Chapter 38

457 40 143
                                    


Chapter 38: Face to Face

Third Person Point of View

Sa labas ng safehouse ay masinsinang nag-uusap si Weliza at si Alexander. Parehas nilang binabalikan lahat ng nangyari sa Sagrada at ang pagkakaibigan nilang nabuo. Kasama na rin ang mga masasakit na salitang mga nabitiwan noon ay kanilang binalik-tanaw. Kalaunan ay nagkapatawaran ang dalawa sa inasta ng isa't-isa at nangakong hindi na ito uulitin pa.

Nagpalitan ng malalapad na ngiti si Weliza at Alexander dahil sa naging magandang takbo ng usapan. Humingi ng pabor si Alexander na kung pwede ay mahagkan niya si Weliza dahil sa sobrang tuwa nito sa nangyayari. Aamba na sana ng yakap si Alexander pero kapwa sila natigil ni Weliza ng may marinig itong mga sunod-sunod na ingay sa loob at malakas na kalabog.

Nagkatitigan ang dalawa habang nanlalaki ang mga mata at nagmadaling tinahak ang landas pabalik sa loob ng safehouse.

Nadatnan nila sa loob na pinalilibutan ni Jester at Mikay ang nakaupong si Colonel. Si Jack naman ay prenteng nakatayo lang sa tabi ng bintana at pinagmamasdan ang tatlo. Sa sahig makikita ang isang basag na baso.

"Ano iyan?" Iritang tanong ni Mikay na tinuturo ang isang ashtray na may umuusok pang sigarilyo. "Hindi mo ba talaga sasabihin ang totoo?!" Sigaw pa nito.

"Ah—eh, wala." Hindi mapakaling kinuha ni Colonel ang ashtray at nilagay sa may lababo.

Pinagkrus ni Mikay ang mga braso at ipinukol ang matatalim na tingin kay Colonel pagbalik nito.

"I thought you've changed, but then again, it's just a thought. Pinaniwala ko ang sarili ko na magbabago ka pero hindi naman pala." Inilipat ni Mikay ang tingin kay Jester na ngayon ay nakayuko na lang. "Ikaw naman, kunsintidor."

"Girl, calm down." Suhestyon ni Jester kay Mikay.

"L-Let me speak first." Nauutal na sambit ni Colonel. Tila ba hindi ito mapakali sa paggalaw at hindi na alam ang gagawin. Naging malikot na rin ang mga mata nito.

"Go! Sige, magpaliwanag ka." Pumanewang si Mikay at mabusising tinignan si Colonel. "Iyang mga sugat sa palapulsuhan mo, what's that? Ano suicidal ka na rin ba ngayon Juan Colonel Jr.?"

Itinago ni Colonel sa likod niya ang sugatang braso. May mga bahid ito ng pagkakahiwa na tipong sinugatan ng matalim na bagay. "S-Sorry I'm just s-stressed."

"And we shared the same thing! Pero kahit gano'n lumalaban kami, hindi kami sumusuko. Tapos ikaw lugmok- na lugmok na."

Mapaklang ngumiti si Colonel. "Ang pinagkaiba natin, my life is so fucked up right now. Tandaan niyo na hindi kayo ang aalis kung hindi ako! Ako!"

"Then you can talk to us kaysa naman gumagawa ka ng mga bagay na ikapapahamak mo." Huminto si Mikay para hintayin ang isasagot sa kanya ni Colonel pero hindi na ito umimik pa. "Sa susunod huwag ka na lang mangangako kung hindi mo rin naman tutuparin. Kaya ka walang jowa eh, pati sarili mo niloloko mo. Sayang lang tuloy ang pagbibigay chance ko sa'yo dahil sinasayang mo lang ang lahat." Nanlaki bigla ang mga mata ni Weliza ng marinig ang huling inusal ni Mikay. Ang iba naman sa kanila ay tahimik lang na nakikinig.

"Then go! Kung diyan ka masaya edi stop me from courting you, as simple as that. Pinapaasa mo lang ako pero ayaw mo naman talaga sa'kin noon pa man. It's been months already tapos wala man lang improvement sa'tin."

"Bakit ba ganyan ang mindset mo? Masyado kang down na down! Kung ano-ano iniisip mo kaya ka nag-o-overthink. Nababaliw ka sa mga bagay na ikaw lang ang nag-iisip. Tularan mo naman kahit minsan si Jester. Cheer up!"

"Ano siya na naman?" Ngumisi si Colonel. "I guess you really don't know him for who he was. Kaya ganyan ka magsalita, kaya ganyan kayo tumingin sa kanya. Puro maganda sinasabi niyo for him well in fact you dosen't have any single idea about him."

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now