Page 76

98 10 2
                                    



First points of view:

Inalalayan niya akong umupo sa gilid ng kama niya. Nagawa niya pang halikan ulit ang ulunan ko bago siya maglakad papunta sa lamesang nakadikit sa pader nitong kwarto niya.

May kinuha siyang isang may kahabaang kwadradong bagay na nakabalot pa sa kulay brown na papel bago siya bumalik sa kinauupuan ko.

"What's this?" tanong ko sa kanya ng ibigay niya iyon sa akin.

"Ginawa ko 'yan nung mga araw na hindi kita nakita." sagot lang niya. Tinulungan na din niya ako sa pagtanggal ng nakabalot.

Napatitig na lang sa kanya ng makita ko na kung ano ang laman ng kwadradong binigay niya.

"This is beautiful Clover.. ang ganda., sobra." puri ko sa inukit niyang larawan na nakita kong inukit niya pa noon ng mapunta ako sa bahay nila.

It's my image reaching the moon when we're on the beach. Iyon ang unang beses na nagkasama kaming dalawa. Ang gabing hindi ko malilimutan kahit sa kabilang buhay ko.

"Yeah.. it's really beautiful First because—

"Oo.. maganda ako Clover." putol ko sa sasabihin niya na nagpatawa sa kanya.

"Thank you." madamdamin kong pasalamat. "Wala man lang akong maibigay sayo." nahihiya ko pang dagdag.

Lumapit siyang muli sa akin upang kuhanin muna ang kwadradong larawan bago iyon ilagay sa tabi. Matapos niyang gawin iyon ay binalik niya ang tingin sa akin. Pansin ko pa ang bahagyang pagngisi niya na ikinataas ng kilay ko sa kanya.

"Meron ka namang pweding ibigay sa akin love." malandi niya pang sambit habang nakangisi pa rin ang labi niya.

"Magtigil kang impakto ka! Ang laki na ng atraso mo sa akin!" singhal ko na hindi pa rin nagpatanggal ng ngisi ng lokong impakto.

"Hmm?" parang sira niyang sambit. Pailalim niya pa akong tinignan. Kamukha siya ng pusang naglalandi.

"Utang na loob Clover! —

"I want your 'yes' First, hmm?" putol niya pa sa pagsinghal ko.

"Anong yes ba yan, huh?" taas-kilay ko namang tanong kaagad.

Tumingin pa muna siya sa kabuuan ko bago tumigil ang mga mata niya sa kamay ko kung saan nakasuot ang singsing na galing din sa kanya.

"Marry me.. love me.. and don't ever leave me."bigla niyang seryosong sambit na nagpatigil sa akin. "Kahit pa nabanggit ng mga magulang natin kanina ang tungkol sa naging plano nila, but I want to ask your "yes" First. Gusto kong ako mismo ang magtatanong sayo sa mga bagay na iyon.. Hindi naman ako tutol sa plano nila mommy dahil iyon din naman ang gusto ko matapos ang lahat kagabi." napangisi pa siya habang parang inaalala ang.. jusmiyo! naalala ko din tuloy. "..kaya please.. marry me.. i know that you also love me.. but please don't leave me First.." muli na naman niyang pakiusap na muli na namang nagpatigil sa akin.

"First?" tawag niya pa sa akin ng ilang segundo din akong natigilan habang nakatingin lang sa mga mata niya.

"I - - I love you." pabulong ko lang na sambit sa kanya dahil iyon lang ang kaya kong gawin sa tatlong sinabi niya.

Pinagdikit niya ang mga noo namin.
"I love you too." pabulong din niyang sagot na mapait ko na lang nginitian.

I'm sorry Clover.

Tinanggal niya ang pagkakadikit ng mga noo namin. Magaan niya pang hinaplos ang pisngi ko gamit ang hinlalaki niya habang unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa akin.

He kiss my forehead, down ko my nose. He also kiss my chics and passionately kiss my lips.

"Kiss me back love." he said and I immediately grant it.

Naramdaman ko ang lalong paghigit niya sa katawan ko palapit sa kanya. Hindi ko na namalayan pang nagawa na pala niya akong ikandong sa mga hita niya.

"I love you." he said between our kiss. "Please don't leave me." rinig kong muli na namang sinabi niya.

I hug him. I want to kiss him more. I want to cherish this moment with him. I want to curve this moment in my heart and mind. I want to make him feel that I love him more than everything before I'm going to leave him.

"I love you too." i uttered too between our kisses. Lalo pa iyong lumalim hanggang sa maramdaman kong nagawa na niya akong mahiga sa kama niya. He kiss me deeper and I could feel the heats burning all over my body. Naramdaman kong gumalaw na naman ang kamay niyang makasalanan but he immediately hold my hand. Siguro ay kinokontrol niya din ang sarili niyang katawan.

"Damn.. I can't hold it." paungol niya pang sambit. His kisses went slow. Ramdam ko ang pagpipigil niyang huwag lumapat ang katawan niya sa katawan ko kahit nahihirapan na siya sa ibabaw ko.

"Clover." tawag ko sa kanya bago siya hilahin palapit pa sa akin na ikinamura niya ng mahina.

"Shit."

Mahina akong natawa sa kanya. Pansin ko pa ang pamumula ng leeg niya maging ang gilid ng teynga niya. Ang init na naman ng katawan niya na dahilan kung bakit nakakalimutan ko na naman ang ibang bagay na nasa paligid lang namin.

"Clover." muling tawag ko sa kanya habang tinitignan ang buong mukha niya. Gusto kong kabisadohin ang bawat parte niyon na kahit maliliit na detalyeng nakalagay doon ay gusto kong maiukit sa puso at isip ko.

"Clover." muling tawag ko sa kanya habang magaang hinahaplos ang pisngi niya papunta sa gitna ng noo niya pababa sa ilong niya. "I love you." sambit ko pa habang ang labi naman niya ang haplos ng kamay ko.

Hindi ko pansin ang pagtulo ng mga luha sa gilid ng mata ko na agad niya namang pinunasan.

"Thank you." sinsero kong sambit ulit. "I promise to love you, live with you, marry you, and don't ever leave you.. ..in my next life."  pangako ko habang lihim na sinasabi sa isip ko ang mga huling salita ko.

In my next life, I want to keep all my promises to you Clover.

***

Author's Note: Sorry for not updating for the past few days.. Sumasakit ulo ko sa modules, panget pa kabonding ang net na mas mabilis pa turtle niyo maglakad. 😂 Few pages to update at epilogue na. To be honest, nagawa ko na dalawa kong epilogue kahit di ko pa tapos ang mga scene na ilalagay before yun. Ahaha galing ko ata sa part na 'to. Haha salamat ng marami sa paghihintay ng updates.



night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Thank you

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now