Chapter 20 (Part Two)

1K 73 206
                                    


Chapter 20 (Part Two) - The Fall of Sagrada

Weliza's Point Of View

This is the time that the full moon is so useless. The clouds scattered around and covered it completely. Though there is no moonlight, something bright lighten the whole forest. I wonder what is the reason of that. The feeling of being electric shocked hit me so bad when I saw where that light is coming from.

Shit!


Sagrada is on fire, the whole forest is burning. This can't be...

Hindi ko na kailangan kumurap ng ilang beses dahil alam kong totoo ang lahat. Ramdam ko rin ang init ng makapangyarihang apoy mula sa pwesto ko ngayon kahit pa malayo kami roon ni Dymitri. Ngayon ang tanong, where did that fire came? Or better ask, who did that thing? There's something in my mind telling me that this isn't an accident.

Napahawak ako sa dibdib ko. The pain is still here, the burning sensation is attacking me. Para kong nilulon lahat ng apoy na nasa harap ko dahil sa sobrang hapdi at pananakit ng dibdib ko, particularly in the heart. Dymitri is maybe right but still, I will never admit that my heart is going back to what it used to be before. I'm not... I'm not dying again.

Sa gitna ng naglalakihang apoy, at ng kaninang tahimik na gubat, nangibabaw ang iba't-ibang ingay na alam kong gawa ng mga Sagros. Mga kaluskos ng pagtakbo at mga alulong. May isang lobo na huminto sa gilid ko na narinig kong nagsalita.

"Inaatake tayo! Nandito na ang mga itim na lobo!" Mas lalong nagkagulo ang mga puting lobo, lahat hindi na mapakali.

Ang kirot na nararamdaman ko mula sa pananakit ng dibdib ay napalitan ng takot sa kanila—takot sa mga itim na lobo. Nakita ko na minsan ang ginawa nila sa academy at ang brutal na pagpatay nila sa isang inosenteng tao. Naatake na rin nila ako at natamaan ng matatalim na kuko sa braso. What if may patayin ulit sila? Hindi ako natatakot sa kanila kung balak nila akong kainin ng buhay pero sa mga tao o lobong nakapalibot sa'kin, natatakot ako para sa kanila.

"Mga Sagros huminahon kayo!" Buong lakas na sigaw ko na nakikipaglaban sa ingay nila. Alam kong hindi nila ako naririnig.

"They can't, Weliza. All wolves are afraid of fire. Maybe because of their thick fur and the feeling of it being burned can make them panic like this. I've found that on a site named, "Guide on how to kill a werewolf" and I was shocked to read many facts in there." Paliwanag ni Dymitri kahit hindi ko naman tinanong.

Natahimik ako na pilit iniintindi ang sinabi nitong lalaki sa tabi ko. Ngayon ko lang nalaman na takot pala ang mga lobo sa apoy at posibleng tama nga si Dymitri. Masyadong makapal ang balahibo nila at natatakot lang sila na baka masunog ang mga iyon at maging rason ng pagkamatay nila.

Nanatili lang kaming tulala ni Dymitri na kapwa hindi makapaniwala sa bilis ng pagkalat ng apoy. Kinain na nito ang halos lahat ng kubo at ang ilang puno sa malapit. Patuloy pa ring nagkakagulo ang mga puting lobo. May isa sa kanila ang natumba, sa tingin ko ay isa itong matandang lobo dahil kapansin-pansin na mabagal na itong kumilos. Gustuhin ko mang tulungan ito ay hindi ko magawa dahil hirap din ako sa paggalaw.

Mayamaya ay napansin kong humigpit ang hawak sa'kin ni Dymitri. Binalingan ko siya ng tingin at gulat na gulat ito habang nakatingin sa hindi kalayuan sa'min. Sinundan ko kung saan siya nakatingin at gaya niya ay napuno rin ako ng pagkagulat sa nasasaksihan.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon