Chapter 11

6.5K 161 132
                                    


Chapter 11: A Friend's Betrayal

Weliza's Point Of View

"Why does your eyes have different colors?"

Hanggang sa paglabas ng dressing room ay todo tanong pa rin ako tungkol sa mga mata ni Jack. This is unbelievable. Ito ang unang pagkakataon na makakita ako ng ganitong tao na may magkaibang kulay na mata.

"Maybe you have what they called heterochromia." Kailangan ko pang lakasan ang boses ko dahil sa tindi ng ingay na nangingibabaw sa buong lugar. Isang malakas na tugtugin kasi ang bumubuhay sa academy ngayon kasabay ng makukulay na ilaw na nasa paligid.

Ito ang ika-isandaang anibersaryo ng pagkatatag nitong academy kaya masasabi ko talagang pinaghandaan ang gabing ito ni Sir Faustino na siyang tumatayong director o pinuno ng academy. Kapansin-pansin din ang dami ng tao sa paligid. Pero napapaisip ako, tao nga ba talaga sila? Paano kung nagpapanggap lang sila at ang katotohanan ay mga werewolf sila?

"I don't know." Sagot ni Jack sa'kin. Maging siya ay hindi ko na marinig. Bigla itong huminto sa paglalakad kaya napahinto na rin ako. "Pwede bang ikaw na lang ang pag-usapan natin at huwag na lang ako. What I mean, look at you. You look gorgeous with that blue dress."

Umiwas ako ng tingin dahil sa sinabi nito. "Your tuxedo also fits you." My eyes captured his smile through my side vision.

Kinapa ko ang bulsa ko ng may maalalang isang bagay.

"By the way, sorry for the last time." Inabot ko sa kanya ang isang maliit na kahon. "Here's your necklace."

Hindi ko alam kung paano napunta sa'kin itong kwintas, hindi rin ako sigurado kung sa kanya talaga ito, pero siguro tamang bitiwan ko na ang isang bagay na hindi naman talaga akin.

Kinuha niya ang kahon at binigyan ako ng isang malapad na ngiti, mas malapad kumpara kanina.

"This necklace is for you."

"But you said it's yours."

"Kung ayaw mong tanggapin ngayon, you can give it back to me after tonight. Isipin mo kasama mo ako kapag suot mo 'to para gumaan ang pakiramdam mo. Trust me, you are safe when I'm with you." Binuksan niya ang kahon at tsaka inilabas ang asul na kwintas mula dito. "May I?"

Tumango ako na ang ibig sabihin ay buong puso kong binibigay ang tiwala ko sa kanya. Hinawi nito ang buhok ko at inilagay ang kwintas sa'kin.

"Salamat." I mouthed.

Dinala kami ng mga paa namin sa gilid na bahagi ng platform kung saan wala masyadong tao. Lahat sila ay nasa bandang gitna na naghihintay ng mga palabas na magaganap ngayong gabi. Sana lang ay walang masamang mangyari ngayon at mapagtagumpayan namin ang plano ni Dymitri.

"It is indeed a full moon." Jack said while gazing above us.

"Wolf moon to be specific." I added.

"A bright and a huge wolf moon to be exact." Parehas kaming natawa, parang walang magpapatalo sa'min sa pagbibigay kahulugan sa napakagandang buwan. "Do you know that the full moon in every month of January is called wolf moon because of one thing." Tinapunan ako ng tingin ni Jack na parang nagdadalawang-isip kung itutuloy ba ang balak sabihin. Hindi ko mapigilang mahalina sa natatanging kulay ng mga mata niya.

"Because even the werewolves can't control their unbearable strength at this moment?" Hula ko naman.

Tumango ito na sadyang ikinagulat ko. So tama ang hula ko? Kalaunan ay muli niyang binalingan ng tingin ang bilog na buwan.

"There's also a saying that it was called wolf moon because this was the time when the wolves tend to howl more than the usual. The reason why is that the lack of their food in this moment. They howl to communicate to others when they saw a prey." Paliwanag nito habang nakatingin pa rin sa itaas. Hindi niya alam na napaliwanag na sa'kin ni Dymitri ang tungkol sa bagay na iyon noong nakaraan.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now