Chapter 13

2K 161 103
                                    


Chapter 13: A Far Away Place

Weliza's Point Of View

Oh wolf moon, what have you've done to me?

Kasing linaw pa ng bilog ng buwan ang alaalang iyon. What happened in the academy night is really unexpected. Pat is awake, Jolo reveals his own betrayal, the wolves had come so far that I didn't expect what they brutally done to humans. Lastly, Jolo isn't the only one who betrayed me but also Jack himself. The black wolves didn't got me but the white wolves did it and probably with Jack's help.

Binuksan ko ang mga mata ko wishing all of those is just a dream. Isang panaginip na pagmulat ko nasa kwarto na ako, isang panaginip na kailanman hinding-hindi magiging totoo... pero mukhang mali ako. Hindi ko kailangan gumising mula sa panaginip dahil alam kong totoong nangyari ang lahat ng iyon, masakit mang isipin.

Unang bumati pagmulat ko ang isang hindi pamilyar na paligid. Nasa isang kubo ako kung hindi ako nagkakamali. Gawa sa kawayan na mayroong pawid na dingding at bubong ang lugar kung nasaan ako. Nilibot ko ang tingin ko at lahat ng kagamitan dito ay pawang mga simple at gawa sa kawayan.

Bumangon ako mula sa lumang papag na mukhang tinulugan ko sa magdamag. Paulit-ulit kong sinampal ang mukha ko. Umaasa pa rin ako na sana panaginip lang lahat o kaya baka galing na naman ako sa pagiging comatose. Nang mamanhid ang pisngi ko ay tinigil ko na ang ginagawa ko. Totoo nga talaga lahat ng ito. Everything seems to be real.

Where am I? Why I'm here in this kind of place? Is this the white wolves lair? What the hell is happening?

Bumaba ang tingin ko sa suot kong damit. Hindi na ako nakasuot ng blue dress ngayon at sa halip ay isang malaking puting tshirt at shorts ang suot ko.

"Shit." Napamura na lang ako ng may maisip na isang bagay. Did the wolves did that thing to me? Napayakap ako sa katawan ko at pilit na inaalis sa isip ko ang bagay na iyon.

Nang maramdaman ko ang kwintas sa dibdib ko ay napahinga ako ng malalim. So the necklace is still with me. The owner of this thing betrayed me so I better throw it away. Akala ko talaga magiging maayos kaming magkaibigan ni Jack pero nagkamali lang ako. He broke the trust I had given to him.

Huhubarin ko na sana ang kwintas ng makarinig ako ng mga ingay sa labas. Agad kong hinanap ang pinto nitong kubo at tsaka nagtungo para buksan iyon.

Pagkalabas ay agad na humampas sa mukha ko ang sariwang simoy ng hangin. Walang hanggang mga puno ang matatanaw sa paligid. Marami rin akong nakikitang kubo na kagaya ng lugar na tinuluyan ko. Isang bagay ang sigurado ako ngayon, nasa gubat ako.

Dumako ang tingin ko sa mga bata hindi kalayuan, sa kanila galing ang mga ingay at kita sa mukha nila ang saya habang naglalaro. Mayamaya ay nakaramdam ako ng isang kamay na humawak din sa akinf kamay. Paglingon ko ay isang batang babae na pala ang katabi ko.

"Ate, laro tayo." Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. Kahit papaano ay nakikita ko ang sarili ko sa kanya noong bata ako. Mayroon kasi siyang isang pink na hair clip na gaya ng binigay sa'kin ni Dad dati.

"Pasensya na kasi aalis na rin si Ate." Malungkot na sagot ko. Napuno ng lungkot ang mukha nito at tsaka humigpit ang hawak sa'kin.

Tinitigan niya ako sa mga mata. "Sige na Ate please." Dinuyan niya pa ang kamay ko.

"Bata sa kanila ka na lang makipaglaro para makasama mo iyong mga ka-edad mo."

"Hindi bata ang pangalan ko kasi ang pangalan ko ay Vivienne. Ate kapag nakipaglaro ka sa'kin magiging good girl ako. Lagi akong kakain ng gulay at lagi na akong maliligo, pangako." Nakangiting sabi pa nito. Kita ko ang kagustuhan sa tono ng boses niya.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora