Chapter 6

2.4K 162 67
                                    


Chapter 6: Night At The Beach

Weliza's Point Of View

Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng alarm clock ko. Pasado alas diyes na kaya tirik na tirik ang araw. Sabado ng umaga kaya wala akong klase. Pagkatapos kong ayusin ang hinigaan ko ay dumiretso ako sa may study table. Nagpapasalamat ako na wala munang gumulo sa pagtulog ko dahil wala akong napanaginipan na kahit ano.

Napatingin ako sa kaliwa at nakita ko ang sarili kong repleksyon sa malaking salamin. Nakuha agad ng atensyon ko ang asul na kwintas na suot ko. Isa rin sa nagpapagulo ng isipan ko ang tungkol sa bagay na ito at sa kung paanong paraan ito napunta sa'kin.

Sometimes, I'm thinking of throwing away this weird necklace but I ended up wearing it. Whenever I see this, I'm always encouraged to dig more answers on why does that incident three weeks ago happened.

Habang pinagmamasdan ang sarili ay bigla na lang akong napabuntong-hininga. "Weliza, what happened?" Bulong ko.

Alam kong malaki ang pinagbago ko hindi lang sa pisikal na anyo kung hindi pati na rin sa paraan ko ng pag-iisip. Malaki ang ibinaba ng timbang ko dahil minsan ay wala akong ganang kumain. Wala na rin akong maayos na tulog dahil minsan hindi na ako dinadapuan ng antok kakaisip sa kanila kaya ang resulta, medyo namumutla na ako.

Werewolves. Dahil sa kanila nagbago ang lahat sa buhay ko. Sobrang laking takot ang iniwan nila sa'kin hanggang ngayon. Pero kaakibat naman nito ay unti-unti akong natutong magpakatatag at lalo pang magpalakas para kapag dumating ang araw na bumalik sila ay kakayanin ko na silang harapin.

Totoo nga siguro ang sinabi ni Dymitri, nababaliw na ako dahil sa mga werewolves pero wala naman na akong magagawa dahil kailanman ay nakatatak na sa isip ko ang mga mukha ng halimaw na iyon hanggang sa huling hininga ko.

Mayamaya ay bigla akong napailing at pilit iwinawaglit kung anoman ang iniisip ko ng ganito kaaga. Mukhang tama si Mikay, kailangan kong magpahinga. Kailangan kong mag-relax na kasama sila.

Tumayo ako at dumiretso sa kabinet. Hindi ito ang oras para magmukmok dahil masyado pang maaga. Siguro kailangan ko munang maghanda para sa pupuntahan ko mamaya.

Nanguha ako ng sapat na damit para sa isang gabi namin sa beach. Naisip ko rin na baka ma-bored ako kaya nanguha ako ng ilang babasahing libro. Habang kinakalkal ko ang mga gamit ko ay bigla akong nakakita ng isang lumang litrato. A picture of me and my family that was taken five years ago.

Payak akong ngumiti habang pinagmamasdan ang mukha ni Dad na nakayakap sa'kin. This photo was taken by Tita Bea in our pool area before. Happiness can be seen in our faces even though my mother is expressionless sitting on her wheelchair. Naramdaman kong nangilid ang mga luha ko pero mabilis ko itong pinigilan. That photo happened on my 13th birthday and the last day that I'm with Dad.

Everything has changed after that day. The happiness faded and turned in sadness. That time I started to love darkness because no one will see me crying when it was dark. No one cares when I'm sad but there's darkness hugging me tight. Since then, darkness and I became friends because it help me hide every pain and tears I have.

"Weliza..."

Mabilis pa sa kidlat ay bumalik ako sa realidad ng makarinig ng isang boses ng babae. Tinatawag nito ang pangalan ko.

"Weliza, pakinggan mo ako."

Lumingon ako harap at likod, nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto pero ako lang ang nandito. What the—

"S-Sino ka? Ano'ng kailangan mo?"

"Hindi na mahalaga kung sino ako. Ang importante ay ikaw, Weliza. Pakiusap pakinggan mo ang sasabihin ko."

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon