Chapter 7

2K 147 79
                                    


Chapter 7- Prepare To Fight

Weliza's Point Of View

"No one has the right to touch any of my students." Madiing sabi ni Sir Pharoño sa mga lobo. Nangingibabaw sa buong paligid ang malalim na boses nito. Napakaseryoso niya ngayon at parang walang mababakas na kahit anomang emosyon maging sa mukha nito.

Sa isang iglap ay itinutok nito ang hawak na baril sa apat na itim na lobo. Kahit nasa bingit na ng kamatayan ay parang kahit katiting na takot ay hindi alintana ng mga lobo sa aming harap.

"Sa tingin mo ba natatakot kami sa'yo at diyan sa laruang hawak mo?" Sarkastikong tugon ng isang lobo. Nakipagsukatan ito ng tingin kay Sir Pharoño, siya ang pinakamalaking lobo sa apat. Humakbang ang lobo at biglang nagpalit ng anyo bilang tao. Dahil ngayon lang nasaksihan ng mga kaibigan ko ang ganitong pangyayari ay gulat na gulat sila. Panigurado natauhan na sila ngayon na hindi lang basta mga normal na lobo ang nakasalamuha namin three weeks ago.

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Hindi mo ba alam na silver ang mga gamit kong bala ngayon?" Nakangising sambit ni Sir Pharoño, kita ko ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha ng lalaking kaharap namin dahil dito. Tama! Bullets are made from silver and silver has fatal damage in werewolves!

"Umalis ka na kung ayaw mong madamay." Pananakot pa nito kay Sir Pharoño. Walang nagpapatinag sa kanilang dalawa.

"Hindi niyo ako kilala kaya umalis na kayo kung ayaw niyong mamatay sa mga kamay ko." Nakapagtatakang wala akong nakikita kahit katiting na takot kay Sir Pharoño kahit na may mga nilalang na balak umatake sa'min. "Magbibilang ako ng isa, dalawa..." Napaatras ng isang hakbang ang lalaki na sinusundan ng galaw ng mga kasamahan niyang lobo. "Alam niyo kung ano'ng mangyayari sa inyo kapag naputukan ko kayo... Tatlo."

Napatakip ako ng tainga ng isang panibagong putok ng baril ang nangibabaw sa buong lugar. Agad na bumulagta ang lalaki na ngayon ay duguan ang isang binti. Ang ibang lobo ay nanatili sa kinatatayuan nila at hindi nagpakita ng kahit anomang pagkatalo. Ngayon ay mas nanlilisik ang mga pula nilang mata.

"Sige na, umalis na kayo!" Utos sa amin ni Sir Pharoño pero hindi namin alam kung paano siya susundin dahil wala naman kaming ibang mapupuntahan.

"Pagbabayaran mo ito! Isa kang hampas-lupa!"

Kasing bilis ng kidlat ay tumalon ang isa pang lobo papunta sa direksyon ni Sir Pharoño. Dahil sa lakas ng pwersa nito ay natumba si Sir Pharoño at nabitiwan ang baril. Hinawakan ni Sir ang leeg ng lobo kaya hindi siya maabot ng matatalim na pangil nito.

Dahil hindi makaatake ang lobo gamit ang bibig ay ginamit nalang nito ang matutulis na kuko. Buong pwersa niyang kinalmot si Sir Pharoño sa dibdib hanggang sa mapunit ang damit nito. Hindi naman nagtagal ay namula na ang dibdib ni Sir dahil sa dugo. Hindi tumitigil ang lobo sa ginagawa nito na parang gustong butasin ang dibdib ng kanyang biktima.

"He needs our help!" Napasigaw na lang ako dahil sa matinding panic.

"Pero sabi niya umalis na tayo. Wala tayong kalaban-laban sa kanila. Hindi sila tao!" Panlulumo ni Colonel habang bitbit pa rin ang walang malay na si Pat.

"But he saved us and this time he needs our help!" Paliwanag ko sa kanila, hindi na ako mapakali dahil baka kung anong masama na ang mangyari. "Besides we can't leave now. Jack is not here so he's also in danger. The wolves might also attack him."

I don't know but suddenly Jack's face flashed on my mind. He's with us in this place after all, we are together in the first place. Matapos ng pag-uusap namin kanina ay hindi ko na nakita kahit na anino niya kaya may parte sa'kin na kinakabahan dahil baka kung napano na siya.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon