Chapter 31

636 40 200
                                    


Chapter 31: Decision

Weliza's Point Of View

Hanggang makauwi sa bahay ay bitbit ko ang kirot sa puso ko, sobrang bigat sa pakiramdam. Ang hirap iproseso ng mga nalaman ko sa ospital at hindi ko alam kung paano ko tatanggpin ang lahat. Pakiramdam ko kasalanan ko ang mga iyon. Kasalanan ko kung bakit napunta si Dymitri sa gano'ng sitwasyon.

Tama si Tito Genesis. Lagi na lang ako nagbibigay ng gulo, ng kapahamakan, ng kamalasan. Kung iisiping mabuti ay para akong isang cursed wolf—hindi nilulubayan ng kamalasan. Pero parang mali eh kasi feeling ko mas malas ako sa isang cursed wolf. Paano ba naman maging sa mundo ng mga tao at sa mundo ng mga werewolf ay parang tropa ko si kamalasan.

Simula bata pa lang ganito na ang nangyayari sa'kin. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. I was diagnosed by a heart disease. My mother has been severely traumatized but we don't even know the root of her situation. My father got in an accident and died at the day of my birthday. Later on, I was being hunt by wolves. Who would ever imagine that my blood is the life of that evil monster—Romulus.

Shit. Why is my life like this? If there's a chance to switch lives, would you dare to put your shoes on mine?

"Magpapahinga na po ako Tita." I didn't bother to wait for her response and instead, I hurried upstairs. Sinalubong pa ako ng nakingiting si Jacob pero mabilis ko ng isinara ang pinto gamit ang buong pwersa ko kaya nagkaroon ng malakas na kalabog dito.

Dumapa ako sa kama at hinayaan na lang na dumausdos ang mga luha ko. I was the one to blame for all this shit. Bakit... bakit?

Sabi ni Tito Genesis ay walang lunas sa kondisyon ni Dymitri kaya anomang sandali ay pwede na siyang maging kagaya nila—maging isang werewolf. Hindi ito maaari. Dapat ako na lang tutal ako naman ang puno't dulo ng lahat ng ito.

Then a sudden realization pop in my mind. Kahit ilang beses ko pang sisihin ang sarili ko, walang sawa at paulit-ulit, wala pa ring nababago. Mas lalo lang bumibigat ang dibdib ko. Inayos ko na lang ang higa ko at mabilis na nagpunas ng mga luha. Nothing will happen if I just put my tears on this innocent pillow of mine.

Siguro tama na. Itigil na natin 'to. May dala akong kamalasan at ayaw ko ng may masaktang kahit isa pa sa mahal ko sa buhay magmula ngayon. Not anymore...

Pumunta ako sa study table at binuksan ang drawer. Nang makita ko ang hihanap ko ay makailang ulit akong huminga ng malalim. Hinarap ko ang sarili ko sa salamin habang hawak ang bagay na iyon. Kung wala ako, wala ng gulo. Kung wala na ako, magiging maayos na ang lahat. Puro kamalasan na lang ang bitbit ko at para matigil na ito ay kailangan ko ng wakasan ang buhay ko.

Nilapat ko ang cutter sa aking leeg. Isang hila ko lang dito ay mapupunit na ang litid ko. Tinitigan ko ang sarili kong repleksyon. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at ang tanging sinisigaw ng isip ko ay tapusin ko na ang lahat, na patayin ko na ang sarili ko. Pero...

Pero bakit? Bakit hindi ko magawa? Pero bakit hindi ko kaya? Hindi ko alam pero mas nananaig ang puso ko. Tinitibok nito ang lahat ng mga taong nagmamahal sa'kin. Ang lahat ng alaala ko kasama sila—ito ang mas nangingibabaw. Iyon ang dahilan kung bakit tinapon ko ang cutter at kung bakit walang sawa ko na lang pinaghahampas ang sarili ko dulot ng frustration.

I'm tired but I really can't kill myself. My hands are trembling when I'm about to pull that sharp object. So how I'm going to end my life? All this shit is exhausting yet I really don't know how to end everything.

Nangilid ang mga luha ko pero hindi na ito bumagsak. Paulit-ulit mang ibulong ng isip ko na tapusin ko na ang lahat ay patuloy lang lumalaban ang puso ko na pinanghahawakan ang mga taong maiiwan ko. Mas magiging magulo kung mawawala ako. Mas masasaktan sila kung aalis ako. Dapat kong harapin lahat ng kalaban ko ngayon at huwag silang takasan. Sabi nila walang problema na walang solusyon, this time susubukan ko ito. I maybe too down right now but I'll never leave without trying.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon