Chapter 17 (Part Two)

1.2K 78 120
                                    


Chapter 17 (Part Two): To Save Her

Third Person Point Of View

"Quick! We must leave now!"

Nagising si Colonel ng may marinig na pabulong na boses ng lalaki. Sinubukan nitong gumalaw pero nahirapan siya. Nanginginig kasi ang buo nitong katawan ngayon. Mayamaya ay naalala niya na ang dahilan kung bakit siya nagkaganito ay dahil sa mataas na boltahe ng kuryente na dumapo sa kanya. Heto at nakatali pa rin siya sa isang upuan.

Para siyang nanggaling sa isang masamang bangungot dahil sa tindi ng paghihirap na naranasan niya at pati na ang kakambal na si Jester. Kaawa-awa ang sinapit nito kumpara kay Colonel dahil sa mga pasa at galos nito hindi lang sa mukha kung hindi pati sa braso hanggang sa kamao.

Mula sa dilim ay may nakita si Colonel na lalaki sa tabi ng kakambal na sa tingin niya ay ang nagmamay-ari ng boses na narinig.

Tinanggal ng lalaki ang mahigpit na pagkakatali ni Jester hanggang sa tuluyan itong mapakawalan. Si Jester naman ay para bang tinakasan na ng lakas dahil hirap nitong maigalaw kahit ang daliri niya.

"B-Bakit ka nandito?" Pinilit ni Jester na magsalita. Nakayuko siya at para bang ayaw tignan ang lalaking kaharap.

Hindi nito pinansin si Jester at tsaka lumapit naman kay Colonel at sinimulang luwagan ang lubid sa kanya. Nang tuluyan ng makawala si Colonel ay mabilis nitong tinakbo ang kakambal. Napansin nito ang isang malaking sugat sa braso ni Jester, kapansin-pansin ang natuyong mga dugo mula rito.

"Are you alright? May masakit ba sa'yo?" Hindi mapakaling tanong ni Colonel.

Gamit ang nanghihinang mga kamay ay pinunasan ni Jester ang tumulong mga butil ng luha sa pisngi ni Colonel.

"Yakang-yaka ko 'to big bro ano ba." Isang matamis na ngiti ang pinakawalan nito sa labi.

"Mabuti siguro kung sa ibang lugar niyo na lang gawin iyan. We need to go before they came back." Kumuyom ang kamao ni Colonel ng marinig muli ang boses ng lalaking nagpakawala sa kanila.

"Walang-hiya ka!" Buong-pwersang pinatama ni Colonel ang kamao sa mukha nito. Dahil dito ay natumba si Jolo na hawak ngayon ang pisngi. "Gago ka papatayin kita!" Bumalik ang nawalang lakas ni Colonel ng makita ng harapan ang taong tumaksil sa kanilang magkakaibigan. Nag-aalab na siya sa ngayon sa galit.

Dahil sa silakbo ng galit ni Colonel ay hindi napantayan ni Jolo ang lakas nito. Wala siyang nagawa kung hindi depensahan ang pinapaulang mga suntok sa kanya ni Colonel.

"Stop! Hey guys stop!" Nahinto si Colonel sa ginagawa dahil sa sunod-sunod na mga sigaw ni Jester. "C-Can we just leave now? Please don't mind him." Tinutukoy nito si Jolo na ngayon ay nakatakip ang braso sa sariling mukha para hindi matamaan ng kamao ni Colonel.

Sinunod ni Colonel ang sinabi ng kambal, pinasan ito sa likod at nagsimulang maglakad paalis.

"He's right." Si Jolo, hindi pa rin tumatayo. "We must leave and get straight to the academy and save Weliza."

"Save her? How could you say such thing like that? You are the one who tried to gave Weliza to the wolves, right?" Sarkastikong tanong niya. Gustuhin mang sugurin ulit ni Colonel si Jolo ay hindi niya magawa dahil pasan niya ang kakambal.

"Ginawa ko lang naman lahat ng iyon para... para iligtas siya mga dude."

"Save her by giving her to the black werewolves? Anong klaseng mindset iyan Jolo?" Ngitngit ni Colonel.

"Black wolves isn't the enemy. They showed up because they want to protect Weliza from the white wolves. They're the real enemy and not the black ones." Pinanliitan ng mata ni Colonel si Jolo sa sinabi nito. Tahimik lamang na nakikinig si Jester.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now