Page 25

226 68 115
                                    


honeylyncolima 

shaneblessangus
————————-

I lost my own son because your father choose you but sad to say he never know you as his own child.

He will hate you like I wanted you to be hated by them.

He will choose to ignore you, choose other than you, love other than you. They will never know, you are their own blood and flesh. —that's my cursed for you First.

You are my revenge to your father. You are not my child and never ever be my child because you only live because of a sin.

                                         ————————————

Hindi ko alam kung anong irereact ko. Masyado akong nagulat at hindi ko man lang napaghandaan ang malalaman ko ngayon. Parang wala akong maramdaman, hindi dahil namanhid ako pero dahil kahit isang pagkakataon, hindi sumagi sa utak kong hindi niya ako tunay na anak.

Siya na nga lang ang tinuring kong totoong pamilya ko, tapos malalaman ko pang hindi siya ang ina ko? Napakasaklap naman ata ng buhay ko.

Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o hindi, gusto kong tumawa. Gusto kong tawanan ang kalokohang ito dahil hindi ako makapaniwala.

Bakit? Paano nangyari iyon? Bakit sa akin niya binunton ang paghihiganti niya? Ano ba ang naging kasalanan ko sa kanya?

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang nakasulat ngayon sa libro niya. Walang ibang pumapasok ngayon sa utak ko dahil mas madaming tanong ang gusto kong ilabas kaysa sa ipasok sa isip ko.

Bakit niya ako pinalaki? Sinadya niya bang palakihin akong iba sa mga normal na bata dahil iyon ang paraan ng paghihiganti niya? Sinadya niya bang itanim noon sa isipan kong hindi ako magugustuhan ng iba dahil iba ako? —iba ang ginawa niyang pagpapalaki sa akin na imbes na magkaroon ako ng pakiramdam sa iba, mas ginusto niyang maging manhid ako sa kanila? Hindi niya ako hinayaang magkaroon ng ibang emosyon maliban sa pagiging malamig sa iba. Ginusto niyang mag-isa ako. Ginusto niyang mapalayo ang loob ko sa iba. Ginusto niyang kamuhian ko ang ama ko. Ginusto niyang maging masamang tao ako. Ginusto niyang mas mananaig ang galit sa puso at isip ko.

Masakit mang aminin pero ang lahat ng mga bagay na ginusto niya ay nangyari sa buhay ko.

Ang tanga ko!

Nabalik lang ako sa sarili ng mahigpit akong hinawakan ni Tork sa balikat.

"First!" tawag niya sa akin habang nakatingin sa mga kamay kong mahigpit na palang nakahawak sa libro. Hindi ko man lang napansing nalukot ko na pala ito.

Kinuha ko ang telepono ko at tinawagan si Ivory. Ayokong makita ako ni Tork sa kalagayan kong ito ngayon dahil para na akong sasabog sa sama ng loob. Gusto kong magwala, gusto kong sumigaw pero pilit kong pinipigilan ang sarili ko. Ayokong pati siya ay matakot sa akin dahil sigurado akong mawawala ako sa sarili kapag hindi ko na naman mailalabas ang galit ko.

Ilang minuto lang ang dumaan ng dumating si Ivory at pinasama ko sa kanya si Tork. Malaki ang tiwala ko sa kanya para ipagkatiwala ko si Tork sa kanya.

Nang makaalis na sila, hindi ko na napigilan ang sarili kong magwala. Lahat ng makita ko ay binasag ko. Gusto kong ibuhos ang lahat ng sama ng loob at galit ko sa mga sandaling ito. Para akong lalong nabaliw.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now