Page 2

481 143 273
                                    




Clover points of view:

Pagkatapos ng practice ng team ay nagkayayaan kaming bumisita sa kakarating pa lang naming katropa.. 2 years siyang nag-aral sa ibang paaralan sa probinsya nila at napagdesisyunan niyang mag-transfer sa St. Lucas..

Palabas na kami ng campus ng makasabay naming lumabas ang grupo ng mga babaeng studyante din ng paaralan.. Sanay na kami sa tilian ng mga babae kaya normal na lang sa amin ang pagpapansin nila..

"First." natatawang sambit ni Race habang nakatingin sa nakasimangot na babaeng kasabay naming maglakad.


"Second." sambit naman ni Krys at nakatingin din sa babae..

Kita ko ang pagkainis ng babae at nagpumilit pa itong hilahin ang dalawang babaeng nakangiti lang na nakatingin sa amin. Halos kaladkarin na niya ang mga ito para lang makalayo sa amin..

"Uno!" sambit na naman ni Race na nagpalingon na sa babae sa kanya..

She looks cute sa hitsura niya kahit halatang galit na siya..


I know her. She's First. Pilya at maraming kalokohang ginagawa sa school. Madalas ding nasasangkot ang grupo nila sa gulo at kalokohan kaya siguro naging kilala siya dito sa St. Lucas..

"Dos!" sigaw ni Acid na nakisali na din sa kalokohan ng dalawa..

"Tres!" si Mickey naman ngayon. Ayaw talaga nilang tigilan si First..

Masama na ang tingin nito sa amin at ilang pang-iinis na lang ay mahahampas na niya itong mga kasama ko kaya pinahinto ko na ang mga loko.


"That's enough." tamad kong sabi habang nakatingin sa kanya.

Nagtataka naman niya akong tinignan kaya kumindat ako sa kanya..

Nacu-cutan lang ako sa reaksyon niya kaya kininditan ko na.

Bigla naman siyang napairap at nagmadali na ding lumayo sa amin.

Hanep! Matapos ko siyang tinulungan sa pang-aasar nitong mga kasama ko. Iirapan lang niya ako!

Napailing na lang ako sa kanya habang tinitignan ang likuran nila. Gusto kong mapangiti sa inasta niya..

- -

"Oy pare kumusta?" bati ni Race kay Craig..

"I'm fine." nakangiti nitong sagot pagkatapos makipag-apir sa amin.

"Bukas papasok na ako sa school niyo..makakasama na din ako sa mga kalokohan niyo. Haha."

"Tsk! Good boy to pare. Wala kaming kalokohan sa school.." sambit ni Acid.

"Really?!" natatawang sabi ni Craig at hindi talaga naniniwala kay Acid..

Totoo naman talaga ang sinabi ni Acid., iwas kami sa kalokohan sa school hindi lang dahil mga Varsity player kami,.kami na din kasi ang namumuno ng school activities dahil nasa higher section kami.

"You will see Craig. Bawal talaga sa amin ang magkaroon ng bad record sa school., kabawasan na din kasi ng kagwapohan yun!" proud namang sagot ni Mickey.

Napatango na lang si Craig at nagyaya na lang na magmeryenda na kami sa garden nila. Doon daw niya pinahanda ang welcome party niya para sa sarili niya. Tsk nag-abala pa talaga siya..

"Kumusta ang volleyball Clov?" tanong ni Craig sa akin..

"Good." tamad kong sagot sa kanya. Tamad lang talaga akong magsalita..

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now