Page 59

100 16 1
                                    


First points of view:

"That's enough." natigil lang ang galit na pagsigaw ni Ate Sage ng dumating ang tatlo kong kaibigan.

Natahimik ang lahat ng lumapit na sila sa tabi ko. Seryoso pa akong tinignan ni Blue bago niya balingan ng tingin si Ate Sage.

"She didn't kill your mother and she did not kill her mother either!" mabigat na sambit ni Blue bago ulit binalik ang paningin sa akin. "Let's go." dagdag pa nito bago ako hilahin palayo sa mga kasama ko. Hindi ko alam kung bakit niya sinabi iyon sa kanila pero wala na akong lakas pa upang kumontra.

Nanatiling tahimik ang lahat. Wala akong ibang marinig ng humakbang ako paalis kundi ang tawag ni Tork na pinigilan naman ni Butter.

Alam kong pinangako niyang mananatili siya sa tabi ko pero naiintindihan ko naman ang kagustuhan ni Butter. Natatakot siya sa nalaman niya ngayon.

Hindi ko na nilingon pa si Tork kahit sobrang sakit ng nararamdaman kong pag-iwan ngayon sa kanya.

Hindi ko nagawang mag-explain sa kanya.

Hindi ko naamin ang kasalanang nagawa ko sa kanya.

Ni hindi ko man lang nagawang humingi ng tawad dahil sa paggamit ko sa kanya.

Hindi nagpapigil ang pagtulo ng luha ko at kahit pilitin ko mang huwag humagulhol ay lumabas pa rin ito sa labi ko. Sobrang sakit kahit pilitin ko mang itago ang totoong nararamdaman ko.

"First." nagtatakang tawag ni Acid sa akin ng makasalubong nila kami kasama niya sina Craig at Race. Napatingin sa akin si Blue bago pa niya ako tanguan. Nauna na silang maglakad nina Ivory at Dew at ako naman ang hinarap muna ang limang impakto.

Napatingin ako sa dala nilang pagkain at iyon pala ang dahilan kung bakit wala sila sa pool kanina. Dumating din sina Mickey at Krys na may dalang inumin at nagtataka pang tumingin muna sa mga kasama ko bago ako kunot noong tinignan.

"Are you okay, huh?" nag-aalalang tanong ni Acid sa akin.

"Why are you crying?" si Craig naman na nagbalak pang abutin ako pero kaagad din akong umiwas.

"May masakit ba sayo, huh?" si Race na naman ang nagtanong na inilingan ko lang habang patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko.

"Gutom ka ba? Eto, kumain ka na." sambit naman ni Mickey habang binibigay sa akin ang juice na dala niya? Kung iba lang ang sitwasyon namin ngayon ay baka tumaas na naman ang kilay ko sa kanya.

"Asshole! Juice yan." nakasimangot naman na sambit ni Krys na lalapit na sana sa akin upang bigyan ako ng malaking tissue na dala-dala niya.

Pinilit kong itigil ang pag-iyak ko. Nakagat ko pa ang labi ko upang pigilan din ang di matapos kong hikbi bago pa sila pa-isa isang tinignan.

"I'm leaving.. s-salamat na lang sa lahat at s-sorry." sambit ko na pinagtakhan naman nila. Bago pa sila magtanong sa sinabi ko ay mabilis ko na silang iniwanan at sumunod na sa mga nauna kong kaibigan.

"Again?!.. your leaving again First?!" kahit nagtataka ay rinig ko pa rin ang pagalit na sigaw ni Craig mula sa likod ko.

"What are you talking dude? At ano bang ibig mong sabihin First?" tanong ni Acid na alam kong nakasunod na sila sa akin.

Huminto naman ako sa paglakad ngunit hindi pa rin sila tinitignan.

"I'm leaving, okay? Ayoko na kayong maging kaibigan. Nakakasawa na ang mga pagmumukha ninyong mga impakto kayo!" parang sira ulo kong sigaw sa kanila habang nakatalikod ako.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now