Chapter 42

400 37 51
                                    


Chapter 42: A Voice In The Room

Weliza's Point of View

"Ako ang dahilan kung bakit ipinanganak na bulag ang anak ko, ako ang dahilan kung bakit naghihirap ng husto ang mga Sagros, ako ang dahilan kung bakit unti-unting nanghihina ang Haring Arceus." Humagulgol si Luna, ngayon ko lang siya nakitang nagkakaganito. Tila ba ang bigat sa dibdib niya ay napakatagal niya ng kinikimkim.

"Please, you need to calm down. As I've said, no one needs to be blame. Walang may gustong mangyari nito."

"Hindi! Una pa lang sinusundan na ako ng kamalasan, Weliza. Nang ipinanganak ako kadikit ko na ang kamalasan. Bakit? Bakit ako?! Dapat hindi na lang ako nabuhay!" Singhal niya sa'kin. Kita ko ang matinding poot sa mga mata niya kada bigkas niya ng mga salitang iyon.

"B-Bakit ganyan ka ba magsalita? You did nothing terrible, all these things happens for a reason. Ipinanganak na bulag si Jack para may matutunan siya, naghihirap ngayon ang mga Sagros para mas maging malakas sila, ang Haring Arceus naman ay malalagpasan ang sakit niya maniwala ka sa'kin."

"Si Arceus? Hindi mo ba alam na noon pa lang naghihirap na siya ng dahil sa'kin?"

"Kasama naman siguro ng pagmamahalan ang sakit at pighati, hindi iyon mawawala." Payak akong ngumiti matapos magsalita.

Napailing-iling si Luna at tsaka itinakip sa mukha ang mga kamay. Hindi pa rin magkamayaw ang mga luha niya. "Saksi ang buwan sa pag-iibigan namin ni Arceus pero... pero hindi pabor ang mga magulang niya. Hindi kalaunan ay pinwersa nila si Arceus na magpakasal sa pinsan ni Hulyo. Kung ano-anong pananakit ang ginawa nila sa kanya mapasunod lang."

Pinanliitan ko siya ng mga mata. "B-Bakit naman ayaw sa'yo noon ng mga magulang ni Haring Arceus?"

"Dahil naiiba ako sa lahat ng Sagros. Weliza, hindi ko kayang magbagong-anyo bilang lobo."

"Hindi ba parang napakaliit na bagay nito—"

"Hindi mo ba naiintindihan? Kadikit ko ang kamalasan simula isilang ako! Hindi ko kayang magbagong-anyo dahil isinumpa ako kaya walang may gusto sa'kin noon pa man." Madiing sambit nito habang nakatitig sa mga mata ko. "Isang sumpa ang dumadaloy sa dugo ko hanggang ngayon. Ang rason ay dahil sa mga magulang ko. Ang aking ama ay isang puting lobo at ang aking ina ay purong itim naman."

"Wait—what? Ibig mo bang sabihin... Ikaw... ikaw ang second cursed wolf?"

She nodded. "Oo, ako nga."

Oh shit. I never thought about this one.


+++


Buong magdamag akong gising dahil sa matinding pag-iisip sa naging rebelasyon ni Luna. She's the second cursed wolf in the werewolves' history. Hindi ako mapalagay sa katotohanang ito.

Malas, isinumpa, kasuklam-suklam. Ito ang mga salitang kadalasan kong naririnig sa ibang Sagros kung paano nila bigyang kahulugan ang gaya ni Vivienne—para sa isang cursed wolf. Ngayon ko tuloy naintindihan kung bakit never kong nakitang nagbagong-anyo si Luna, kasi ito ang naging sumpa sa kanya ng ipinanganak.

On this day, there are three cursed wolf all in all. The first one is in Romulus' time, the other two is Vivienne and Luna. Cursed wolf are the ones who came from the pack of a white and a black wolf. Why cursed? Because white and black wolves shouldn't be together, they are forbidden to be as one. Hindi pa malinaw sa'kin kung bakit sila bawal magsama basta noon pa lang ay magkaaway na ang mga kulay nila. Well there's one thing for sure, a curse will occur afterwards if the two colors will unite.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon