Page 13

277 99 204
                                    


Back to one!

Mag-isa na naman ako ngayon sa unit ko.. katulad ng dati para akong pinagkakaitan ni Dad ng makakasama.. Gusto niya talagang mag-isa lang ako palagi..

Nag-ayos na ako para pumasok sa school..

Kahit bangag ako at walang maayos na tulog dahil binibisita na naman ako ng mga bangungot ko, kelangan ko pa ring pumasok. Doon ko lang kasi nababaling ang isip ko para hindi na maalala ang mga bumabagabag sa akin..

Tamad akong pumara ng taxi papasok. Wala naman kasi akong sasakyan.. Wala din akong sundo dahil hindi na ako nakatira kila Butter..

Tork was sad.. Naiiyak pa nga siya kahapon noong paalis na ako sa kanila pero ayaw ko naman silang madamay sa problema ko kaya umalis na lang ako..

He help me a lot.

I miss him. Kahit isang araw pa lang kaming nagkahiwalay.. Namiss ko ang chocolates niya..

Pumasok ako sa room na lutang. Di ko na nga napapansin ang ibang kaklase ko.

Wala sa sariling umupo ako at napapaisip na naman ng tungkol sa ginawa ni Dad..

Bakit ba siya ganoon sa akin? Bakit mabait naman ang pinapakita niya kay Miracle? Bakit sa akin na sarili niyang anak ay hindi niya magawang magpaka-ama?

Hayst! Gaga.. Mapait akong napangiti.
Tinatanong pa ba iyon?

Gusto kong tawanan ang sarili kong tanong.. Katangahan lang kasi kung bakit hindi ko pa naisip ang sagot sa mga iyon..

Wala sa sarili akong natawa.. Niloloko ko na lang ata ang sarili ko sa tuwing napapaisip ako ng dahilan kung bakit siya galit sa akin at pinipilit niyang ilayo ako sa iba..

I'm different! I'm destined to be alone.. —like what happen to me and Mom.

Bigla na lang may lumagapak sa unahan habang panay pa rin ang tawa ko..

"Shut up First!"rinig kong galit na pagpapatigil sa akin ni Craig..

Naputol ang masayang pag-aalala ko sa kabobohan ko at taka akong napatingin sa kanya na naglakad na papunta sa unahan..

Masama nila akong tinignan.. Ano kayang problema nila?

Binalingan ko ng tingin ang narinig kong lumagapak kanina sa bandang unahan at nakangiwing pagmumukha ni Miracle ang nakasalampak sa sahig..

Ohh! Sumakto pa ata ang tawa ko sa katangahan niya.. Nabalian kaya siya? Napilay ba ang puwet niya? Sana naman!

Napangisi ako ng malaki.. Buti nga sa kanya. Wala naman akong intensyon na pagtawanan siya kanina dahil wala sa kanya ang atensyon ko pero dahil ngayon na nasa akin ang matatalim nilang tingin.. Sige— pagtatawanan ko na lang din siya. Haha..

"Why are you laughing First? Ikaw ba ang may gawa nito?"pag-aakusa ni Jez sa akin tungkol sa nasirang upuan ni First..

Eksaherada kong tinuro ang sarili ko at natatawang bumaling sa kanya..

Porke ba nakita nila akong tumawa ay may kinalaman na agad ako sa katangahan ng kaibigan nila..

"Yeah! Ikaw lang ang may masamang ugali dito sa section na ito.. Kaya sure akong ikaw ang may pakana ng pagkasira ng upuan ni Miracle.." singit naman nung isa ko pang kaklaseng di ko pa rin alam ang pangalan.

"Look who's talking.." tamad ko lang na sagot sa kanya at nakapangalumbaba pang nakikinig sa iba pang sasabihin nila..

"Miracle is your sister.. You should trait her well., hindi iyong itutulad mo din siya sa mga binully mo dito sa school.." napangiwi akong marinig ang salitang kapatid.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now