Chapter 35 (Part Two)

414 33 103
                                    


Chapter 35 (Part Two): The Secret Lover

Third Person Point Of View

"Class for today we have a new student in the academy." Panimula ng guro na nasa harap. Pinatama nito ang mga mata sa isang labintatlong taong gulang na lalaki at tsaka sinenyasan na pumunta sa kanya. "Come on, introduce yourself."

Nanginginig na humarap ang lalaki at sinalubong ang hindi mabilang na tingin ng mga estudyante sa bago nitong eskwelahan. Makailang ulit muna itong bumuga ng hangin bilang pampakalma sa sarili bago nagsimula.

"M-Magandang araw..." Nauutal na sabi nito dahilan para magtawanan ang ilang estudyante na kasama niya sa loob ng silid. Sa bandang gitna ay nakita nito ang isang babae na naka-thumbs up lang. Nang makita ng lalaki ang babaeng kaibigan ay napuno ito ng determinsayon at tiwala sa sarili. "Ako nga pala si Jolo Evangelista. Scholar po ako ni Mayor kaya ako nakapasok dito. Sana po ay maging magkaibigan tayong lahat." Nagpakawala ito ng isang malapad na ngiti matapos magpakilala. Kalaunan ay lumakad ito para humanap ng bakanteng pwesto.

"Nice one, dude." Pagbati ni Weliza ng umupo si Jolo sa kaliwa niya.

"That's all? Boring."

Sinamaan ng tingin ni Weliza ang katabi sa kanan niya. "Dymitri, hanggang dito ba naman? Please be good at him. He's our new classmate, aren't you aware of that?"

Hindi na sumagot si Dymitri. Pinagkrus na lang nito ang braso at tsaka ngumuso.

"Mr. Evangelista." Muling pagtawag ng teacher kay Jolo. "May seating arrangement kasi tayo by means of surnames. So base dito sa masterlist... sa likod ka ni Ms. Mikaeza Balthazar."
Puno ng lungkot na tinignan ni Jolo si Weliza.

"Okay lang iyan dude. Nasa iisang room lang naman tayo. Tsaka lagi naman na tayong magkasama at naglalaro sa bahay ano ka ba."

Walang-ganang tumayo si Jolo at naglakad patungo sa pwesto nito.


+++


"Hoy! Ikaw iyong transferee, 'di ba?" Tanong ng isang matabang lalaki ng mapunta si Jolo sa student's lounge. Dahil ikalawang araw ng klase niya sa academy ay maaga itong pumasok.

"Hindi pa ba halata, bro? Tignan mo naman iyong suot niya, mukhang basahan." Dagdag pa ng panibagong lalaki. Dahil dito ay nagtawanan ang mga kasama niya.

"Hindi rin tatagal iyan dito. Baka isang linggo lang tapos aalis na iyan. Bawal pa naman mga pulubi rito." Nang muli silang magtawanan ay wala ng nagawa si Jolo kung hindi ang umalis sa lounge at lumipat ng ibang pwesto.

Naglakad-lakad ito at dahil baguhan pa lang siya ay hindi ito pamilyar sa academy. Nakakita ito ng isang lugar na walang tao kaya tinahak niya ang landas na ito.

"Museum?" Basa nito sa pangalang nakaukit sa itaas ng pinto.

Nilibot nito ang mga mata sa loob at ng walang makitang ibang narito ay napabuga siya ng hangin. "Dapat pala kanina pa ako pumunta rito." Bulong ni Jolo sa sarili.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now