Page 35

194 44 155
                                    




Clover pov;

(Pa-heart comment po

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


(Pa-heart comment po. 💙———->


"Goodnight Love." mahina kong sambit. Hindi ko alam kung narinig niya pa ba iyon.

I love her. I really love her at napatunayan ko iyon kanina habang nag-uusap kami sa balkonahe ko.


"I'm always here for you First. Gusto kong lage ka lang masaya. Ayokong nakikita kang malungkot lalong lalo na ang umiiyak dahil nasasaktan din ako kapag nakikita kitang nahihirapan. Mas gusto ko pa ngang magsungit ka kaysa makita kang nasasaktan. Hindi ko kayang nakikita kitang umiiyak dahil —— dahil.." gusto kong sikmuraan ang sarili ko kanina dahil hindi ko masabi-sabi sa kanya ang totoo kong dahilan.

Nagdahilan pa ako ng iba at puro kagaguhan lang ang lumabas sa bibig ko.


"—-dahil hindi mo bagay.. —- baliw ka Clover Dominguez. Bakit ka ba natotorpe ngayon? Hayst!

"Mas bagay sayo ang nakasimangot." bulong ko dito sa sofa. Napatawa na lang ako ng mahina. Baliw ka talaga Clover. Pero totoo din naman, gumaganda kasi talaga siya lalo sa paningin ko kapag nakasimangot siya.

Hayst! Tinamaan na nga ako! Tagos na tagos. Para na kasi akong baliw na nakangiti habang iniimagine ang nakasimangot niyang mukha. Haha! Ano bang nangyayari sa akin? Ganito ba talaga ang matamaan sa puso? Damn it!


"Kainis ka namang impakto ka." natatawa akong maalala ang inis niya kanina.

Napatingin ako sa kanya habang mahinang nagsasalita. "Naiinis din ako sa sarili ko First dahil hindi ko maamin sayo ang nararamdaman ko ngayon. Natatakot kasi ako na baka mabigla ka at iwasan mo ako.. —Hindi ko kaya yun."

Napahawak ako sa puso ko. Wala pa nga ay nasasaktan na ako kapag lumayo siya sa akin.

Natatakot akong masaktan. Unang beses na tumibok ang puso ko at alam kong bahagi na ng pagmamahal ang masaktan.

Alam kong may parte pa rin sa puso niya si Craig at lihim akong nasasaktan doon. Sila ang unang nagkalapit at kamakailan ko lang siyang nakasama. Anong laban ko don?

Naiinggit pa rin ako kay Acid kapag masyado silang napapalapit ni First. Gusto ko ako yung nakakatawanan niya. Ako yung nakakaakbayan niya.

Naiinis din ako kapag naririnig ko ang pangalang Tork mula sa bibig niya. Gusto kong pangalan ko lang ang bigkasin ng mga labi niya.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now