Page 75

83 9 0
                                    



First points of view:

"Surprise!" masayang sambit ng babaeng pumasok sa pintuan ng unit ni Clover.

"M-mommy?" halos nauutal kong tawag kay Mommy ng ganap na siyang nakapasok. Nanlaki pa ang mata ko ng maging ang bago niyang asawang si Dr. Hiroshi ay kasama din niya. Ngayon ko lang sila nagkitang magkasama.

"Prim." masayang salubong ni tita lovie sa kanila. Nakangiti pang nakipagbeso si mommy sa kanya na parang hindi ito ang naging una nilang pagkikita. Nakipagkamay naman si Dr. Hiroshi kay tito Oliver na para ring dati pa silang magkakilalang dalawa. Hinding-hindi sumagi sa utak ko na sila pala ang tinutukoy na other couple ni tita Lovie kanina na dadating ngayon.

Hindi ako makapaniwalang nakatingin lang sa kanila. Hindi ko alam na ganito pala ang pakikitungo nila sa isa't isa. Maliban sa pagiging magkaibigan nila noon, hindi ko alam na malapit pala sila sa isa't isa kagaya na lang ng nakikita ko ngayon.

"Na-surprised ka ba First?" baling ni mommy sa akin bago lumapit at makipag-beso din sa akin. Bigla akong hindi makagalaw. Bigla ding naging blangko ang isip ko sa biglaan niyang pagdating. Kung pwedi ko lang ilayo ang sarili ko sa kanya sa mga oras na ito ay ginawa ko na ngunit iniisip ko din ang magiging reaction ng mga kasama namin.

Hinarap niya ako bago nakangiting tumingin kay Clover.

"Clover, right?" tanong pa nito kay Clover na tahimik namang tumango sa kanya. Hindi ko na pinagtakhan pa kung bakit niya kilala si Clover. Dalawa lang naman ang dahilan niyon. Una ay dahil magkaibigan sila ng magulang nito at ang huli ay noon pa niya binabantayan ang bawat galaw ko.

"Mas kamukha ka pala ng ama mo,. No wonder kung bakit inlove na inlove ka sa anak ko." nakangiti niyang sambit na bahagyang ikinatikhim ng ama ni Clover.

"Like father like son, haha.. just like your daughter.." natatawang sambit ni tita lovie na pansin kong nagpaiba ng emosyon ni mommy na kaagad naman niyang tinawanan upang hindi lang nito mahalata ang pagkasuklam niya sa salitang iyon.

Tita lovie is right. Kamukhang kamukha ako ni dad na naging dahilan upang kamuhian ako ng tinuring kong ina na nasa tabi ko ngayon.

Naramdaman ko ang bahagyang paghila ni Clover sa kamay ko. Napatingin naman ako doon. Hindi ko na pala napansing napahigpit ang kapit ko sa kamay niya kaya niya ako hinila.

Blangko niya lang akong tinignan ngunit nakikita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Nanatili akong tahimik. Hindi ko man lang magawang itanong sa kanila kung bakit nandito si mommy.

"Your mom is my bestfriend when we're on your age First." bumalik ang paningin ko sa masayang sinambit ni tita Lovie. Doon lang luminaw ang lahat kung bakit ganito sila kalapit ngayon. Napasulyap pa ako kay mommy na nakangiti lang din sa kanya bago pa ito tumingin ulit sa akin.

"It's nice to know na mga anak natin ang magkakatuluyan Lovie." sambit niya pa na bahagyang ikinakilig ni tita.

"Yeah.. yeah.. I know Prim.. I'm so excited for they're upcoming wedding on your birthday." excited na sambit ni tita na halos magpanganga sa akin habang kaharap ko sila. "..oops sorry." sambit pa niya habang nakatakip ang kamay niya sa bibig niya na parang may nasabi siyang hindi dapat sabihin.

"Yeah." nakangiting sambit lang ni mama. "We already planned your wedding First, just like what it's used to be." baling naman ni mama na alam kong may iba siyang gustong ipahiwatig sa mga salita niya. Gusto niyang ipamukha sa akin na siya ang nagpaplano at magpaplano sa mangyayari sa buhay ko. Na kaya niyang manipulahin ang lahat ng tungkol sa buhay ko.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon