Chapter 49

369 33 130
                                    


Chapter 49: Revelations

Weliza's Point of View

Gaya ng napag-usapan namin ni Colonel kagabi ay magkikita kami ngayong araw. Even though may nangyaring gulo kahapon wherein humans hunted the wolves, normal pa rin naman ang araw.

May bahid na ng takot sa mga mukha ng mga taong nakasasalubong ko. Balisa sila at tila hindi kalmado pero tuloy pa rin ang kanilang buhay. Kanya-kanya pa rin silang lakad sa ilalim ng papalabas na araw papunta sa kanilang mga trabaho o kaya gaya ko na patungo sa eskwelahan. Isipin mo kahit gaano kalala at kadelikado ang sitwasyon patuloy lang kami sa buhay na parang walang nangyayaring kakaiba sa lugar namin.

Naalala ko tuloy bigla ang usapan ng mga kaibigan ko tungkol kay Mayor, sinipag kasi akong mag-backread kagabi sa groupchat bago ako natulog. Base sa nabasa ko, alam na ng mga kalapit na bayan ang nangyayari sa La Lobos pero dahil kaibigan ni Mayor ang ibang pinuno sa malapit, pinapatahimik niya ang mga ito. Ang iba namang bayan ay walang pakialam sa'min dahil ayaw nilang masangkot sa gulong gawa ng mga lobo. Ang ending tuloy ay parang invisible at wala sa mapa ang bayan ko na hindi nabibigyang-pansin. Ang kailangan lang naman namin ay tulong laban sa mga kakaibang halimaw rito pero wala eh. Hindi ko naman sila masisisi kasi iniisip lang nila ang sariling kaligtasan.

"Para ho!" Pagkaabot ko ng bayad sa tricycle driver ay umibis na ako sa sasakyan nito.

Alas syete na pero hindi ko alam kung anong oras ako makakapasok sa loob ng academy. Ang higpit sa may gate pa lang. Todo busisi ang mga nagbabantay na pinaghalong mga pulis at guards ng eskwelahan ko. May mangilan-ngilan ding mga sundalo na nagkalat. Ang nabasa ko pa sa groupchat namin ay sunod-sunod na raw ang pagkawala ng estudyante na nag-aaral dito. Ang ibang teachers naman ay umalis na hindi lang sa academy kung hindi pati na rin sa bayan ng La Lobos.

Nang tuluyang makapasok sa loob ay napansin ko ang estado ng eskwelahan ko. Kaya ng mabilang ng daliri ko sa kamay ang nalalabing mga estudyante. Siguro iyong mga nandito na lang ay iyong mga graduating student na pilit tinatapos ang kanilang pag-aaral kahit na may banta ng werewolves. Ang ilan siguro ay gaya ko at ng mga kaibigan ko, pinagpaplanuhan kung paano masu-solusyonan ang problemang kinahaharap namin. Well, I don't even know if there are others like us na may mindset na gumawa ng hakbang para mapahinto ang gulong ito.

Nang makabalik sa realidad ay nagpatuloy ako sa paglalakad at tinungo na ang magiging ruta ko. Sa may platform kasi napiling makipagkita ni Colonel. Sana lang ay maayos ko na siyang makausap ngayon dahil kagabi ay mukhang nakainom siya. May tiwala naman ako kay Colonel pero kasi, iba ang tama ng alak sa pag-iisip ng mga tao.

"Weliza!" I gazed around the place when someone shouted my name. Halos kadarating ko lang ng may tumawag sa'kin.

"Kanina ka pa ba?" Tanong ko kay Colonel na nakasandal sa may pader. Suot niya ngayon ang kanyang mga hikaw na posibleng hindi na pinagtuusan ng pansin ng mga guards sa sobrang busy sa pagbabantay sa gate. May suot din itong silver na kwintas at may singsing pa sa kaliwang hintuturo. Gaya ng lagi niyang ginagawa ay naka-tuck in ang kalahati ng uniporme nito at ang natitira ay nakalabas naman. Kumpara sa kakambal niya, magaling pumorma at magdala ng damit si Colonel.

Makalipas ang ilang sandali ay inanyayahan ako ni Colonel na pumasok sa loob ng platform. Bukas na 'to ngayon na dati lang ay sarado dahil may naganap na gulo noong academy night dito. Wala na ang mga yellow tapes na nilagay ng awtoridad at malinis na rin ang lugar.

"Where do we need to start?" Umupo ako habang si Colonel ay nakatayo lang at pinagmamasdan ang paligid.

"Diretso na agad kay Pat." Napatango-tango ako sa kanya.

"What's the real problem about her ba? Hindi ko masyadong gets ang sinasabi mo kagabi sa video call. Why is she weird?"

Napabuntong-hininga si Colonel at dito niya na ako hinarap. "Remember the whole time you're not around? That's the same time Patricia is not also in here."

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon