Chapter 22

898 62 68
                                    


Chapter 22: Bloods and Bones

Weliza's Point Of View

Ang pagkahiwa ng balat ko dulot ng patalim ang siyang dahilan kung bakit nagdudugo ang kaliwang braso ko ngayon. Hawak pa rin ni Hektor ang patalim na iyon habang nakangiti pa at tuwang-tuwa sa ginawa. Dahil tinapat ni Hektor ang braso ko sa batong mesa ay dumausdos papunta rito ang sariwa kong dugo.

The black wolves are getting wilder. They are still in a weird formation that is circling around. Pinapalibutan nila hindi lang ako pati na rin si Hektor at ang batong mesa sa harap ko na may mga buto at bungo ng tao.

"Sariwang dugo, alay mula sa aming pinuno. Iyong tanggapin upang muling makamtan ang buhay na walang hanggan." Rinig kong usal ni Hektor, hawak pa rin ang braso ko.

Ang kaninang tahimik naman na mga itim na lobo ay unti-unti na lang nagbabago. May kakaiba silang mga tunog na ginagawa na hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin. It's like an incantation.

"Sariwang dugo, alay... sariwang dugo, alay... Buhay, walang hanggan... walang hanggang, buhay... Mahal naming panginoon ika'y magbalik. Pinunong Romulus aming nais..."

Paulit-ulit nilang hinihiyaw ang mga iyon habang paikot-ikot mula sa kanilang bilog.

Noong una akala ko wala lang ito pero bigla na lang akong napahawak sa ulo ko. Sobrang kirot na nito ngayon na para bang sasabog. Nanunuot sa ulo ko ang mga salitang sinasabi ng mga itim na lobo. Para iyong isang palakol na binibiyak ang bungo ko.

Naramdaman ko ulit ang kamay ni Hektor sa kaliwa kong braso. Pwersahan niya iyong tinanggal sa pagkakahawak ko sa ulo at muling tinapat sa mesang gawa sa purong bato. Napangiwi na lang ako ng hindi pa rin naaalis ang kakaibang sakit ng ulo ko na sinabayan din ng hapdi sa sugat ng braso ko.

Hindi ko na napigilan si Hektor ng muli nitong pinwesto ang kutsilyo sa balat ko at tsaka mabilis itong hinila. Isang panibagong sugat ang ginawa ng matalim na kutsilyo sa braso ko. Dahil doble na ang hiwa sa braso ko ay mas naging mas masakit iyon at mas mahapdi. Panibagong mapulang dugo ang tumulo papunta muli sa mga buto at bungo sa mesang bato.

"Tagumpay ang sumpa! Babalik na ang pinuno anomang sandali!" At humalakhak ito na parang masisiraan na ng bait. "Hindi nagkamali ang pinuno sa pag-usal ng isang makapangyarihang sumpa bago mamatay. Tignan mo nga ngayon, sa mahabang panahon na paghihintay, may umakma rin na dugo na magpapabalik sa kanya. Makapangyarihan ang sumpa dahil makapangyarihan din ang gumawa no'n!"

Muling humalakhak si Hektor at hindi lang siya dahil kasama na nitong parang nababaliw ang iba pang itim na lobo. Sabay-sabay sila ngayong humahalakhak, walang tigil, walang sawa.

Mayamaya naman ay umihip ang isang malamig sa simoy ng hangin. Tinangay nito ang mga buhok ko at nagliparan ang ilang tuyong dahon kasabay ng pagsayaw ng ibang puno sa ilalim ng bilog na buwan. Ano'ng nangyayari? Iba na ang pakiramdam ko ngayon.

Matapos tumigil sa pagsasaya ay tinapon ni Hektor ang hawak na kutsilyo. Pahigpit ng pahigpit ang hawak nito sa braso ko kaya pahapdi rin ito ng pahapdi. Gamit ang isang kamay, may kinuha ito sa kanyang bulsa. Pinakita niya ito sa'kin kasabay ng isang malademonyo niyang ngiti.

I don't know what that thing is. It's like a bone... No. It's like a teeth, an enormous teeth. Isa ba itong pangil?

The wind is blowing, wolves are howling and their incantation is echoing, the moon is up and shining. Dahil sa malakas na hangin ay tinangay nito hindi lang ang mga alikabok sa buong paligid ko kung hindi pati na ang makakapal na ulap. Tinakpan nito ang mahiwagang buwan kaya naging madilim ang lugar kung nasaan ako. Ang ilang lamparang naiwang nakasindi ang nagbigay liwanag para makakita ako.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora