Chapter 21

754 58 104
                                    


Chapter 21: In The Middle Of Nowhere

Weliza's Point Of View

Isang mahabang paglalakbay, ito ang sigurado ako. Wala man akong hawak na relo para makita ang oras pero alam ko na lagpas tatlong oras na ang nakalipas simula ng mangyari lahat ng iyon sa Sagrada.

Ang malaking apoy pati ang pagtapak ng mga itim na lobo sa Sagrada na sadyang ipinagbabawal, iyon ang mga ikinagulat ko. Just because of me they are eager to do everything.

Nakasakay pa rin ako sa isang bagay na hindi ko alam kong ano. Salamat sa piring na nakatakip sa mga mata ko kaya hindi ko tuloy alam ang nangyayari. Ni hindi ko rin alam kung umaga na ba basta puro dilim lang ang nangingibabaw sa paningin ko. Hindi pa naman ako nakararamdam ng init kaya panigurado wala pa ang araw para magbigay ng liwanag mula sa itaas.

Ang mga kamay ko, heto at nakatali mula sa likuran ko gano'n din ang mga paa ko sa ibaba kaya walang rason para makatakas ako. Katapusan ko na pero wala akong kaalam-alam kung sino ang may hawak sa'kin ngayon at kung ano ang rason kung bakit nila ginagawa lahat ng ito. Hanggat hindi ko nakikita kung sino sila, hindi ko malalaman kung mga itim na lobo ba sila o hindi.

May mga pagkakataong inaatake ako ng antok pero pinipigilan ko iyon dahil ang nasa isip ko, baka may gawin silang masama sa'kin habang tulog ako. Itong bagay kung nasaan ako ay gumagalaw gamit ang apat nitong mga paa. I wonder what it could be. Is this a wolf? A black wolf?

Mayamaya ay napansin kong bumabagal ang usad namin hanggang sa ang diretsong landas na tinatahak namin ay parang bumaba. Muntik pa akong mawalan sa balanse ng biglang nagpababa ng lakad ang bagay na sinasakyan ko. Nang makabalik ako sa sarili ay tsaka ko pinakiramdaman ang paligid.

Biglang lumamig, sigurado ako. Habang patagal ng patagal ay mas nangingibabaw ang lamig sa buong katawan ko. Jack's coat is not good enough to cover the cold atmosphere. Ngayon ay nasa akin pa rin ang coat ni Jack at hanggang ngayon ay suot ko rin ang purple dress na bigay ng hari.

Huminto sa paggalaw ang sinasakyan ko. Kalaunan ay nakarinig ako ng mga tawanan, hindi lang isa, napakarami nila. May humawak sa braso ko at huli na ng magpumiglas ako dahil nahila na nito ako.

Nahulog ako at nakaramdam ng pananakit ng katawan dahil sa pagkabagsak. Muli silang nagtawanan. Sobrang sakit ng katawan ko pero hindi ko iyon mahawakan dahil nakatali pa rin ang mga kamay ko.

Muli akong hinila habang mahigpit na hawak ang braso ko. Kinaladkad ako mula sa malamig at basang sahig. Naalala ko tuloy noong pumunta kami nila Mikay sa Puerto Prinsesa para kumuha ng fresh water para sa isang experiment namin. Ganito kasi iyong bato na natapakan ko, sobrang dulas at sobrang lamig pa. Nadulas pa nga noon si Dymitri at pagkatapos ay isang buwan siyang nakasaklay.

Sa isang iglap pinakawalan ako ng kung sinomang humihila sa braso ko. Buti na lang talaga at mahaba itong dress na suot ko kung hindi ay baka nasugatan na ang mga binti ko kanina ng hilahin ako. Kalaunan ay tinanggal na nila ang piring ko. Kumurap-kurap pa ako ng ilang sandali hanggang sa malinawan kung nasaan ako.

It's dark everywhere. There's some torch like what I saw in Sagrada but it's not enough to counter the never ending power of darkness in this place. The cold atmosphere and the damp floor must only means that I'm in a cave. Nilibot ko pa ang mga mata ko at nakakita ako ng mga itim na kabayo sa malapit. Sa isa sa kanila maaaring nakasakay ako kanina.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now