Chapter 37

440 36 39
                                    


Chapter 37: Cold Voice

Weliza's Point of View

I am hundred percent sure that this wasn't a dream. Jack showed himself out of nowehere but he's now leaving once again. Why do I feel chills? Ang lamig ng pakikitungo niya sa'kin na parang ito ang una naming pagkikita. Parang hindi niya ako kilala.

"Sandali!" I gripped his hand to capture his attention. Nagsisimula na akong manginig ngayon.

"Why?" Iritang tanong niya ng hindi ako nililingon.

Humakbang ako at tinungo ang harap niya. Sa isang iglap ay hinawakan ko si Jack sa magkabilang pisngi na sadyang ikinagulat nito. Pinagmasdan ko lang ang mukha niya habang hawak-hawak ito. "Is that really you? Or did you gave your eye to someone for the second time?"

"Ano ba." Tinabig nito ang mga kamay ko at umatras ng ilang metro palayo sa'kin. "What do you think you're doing?"

"D-Do you remember me?" Nauutal na tanong ko.

Please, huwag naman sana siyang bumalik sa dati, sa mga panahong hirap pa siyang makaalala dahil sa pagkawala ng isa niyang mata. Ang daming ng nangyayaring hindi maganda sa buhay ko at hindi ko na kakayaning maging ganito pa siya. Kailangan ko ngayon ng tutulong sa'kin na makita muli ang liwanag at pag-asa, na kahit ano'ng mangyari ay importante ang mabuhay. Kailangan ko si Jack ngayon. Huwag niya sanang ipagkait ang kagustuhan ko na makasama siya.

"Of course I do." Malamig na pagkakasabi nito. "Weliza, ano'ng akala mo sa'kin mahina ang memorya?"

"T-Then why are you acting that way?" Hindi ko inaasahan ang pagpapakita niya ngayong araw pero ang mas hindi ko inaasahan ay ang pinaparamdam niya sa'kin. "What happened to you? Jack, tell me."

Ngumisi si Jack at marahang umiling. Nakatitig lang ako sa mga asul na mata niya. Para akong nahi-hypnotize nito, napakaganda, talagang kahali-halina.

"It's okay for us to be like this. I'm sorry Weliza but this is what it needs to be done. For everyone's sake." Malamig na pahabol niya pa. Kalaunan ay naglakad si Jack papalayo at iniwan akong tulala sa bilis ng mga nangyayari.

Pinagmadan ko na lang ang bawat paghakbang na ginagawa nito palayo sa'kin. Naninikip na ang dibdib ko ng unti-unting nagkakaroon ng malaking puwang sa'ming dalawa, dito na nagsimulang mangilid ang mga luha ko. Gusto ko man siyang habulin pero huwag na lang muna siguro kasi baka tumakbo lang siya at maging rason para mas masaktan ako lalo.

Suddenly my phone vibrated. Kinuha ko ito gamit ang nanginginig ko pang kamay. There's a message from our groupchat leaving Mikay's name on my screen.

"Weliza, go to the safehouse. Everyone is here. We need to talk."

+++


"Ang tagal mo naman." Nasa labas pa lang ng safe house ay binati na agad ako ng nakapamewang na si Mikay. Luminga-linga ito sa likuran ko na parang may hinahanap.

"Sorry, galing kasi ako sa mausoleum." Tugon ko. Pinagmasdan niya lang ako pagkatapos ay napansin kong parang pagala-gala ang mga mata niya. What's up with her? Parang may hinahanap siya.

"Hindi mo ba kasama si Jack—oh, there you are." Sabi nito na ikinabigla ko naman. Napansin ko sa gilid ang pagsulpot ng isang lalaki. "Ang sabi ko sunduin mo si Weliza sa bahay nila pero ba't siya pa nauna sa'yo rito? Hindi pa ba kayo nagkita?" Nakita ko ang marahang pag-iling ni Jack. Pagkatapos ay nilagpasan nito si Mikay at diretso ng pumasok sa loob ng safe house.

Hindi ko na lang pinansin ang nangyari at sa halip ay naguguluhan kong pinukol ang aking tingin kay Mikay. "Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit parang wala akong kaalam-alam?"

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon