Part 88

111 10 6
                                    



Ivory points of view:

"H-hey Ivory.." tawag ni Dew sa akin habang nahihirapan siyang kalasin ang nakatali sa kanya.

"Dew." tawag ko din sa kanya. Napatingin din ako kay Blue na nanatili lang na nakayuko habang katulad namin ni Dew ay nakatali din siya sa upuang bakal.

"Blue." tawag ko dito na hindi naman niya binigyan ng reaksyon. Ilang sandali pa ay nagtataka siyang napalingon sa amin. Tinabingi niya pa ang ulo niya na parang may iba siyang iniisip.

"Who are you? Why I am here?" tanong niya kalaunan.

"B-lue w-what happened?" nagtatakang tanong pa ni Dew sa kanya. Nangunot lang ang noo niya bago pa magtanong ulit kay Dew.

"Who's Blue?" nagtatakang tanong niya pa sa amin.

"What the fuck Blue! Ikaw yun.. ikaw!" natatarantang sambit naman ni Dew sa kanya.

Napanganga lang si Blue na napatingin sa kanya. Malalim din akong napahugot ng hininga dahil sa realisasyong pumapasok ngayon sa isip ko. This is the second time na na-exposed siya sa manipulation control. Ito ba ang epekto niyon? Ibig ding bang sabihin na makakalimot din ako, si Dew.. Nakaramdam ako ng pangamba. Hindi ko alam kung ano pang magiging epekto nito kung lalo pang ma-eexposed ang katawan at utak namin sa imbensyon ng baliw na doctor na iyon.

Ilang sandali pa ay may pumasok sa lugar na kinaroroonan namin. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko kung sino iyon.

"Cane." tawag ko sa babaeng pumasok pero katulad ni Blue ay animo'y nakalimot din siya at hindi niya kami nakikila.

Binalingan niya ng tingin ang pagtawag ko sa pangalan niya. Pansin ko pa ang baril na nasa gilid lang ng suot niya. Matapos niya kaming tinignan ay pumasok siya sa isang kwartong nasa loob lang din nitong lugar na kinalalagyan namin. Ilang sandali pa ay lumabas siya kasama ang dalawang lalakeng nakabihis ng pang-doctor na kasuotan habang tulak-tulak nila ang isang kamang may gulong.

"T-tork.." tawag ni Dew kaya napatingin ako sa taong nakahiga sa kama.

"No!" malakas kong sambit ng mapagsino na nga ang taong walang-malay na nakahiga sa higaan. Pinilit kong kumawala sa pagkakatali sa akin. Ramdam ko na ang hapdi sa palapulsuhan ko dahil sa pagpupumilit na ginawa ko pero hindi ko na ininda iyon. Mahalagang maligtas ko si Tork. Ayokong magaya din siya sa amin. Ayokong pati siya ay maging carrier din ng dievil drug.

"Cane. .please. . h-huwag si Tork. . Maawa ka. Bata pa siya Cane." bigla naming narinig ang boses ni First na alam kong galing iyon sa labas. Hindi ko alam kung anong gamit niya pero sa palagay ko ay isang mikropono. Nakikita niya ba kami ngayon? Nasaan siya?

May tinignan si Cane sa kanang banda nitong kwartong kinalalagyan namin. . Isa iyong maliit na camera. Iyon siguro ang dahilan kaya kami nakikita ni First ngayon. Naka-video ang nangyayari sa lugar na ito ngayon.

"Wait for my command Cane, hmm." ibang boses na naman ang narinig kong nagsalita at malakas ang kutob kong ang ina ni First iyon.

Napalingon ako ng gumalaw si Tork at magbalak na tumayo ngunit hindi niya din iyon nagawa dahil nakatali ang katawan niya sa higaan.

"T-tork baby.. h-hang on, okay.. I'm gonna save you Tork.. hindi ko hahayaang saktan ka nila k-kaya hintayin mo ako diyan, okay?" umiiyak pang sambit ni First dito.

"No.. d-don't. . Mapapahamak ka First. . I.. I'm okay.. hmm.. I'm okay.. just. .just don't let your mother get what she want. . I'm fine First.. I'm gonna be fine."

"Tork.. n-no! I can't let them hurt you. . hindi ako makakapayag na magaya ka din sa akin. . sa amin na carrier ng dievil drug. . I can't let them use you baby. . kaya please. . help him Blue.. Ivory.. Dew.. Cane.. p-please remember us. . We are your friends Cane.. p-please.." pakiusap na niya sa amin kalaunan.

Matapos ang pagsasalita ni First sa mikropono ay bigla na lang iyong nawala. Napatingin naman ako kay Cane na bigla na lang din itong napaatras mula sa kinatatayuan niya. Nakaalala na ba siya? Sana naman ay naaalala na niya kami.

"Blue." tawag ni Dew kay Blue ng bigla itong magpumiglas sa kinauupuan niya.

"Ivory., Dew." tawag pa nito sa amin na parang nabalik na siya sa sarili niya.

"You.. you remember us?" kumpirma ni Dew dito.

"What?" nagtataka naman nitong tanong sa sinabi ni Dew.

"You forgot about us earlier Blue.. you even forgot your own name." sambit ni Dew na nakapagtigil sa kanya.

"Am I?" hindi niya makapaniwalang saad. Napatingin naman siya kay Cane ng mapansin niya din siguro ito.

"Cane?" tawag pa niya dito. Pansin ko ang ilang beses na pag-iling ni Cane sa ulo niya na parang may nagtatalo sa loob ng utak niya. Ilang beses na kaya siyang na-exposed sa manipulation control na iyon at hindi na niya kaagad na magawa ang pag-alala sa amin?

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Thank you.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now