Chapter 18

1.2K 98 245
                                    


Chapter 18: The Cursed Wolf

Weliza's Point Of View


Gulat na gulat ako at hindi pa rin makapaniwala na makita ang kababata ko na si Dymitri sa lugar kung nasaan ako ngayon.

Kanina habang kasama ko si Jack ay nakarinig kami ng mga sunod-sunod na ingay at ng puntahan namin kung saan iyon galing ay ito ang natunghayan ko. Duguan at wala ng malay si Dymitri habang pinapalibutan ng mga kawal nitong palasyo ng Sagrada. Ang Sagrada ay isang lugar sa pinakapusod ng gubat na kung saan naninirahan ang hindi mabilang na mga lobo. Nagkukubli ang mga ito sa mainit na mata ng mga pangkaraniwang tao.


Nabanggit sa'kin ni Luna na mga lobo lang ang makapapasok sa Sagrada kaya malabong may makapuntang normal na tao dito maliban na lang kung may nagdala sa kanila rito na isang lobo tulad ng nangyari sa'min ni Cassie. Ngayon ay napapaisip ako kung paano nakapasok dito si Dymitri dahil sa pagkakakilala ko sa kanya ay purong tao naman siya kagaya ko.

Nang mapansin ng mga kawal na hindi na gumagalaw si Dymitri ay tumigil na sila sa pagbugbog sa kanya. Ang isa naman ay biglang dumukot ng espada na siyang ikinabigla ko. Itinaas nito ang espada at balak na sanang atakihin si Dymitri pero napalingon sila sa direksyon ko ng bigla akong sumigaw.

"STOP! STOP THAT!!!" Nagsimula muling dumausdos ang mga luha ko kasabay ng pagbagsak ng malalamig na butil ng ulan. Naramdaman kong hinawakan ni Jack ang likod ko pero wala iyong nagawa para pakalmahin ako. The next thing I knew, napaupo na lang ako sa lupa habang patuloy pa ring umiiyak.

"What's happening here?" Lumitaw sa kung saan si Alexander, nagmamadali. "You're making noises that the whole palace can hear. Hindi niyo ba alam na hindi pa tapos ang pagtitipon ng mga opisyales—"

Dumapo ang mga mata ni Alexander sa direksyon ko at ng makita nito akong umiiyak ay natikom panandalian ang bibig niya. Kalaunan ay binalingan nito ng tingin ang lalaking nakahandusay habang pinapalibutan ng mga kawal.

"Put that down. He's armless." Binaba ng lalaki ang hawak na espada dahil sa utos ni Alexander na kanilang prinsipe.

"Mahal na prinsipe alam niyo po ang patakaran. Magkakaraon ng sapat na parusa ang taong ito." Sagot ng lalaking may hawak kanina ng espada.

Napabuga ng hangin si Alexander bago muling bumaling sa direksyon ko pero parang hindi nito kaya na makita ako sa ganitong sitwasyon kaya mabilis ulit siyang nag-iwas ng tingin.

"I know, I know. Just bring him first at the dungeons." Utos nito sa mga kawal. Nang sabihin ang mga salitang iyon ay may naramdaman akong lungkot sa boses niya. "Don't make actions unless I've ordered. Now, make sure to treat his wounds."

Pinagtulungang buhatin ng mga kawal ang walang-malay na si Dymitri. Tatayo na sana ako para habulin sila pero pinigilan ako ni Alexander.

"Don't make more trouble. Let me settle this thing. We need to wait for the King's order."

Tinulungan akong makatayo ni Jack.

"You know that humans are not allowed here. This is a sacred place Weliza." Hinarap ko si Jack habang humihikbi. Ngayon ay sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa. Nag-iwas ito ng tingin kaya nakahinga ako ng maluwag mula sa mga titig nito. "Ang pagkakaalam ko ay noong huling may pumasok na tao sa lugar namin ay nagkagulo ang buong lugar. Ang dating hari noon ay muntik pang mamatay dahil sa nangyari."

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now