Page 41

150 32 45
                                    



dedicated to miss MissEnel

Please try to visit her account guys.. you will also love her works.. love lots fireflies

Thank you miss psychowriterrrrr and miss archer_marcher for still supporting me.. I always want to think a good updates just to make you laugh guys. Hihi
——————-

Clover pov;

"I don't know and I don't care." naiinis kong sabi sa kanya bago ako naglakad. "hinahanap pa, andito naman ako."

Tsk! Nabulsa ko na lang ang notebook na binigay niya dahil baka maisipan na naman niyang ipamigay ito sa iba.

Hinahanap pa niya ang iba sa akin eh mga gago ang mga yun dahil iniwan lang akong mag-isa kanina sa kwarto matapos akong asarin na naman.

"Oyy Clover parang couple yung ballpen oh, parehas ng design." sambit niya ng mahabol na niya ako. Sinulyapan ko muna ang ballpen niyang hawak bago ko kinuha ang isa. Couple daw eh. Napatingin ako sa bookmark na hawak-hawak din niya at nagkusa naman siyang ibahagi ang isa.

Kinuha ko ang notebook na nasa bulsa ko at sinulatan ang unang pahina nito. Nilahad ko ang kamay ko sa kanya at ng di niya maintindihan ang ginagawa ko, ako na mismo ang kumuha sa notebook na binulsa niya kanina.

Sinulatan ko din ang unang page nun, tsaka ko binulsa. Binigay ko sa kanya ang notebook na galing sa akin kaya nagpalit kami ng kulay. Mas maganda kasi yung kulay nung sa kanya.

"Clover?" patanong na basa niya doon sa sinulat ko.

"Tsk! Para maalala mong ako ang nagbayad ng notebook na yan." Para ako din ang maalala mo kapag nakikita mo ang notebook na yan.

"Eh ano naman ang sinulat mo sa isa?"

Pinakita ko ulit sa kanya ang sinulat ko sa notebook na nasa akin.

"First?" sambit na naman niya.

"Para maalala kong minsan ka ng nambulsa ng tinda." sumimangot siya sa sinabi ko kaya bahagya akong napatawa.

"Hindi ko naman sinasadya yun. Ang totoo pa nga niyan ikaw talaga ang may kasalanan kaya nabulsa ko ang notebook na yan." sinisi pa talaga ako? "Kung hindi kasi kita sinundan kanina hindi ko makakalimutang isuli yan." paliwanag pa niya.

"Tsk. Palusot ka pa. Ang sabihin mo dati ka talagang membro ng magna. Haha."

"Aba. Loko ka ah.! Anong akala mo sa akin malikot ang kamay?" naiinis niyang sambit habang bahagya pang nakalahad ang kamay niya sa akin.

"Tsk! Halika na nga." napailing muna ako bago ko hinawakan ang kamay niya tsaka hinila. Kanina pa kasi siyang nakasunod lang sa likod ko. Hindi nalang kaya siya sumabay maglakad.

Natahimik siya at ng balingan ko siya ng tingin, nakatitig lang siya sa magkahawak naming kamay. Lihim na lang akong napapangiti. May epekto na ba ako sa kanya?

Pumunta kami sa isang cottage kung saan nakaupo ang mga kasama namin. Naghe-headbang pa sila habang nanunuod sa kumakantang banda sa stage.

Napapasipol pa ang mga gago ng makita kaming magkahawak kamay na lumapit sa kanila.

"Oyy nagdate ba kayo? Bakit ang tagal niyo?" nakangising tanong ni Race sa amin.

"Hihi. Kumain lang kami." sagot ni First habang hinahatak ang kamay niya pero di ko pa rin binibitawan. "Nasaan pala si Tork, Acid?" baling din niya kay Acid. Napahigpit na lang lalo ang hawak ko sa kamay niya ng marinig na naman ang pangalan ng Tork na iyon. Bakit niya ba lageng hinahanap yun?

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now