Page 70

89 10 0
                                    




First points of view:


Nagulat na lang ako sa biglaang pagyakap ni Craige sa akin. Ramdam ko pa ang pagyugyog ng mga balikat niya indikasyon na umiiyak siya kaya lalo akong natigilan habang nanatiling nakababa ang mga kamay ko.


"I'm sorry." sambit niya na lalo pang ikinahigpit ng yakap niya sa akin.


"What happened?" pabulong ko lang na tanong sa kanya. Ramdam ko ang paglunok niya bago siya nagbitaw ng yakap. Masuyo niya akong tinignan sa mga mata habang hawak na ng mga kamay niya ang pisngi ko.


"I know you're hurt.. i know you're suffered too much too..  and I'm so sorry dahil wala ako sa tabi mo sa mga panahong kailangan mo ng masasandalan., sa mga panahong nasasaktan at natatakot ka., we promised before that we would be there for each other pero hindi ko nagawa iyon sayo First.. How did you cope with all that alone? hindi ko maisip.. sobrang nasasaktan akong isipin na mag-isa ka lang na hinarap ang lungkot at hirap sa buhay mo. I'm your friend First., I'M YOUR FUCKING BESTFRIEND at pakiramdam ko wala akong kwentang kaibigan dahil hindi man lang kita natulungan." umiiyak niyang turan sa harap ko.


Nag-unahang tumulo ang luha ko sa sinabi niya. Umiiyak pa rin siyang nakatingin sa akin kaya hindi ko na mapigilang yakapin siya ng mahigpit.


"NO.. you help me a lot Craigy.. you taught me h-how to love., ..-how to be cared.. you taught me h-how to smile. ..h-how to be happy kahit pa napuno ng lungkot at pait ang buhay ko noon. . P-please huwag kang humingi ng tawad sa akin dahil ako ang may kasalanan sayo. . i left you. . i- I even tried to forget you. .i hurt you Craige. . " humuhikbi kong sambit na inilingan lang niya.


"I-it,s okay. , don't cry please. . I'm here First. . I will always here for you this time. ." pangako niya na ikinahigpit ko ng yakap sa kanya.

"No." mahinang tutol ko na lang sa sinabi niya dahil baka lalo lang siyang masaktan kapag hindi niya magagawa pa iyon.

Ilang segundo kaming nanatili sa ganoong posisyon. Ako ang naunang bumitaw sa yakapan naming dalawa. Masuyo niyang hinawakan ang kamay ko at pinaupo sa paanan ng higaan ko. Kami na lang pala ang natira sa loob ng kwarto ko at marahil ay sala na ang iba.

"Are you fine, now? May masakit ba sayo huh?" usisa pa niya habang tinitignan ako. Napatingin siya sa pisngi ko at masuyo niya ulit itong hinawakan.

"I'm fine Craigy. ." bahagyang ngiti ko sa kanya na pansin kong ikinapanatag ng kalooban niya.

"Miracle is your twin, right?" mahinang sambit niya ulit. Ilang segundo pa akong napatitig sa kanya ngunit nagbawi din agad ako ng tingin. Isa ito sa kasinungalingan ko noon sa kanilang dalawa ni Miracle.

Hindi lang nagkataon na tinulungan ko si Miracle noon kapag nabubully siya dahil ako ang may pakana kung bakit siya binully ng mga kaklase namin noon.

Inutusan ko sila at tinakot upang gawin nila ang gusto ko. Lihim akong may galit sa kanya dahil sa katotohanang tunay kaming magkapatid at siya lang ang mahal ng mga magulang namin.

Noon pa man ay ganoon na ako mag-isip. Na kaya kong gumawa ng masama katulad ng ginagawa ni Mama.

Alam kong walang kinalaman si Miracle kung ano man ang kasalanan ng mga magulang namin sa akin pero napuno ako ng inggit at lungkot noon kaya nagawa kong magsinungaling at tinago ang katotohanan sa kanila.

"Why you let them hurt you First?" nabalik ako sa muling pagtanong ni Craige sa akin. Tinignan ko siya na parang sumusuko na ako sa mga sandaling ito dahil ako din naman ang may mali at kasalanan kung bakit ako nasasaktan.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Onde histórias criam vida. Descubra agora