Page-4

416 138 272
                                    



First pov;

"Anong nangyari sayo?!!" gulat na tanong namin kay Ash nang makita naming sabog-sabog ang buhok niya at nagmukhang basahan ang uniform niya..

"Hayop na babaeng yun! Pinagbintangan pa akong kabet ng boyfriend niyang kamukha ni babalu.."
mangiyak-ngiyak niyang sabi.. "madami lang sila kaya hindi ako nakalaban sa kanila.." inis pa niyang dagdag..

"Who?" seryoso kong tanong sa kanya..

"Yung panget na babaeng malandi na taga Section-A! Hinarangan nila ako kanina kasama ung mga babaeng mukhang clown.. kasama na din yung transferee.. Ang sasama nila.. Hintayin lang nila akong makaganti kakalbuhin ko sila.." galit niyang pahayag..

Tsk!

"Tara. Mag-ayos ka muna.. Don't worry., igaganti ka namin sa mga yun!" sabi naman ni Jelly na inakay na si Ash papuntang ladies room..

Nakasunod lang kami ni Butter at kahit hindi ako kumikibo, alam na nilang hindi ko nagustuhan ang nangyari sa kanya..

We are not bullies pero kapag kami ang kinanti., hindi talaga pweding hindi kami makaganti., higit pa sa ginawang mali sa amin..

Papunta kami sa canteen at alam kong andoon din ang mga babaeng iyon.

Rinig ko na ang mga boses nila sa entrance pa lang ng canteen.. Mga pabida ang mga Punyeta! Duwag naman..

"Look! Yung sinabunutan mo kanina Jez oh. Haha." rinig kong sabi ng isang babae at nakangisi pang tumingin kay Ash..

"Malande kasi! Bagay lang sa kanya yan." sabi naman nung Jez.

Naglakad na kami papunta sa cashier para umorder na ng pagkain nang hindi pa rin sila tumigil sa pagpaparinig..

"Wag mo na lang silang pansinin Ash. Papansin lang 'yang mga yan, mga panget naman. Tama ka mukha nga silang clown." sabi ni Jelly dahil nakayuko na si Ash., nahihiya din siya dahil hindi lang ang mga taga-Section A ang nagpaparinig sa kanya ng nakakahiyang salita pati na din ang mga tsismosang kumakain dito sa canteen..

Nakarating na kami sa cashier at umorder ako ng dalawang chicken curry soup..

"Takaw. Gutom ka ba?" tanong ni Butter habang nakatingin sa inorder ko pero nginitian ko lang siya.

Pabalik na kami sa upuan namin at ganon pa rin ang usap-usapan ng mga Section-A kaya nakangiti akong lumapit sa kanila.. Pumwesto ako sa likod nung nagngangalang Jez pati na din yung nagparinig kanina at walang pasabi kong binuhos ang soup na inorder ko..

"What the fuck!!" gulat na gulat nilang sigaw habang natahimik ang buong canteen..

Nginitian ko lang sila ng lumingon sila sa akin.. Pansin ko pa ang panlalaki ng mata ni Miracle na nakaupo din pala sa table nila.. Wow! The same feathers flock together talaga sila..

"What did you do First??!" galit na tanong ni Jez sa akin..

"Nadulas sa kamay ko." simpleng sagot ko na nakakalokong ngumisi pa sa kanya..

"First!" gulat na  tawag ni Miracle sa akin na hindi rin makapaniwala sa ginawa ko. Nakita niya din sigurong sinadya ko ang pagtapon ng soup sa kasama niya..

Poker face ko lang siyang tinignan at babalik na sana ako sa upuan namin ng dumating ang boyfriend ni Jez na kamukha ni babalu..

"What's happening here??" matigas ang english na tanong niya. Kingena.. pwedi naman siyang magtagalog..

"Tinapunan niya ako ng soup." nagpapaawang umiiyak na sabi ni Jez habang tinuturo ako..

Galit naman akong tinignan nung babalu at unti-unting lumapit sa harap ko..

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now