalitan ang mga masasamang bagay na naalala mo sa bawat panaginip mo. I will make you happy."

Napaluha akong ulit. Sasaya pa kaya akong muli? Natatakot akong baka hindi na mangyayari iyon.

Pinunasan niya ng mga daliri niya ng mga luha ko habang nakatingin lang ako sa mga mata niya.

"Pwedi pa kaya akong maging masaya Clover? I— I'm not good. —m—masama akong tao Clover at iba ang totoong ako kaysa sa kilala mo ngayon."

Napatitig ulit ako sa mga mata niya at hinahanap ang reaksyon niya sa sinabi ko.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa hibla ng buhok kong napunta sa mukha ko at hinawi niya ito papunta sa likod ng tenga ko.

"Kahit ano ka pa First. Kahit sino pa ang totoong ikaw, andito pa rin ako para sayo." sambit niya habang nakatitig na din sa mga mata ko. Ramdam ko ang sensiridad ng sinabi niya ay kahit papaano ay nabawasan ang bigat ng puso ko. Napalitan ang malakas na tibok nito at dahan-dahang naging banayad.

"T—thank you Clover." sambit ko at bahagyang napangiti sa kanya. Sana nga hindi mo ako iwanan kapag nakilala mo pa ako ng lubusan Clover. Sana andiyan ka pa din kapag higit kitang kailangan.

Naputol ang madramang pag-uusap namin ng malakas na tumunog ang tiyan ko. Sakto ding pumasok si Craig sa kwarto ni Clover kaya napatayo na ito.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now