Page 30

200 47 100
                                    


A/n: medyo mapapadami ang pov sa page na ito.. —share ko lang hihi!

————————-

Clover pov:

Clover Dominguez

(Cha eun woo— astro)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Cha eun woo— astro)

Nagulat ako ng malakas akong natulak ni First ng tangkain kong agawin ang bote ng alak na mabilis lang niyang ininom. Halos maubos na niya ito at hindi ako makapaniwalang ganoon siya kabilis tumungga.

Malakas akong natumba sa sahig pero wala doon ang pansin ko dahil nakatitig lang ako sa reaksyon ni First.

Gulat din siya sa nagawa niya sa akin at natulala pa siya kaya nabitawan niya ang bote ng alak at malakas itong nabasag sa sahig.

Iba ang First na nakikita ko ngayon. At parang may tumutusok sa puso ko kapag nakikita ko siyang ganito.

Napasalampak siya sa sahig habang humikbi at maya-maya ay nauwi iyon sa hagulhol. Mas lalo akong nasasaktan dahil sa pag-iyak niya. Hindi ko man alam kung anong dahilan ng pag-iyak niya pero ramdam na ramdam kong sobra siyang nasasaktan ngayon.

"I'm sorry! I'm sorry.. h-hindi ko sinasadya Clover.. I'm sorry.." paulit-ulit niyang sambit habang napayakap na sa tuhod niya.

Mabilis akong lumapit sa kanya kahit sumakit ang bandang likod ko dahil ito ang malakas na tumama sa sahig. Niyakap ko siya ng mahigpit. Yakap na magpapahiwatig sa kanyang hindi siya nag-iisa.

Napatingala siya sa akin ng maramdaman niya ang pagyakap ko at naiiyak din ako ngayon dahil sa lungkot at sakit na nakikita ko sa mga mata niya.

Ayaw ko siyang nakikitang ganito.

"I'm sorry.. h—hindi ko naman s—sinasadya.. Wala naman akong kasalanan diba?" putol-putol niyang sambit.

Napayakap ako ulit sa kanya dahil hindi ko na kaya ang nakikita ko sa kanya ngayon. Pinipigilan kong huwag ding maiyak dahil kahit ako ay sobrang nasasaktan dahil sa uri ng pag-iyak niya.

"Hush please.. Wala kang kasalanan First. Wala, okay?!" basag ang boses kong sambit sa kanya.

"P—pero bakit g-galit sila sa akin?! Wala naman akong ka—kasalanan diba?" naguluhan ako sa sinabi niya. Gusto kong magtanong ngunit hindi ito ang tamang pagkakataon para tanungin ko siya.

Patuloy lang ang malakas niyang hagulhol at hindi ko na alam kung paano pa siya patatahanin.

Napatingin ako kay Craige. Alam kong hindi na din niya mapigilan ang mga luha niya kaya napatingala na lang siya.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon