Chapter 17 (Part One)

1.2K 82 127
                                    


Chapter 17 (Part One) : The Disappearance Of The Twins

Third Person Point of View

What happened in the day before the academy night?

Mag-isang naglalakad si Jester pauwi galing sa buong araw na paghahanap sa kakambal na si Colonel. Naabutan na siya ng gabi sa lansangan na hindi alintana ang pagod dahil pursigido ito na mahanap ang nawawalang kapatid.

Tatlong araw na ng maglaho na parang bula si Colonel matapos ng gabi ng pagtatalo nila ng ama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagpapakita o nagpaparamdam kay Jester kaya sobra na lang ang pag-aalala niya.

Gustuhin man ni Jester na humingi ng tulong sa mga kaibigan para kahit papaano ay mapadali ang paghahanap kay Colonel ay hindi niya na lang iyon ginawa. Nasasaktan kasi si Jester dahil iniisip niyang walang maitutulong ang mga kaibigan dahil mas nakatuon ang atensyon ng mga ito sa mga werewolf. Ang ginawa na lang niya ay lumapit sa mga pulis at binigay ang larawan ni Colonel at ang sabi naman ng mga ito ay babalitaan na lang siya kapag may lead na sila.

Hindi naman pinalampas ni Jester ang social media para gawing midya sa paghahanap kay Colonel. Kahapon ay nagpost muli si Jester ng video niya na kung saan humihingi ito ng tulong na makita ang kakambal. Umabot ito sa mahigit isang daang libong views at tatlumpung libong shares pero wala pa ring nakapagbigay ng sapat na impormasyon sa kinaroroonan ni Colonel. Mukhang mahirap talagang mahanap ang taong ayaw magpakita.

Pagkarating sa tinutuluyan ay agad sinalampak ni Jester ang katawan sa malambot niyang higaan. Ngayon niya lang naramdaman ang matinding pagod. Dito siya naninirahan sa isa sa safe house ng pamilya niya. Kagaya ni Colonel ay hindi na rin siya umuuwi sa mansion nila habang ang kanilang ama ay walang kaalam-alam kung nasaan siya. Tila ba wala itong pakialam sa pagkawala ng mga anak.

Mayamaya, habang nakahiga, inilabas nito ang cellphone at tsaka pinindot ang camera.

"So hello mga beh..." Panimula nito, pilit ngumingiti sa harap ng lente ng camera. "Hanggang ngayon hindi ko pa rin nahahanap ang twiny ko. Sa mga may alam kung saan siya makikita, just DM me."

Ang ginawa niyang video ay nilagay niya sa "Story" ng isang social media account niya. Ilang segundo pa lang ay mayroon na itong ninety views. Nakita ni Jester na nagbigay ng limang "haha reaction" si Cassie sa video niya. I-me-message na sana niya ito ng isang malutong na mura pero bigla na lang nag-ring ang cellphone niya.

Calling...

Twiny Colonel

Hindi na nag-atubili si Jester at agad na pinindot ang answer button. Walang kung sinoman ang makapapantay sa saya niya ngayon. Halos lumabas na sa dibdib nito ang puso sa tindi ng nararamdamang galak.

"Hello?" Ani Jester na hindi mapakali at gusto na agad marinig ang boses ng kakambal pero napakunot ang noo niya. Ibang klaseng tunog kasi ang narinig ni Jester na sadyang ikinabahala niya. Inilayo nito ang cellphone sa tainga dahil sa lakas ng ingay mula sa kabilang linya. "Hoy bakit ang ingay?! Nasa club ka ba?"

"Hoy ka rin!" Kumpirmado. Sa mga oras na ito ay totoo ng napangiti si Jester ng marinig ang boses ni Colonel.

"Nasaan ka? Hayop ka ang tagal na kitang hinahanap. Kahit sa'kin man lang sana nagparamdam ka, 'di ba."

Hindi pinansin ni Colonel ang sinabi ng kakambal at sa halip ay iba ang sinagot nito.

"Halika samahan mo ako. Let's party party!" Nakarinig si Jester ng malalakas na hiyawan sa kinaroroonan ni Colonel.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now