Page-22

297 70 209
                                    



First pov;

"How did you know them?" nagtatakang tanong ni Craig sa akin. Nag-alangan ako. Paano ko ba sasabihin sa kanya ang pagkakakilala ko sa tatlong iyon? Hindi ko naman pweding sabihing parehas kaming pinanggalingan ng ospital kaya nagkakilala kami ni Dew. Mag-iisip na sana ako ng ibang masasagot ng saktong dumating si Acid dala-dala ang malaking pizza. Lalo tuloy akong nagutom kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at mabilis na akong lumamon.

Woahh! Nagutom ako sa pagsasabon ng mga babaeng iyon sa akin. Ayoko namang idamay pa sila sa problema ko kaya hindi na ako nanghingi ng tulong sa kanila dahil mas malaki ang problemang kinakaharap nila. —-Mas delikado.

"Kaibigan mo ba ang mga yun?" si Clover na ang nagtanong na bahagyang tinanguan ko lang.

"Sino?" naguguluhang tanong ni Acid. Ang tagal pala nito sa Cashier kaya hindi nakita ang pag-uusap namin nila Blue kanina.

"Yung mga babaeng kausap ni First kanina pare, ang gaganda sayang hindi mo nakita." singit ni Krys.

"Park yung apelyido nung isa diba?" kunot-kilay na tanong ni Race na tinanguan ko lang din bilang sagot. Puno pa ang bibig ko kaya hindi ako nakakapagsalita.

"Bakit? Type mo?" si Krys ulit.

Kibit-balikat lang siyang sinagot ni Race pero halata ang pag-iba ng mukha nito. Parang may magulo siyang iniisip tungkol sa apelyido ni Blue.

"Kelan pa?" tanong ulit ni Clover. Nilunok ko muna ang kinakain ko bago ko siya sinagot.

"Last 2 years ago." simpleng sagot ko ngunit bigla akong natigilan at napatingin kay Craig na mataman na palang nakatingin sa akin ngayon. Last 2 years ago, iniwan ko siya sa La Carlota. At dalawang taon na din ang lumipas ng pinasok ako ni daddy sa isang psychiatric hospital.

"2 years ago?" mahinang sambit nito pero narinig ko pa rin. Mapait siyang napangiti at nag-iwas ng tingin sa akin. Bumalik na naman ang halo-halong emosyon sa mukha at sa mata niya. Nadagdagan ko pa ata ang sama ng loob niya sa akin.

"Let's go!" basag ni Acid sa biglaang katahimikan. "Gabi na, kailangan na nating mamili ng regalo para kay Peni." suhestiyon nito. Awkward man, ay tumayo na ako at naglakad palabas ng pizza house. Ito pala ang dahilan kung bakit kami nandito, muntik ko ng makalimutan.

Pumasok kami sa isang Korean aesthetic shop na nagtitinda ng mga Korean items. Ang gaganda ng mga nakadisplay. Ang cute ng mga doodles at stuff toys. Nakakita din ako ng human stand ng mga oppa ni Butter pero nagdalawang-isip ako kung iyon ang ireregalo ko, baka pagpraktisan din kasi ni Peni, mahirap na.

Isang light stick at cute pink stuff toy ang napili ko na lang bilhin. Ang mga kasama ko naman ay cute dresses, posters and hair clips ang binili.

Matapos naming mamili, nagyaya si Race papunta sa costume section ng store. Mamimili daw siya ng costume namin para sa acapella. Siya na lang ang namili dahil pare-pareho kaming walang alam sa costume na sinasabi niya. Habang namimili siya bigla naman akong hinila ni Clover papasok sa isang silver shop. Walang imik niya akong hinila palapit sa isang estante at kaagad tinuro sa sales lady ang kwentas na may pendant na kalahating buwan.

"Oyy Clover ano yan?" tanong ko sa kanya. Ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataong magtanong mula ng hatakin niya ako.

"Stay still." sambit niya habang pumupunta sa likod ko. Naramdaman ko na lang na sinusuotan niya ako ng kwentas. Aangal na sana ako sa ginagawa niya ngunit nauna niya akong pinigilan.

"Para saan to?" taka kong tanong sa kanya. Bigla bigla na lang kasi siyang magbibigay ng bagay, baka may kapalit ito. Hihi.

"Tsk! I told you, I can buy you a moon. Remember?" tamad niya lang na sinabi pagkatapos niyang tumitig sa kwentas na sinuot niya sa akin.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now