Chapter 51

454 31 207
                                    

Chapter 51: Confrontations

Weliza's Point of View

Nang makapasok ang mga tao sa loob ng academy ay inanyayahan ko si Mikay na sumunod na rin. Gusto kong alamin ang iba pang nangyayari sa lugar nila sa baba ng bundok. Werewolves attacked them in the middle of the day? Ito na yata ang sinasabi ni Hektor noong nakaraan. Everything is getting worse and I wonder what will happen next.

Nang makapasok ang lahat sa academy ay isinara na ng guards ang gate. Pinalibutan pa ito ng mga pulis at sundalo loob man at labas. Sa gilid ay natagpuan ng mga mata ko ang mga nakatanim na kulay purple na bulaklak—mga wolfsbane. Ngayon ay may nakapaskil ng "Do Not Touch" signs malapit sa mga halaman. Possible na noong wala kami rito ay nilagay iyan ng nagmamay-ari ng wolfsbane. Sana lang ay makilala na namin siya dahil malaking tulong ang mga tanim niya para sa ikabubuti ng lahat.

Mayamaya ay inikot ng mata ko ang buong campus. Ang kakarampot na estudyante ay pinalabas sa kani-kanilang mga klase at idinala rito kasama ng sambayanan. Kita sa mukha ng mga kapwa ko mag-aaral ang pagkalito at kawalan ng kaalaman sa nangyayari sa paligid. Hindi nila alam na habang nagkaklase sila ay nagkakagulo na pala sa bayan namin.

"Paano na ang buhay namin sa labas, sir?" Tanong ng isang babae sa pulis na hiniraman ko ng megaphone kanina. "May mga alaga kaming hayop at hindi namin sila pwedeng hayaan doon. Matagal na panahon ang ginugol namin at malaking salapi ang nagamit ng asawa ko para maalagaan ng husto ang mga baboy at manok na iyon. Baka ubusin lang sila ng mga lobo ng isang iglap!"

"Kumalma kayo, misis. Nakikipag-coordinate na kami kay Mayor para magpadala ng mga tao papunta sa tinitirhan niyo sa ibaba ng bundok. Kapag maayos na ang lugar, pauuwiin na po kayo." Kalmadong tugon ng pulis. Nasa kaliwa niya si Tito Juan at pinakikinggan ang usapan ng dalawa.

"Ganyan kayo magsalita dahil hindi niyo nasaksihan ang mga nakita namin. Muntik na kaming mamatay! Muntik na kaming makain ng buhay!" Nagngangalit na sigaw ng babae. Pansin ko na halos maluha na ito sa tindi ng galit. "Sabihin niyo sa walang kwentang si Mayor Jerone na siya ang pumunta rito at harapin kami! Tutal siya naman ang may pakana kung bakit tayo humantong sa ganito. Kung sana lang ipinalabas niya na sa media ang nangyayari sa La Lobos noon pa lang, edi sana buong Pilipinas ang tumutulong sa'tin ngayon sa pagpuksa ng mga lobo." Madiing sambit ng babae bago ito padabog na umalis.

Nagkatinginan naman ang pulis pati si Tito Juan. Hindi ako sigurado kung ano ang iniisip nila basta ang alam ko lang ay hanggang ngayon hindi pa rin naniniwala ang ama ng kambal tungkol sa existence ng werewolf sa lugar namin. Ibig sabihin, hindi pa rin ito nakakakita ng lobo kaya ganito siya mag-isip at umasta. Well, sino naman kasing maniniwala na totoo sila unless makita mo ng personal gaya ko na ilang beses na silang nakasalamuha.

"Chief, chief, chief!" Isang panibagong babae ang sumulpot. Hindi na ito mapakali base sa ikinikilos niya. "Parang-awa niyo na tulungan niyo po ako. Ngayon ang uwi ng anak kong panganay sa bahay namin. Hindi niya po alam na may mga lobo ngayon doon." Inilipat-lipat nito ang tingin sa pulis at kay Tito Juan.

"Nasubukan niyo na ba siyang tawagan?"

"Opo pero hindi siya sumasagot." Sagot ng babae sa pulis. "Nag-aalala na po ako sa kanya, baka kung ano na po ang nangyari sa anak ko."

"Ganito na lamang po, sasabihan na lang namin kayo kung may balita na kami. Naghahanda na ngayon ang mga kasamahan namin para i-check ang lugar niyo." Humakbang si Tito Juan at tinapik sa balikat ang babae. Diretso ang tindig nito na parang gaya lang ni Jester... ng totoo at lalaking Jester.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora